A Desire to Win ( CHAPTER 1 )


***

MUSIC ART CLUB ROOM:

Kasalukuyan ng nakikinig sa mga salaysay ni Rose ang kanyang mga myembro at nagpatuloy sila sa kanilang agenda. Lahat sila’y sang-ayon sa hamon ng kabilang school.
Ipanaliwang naman ni Rose ang mga dapat gawin at ang mga dapat kakailanganin para sa darating na kompetisyon.

“So guys, ayun lang.. wala na bang ibang tanong or what? Sure na kayo dito huh? Mamaya baback-out kayo before that day, ewan ko na lang sa inyo!”

“Ano ka ba ate Rose!” tugon ni Stell na mas desididong sumali para dito.
” Sasang-ayon ba ako kung ayoko? Eto ha! pag may umalis dito before competition, tingnan nyo, ipapadrop-out ko kayo dito sa school… hehe jk..”

Lumingon sa kanya si Pablo para magkomento sa sinabi nito.
“Kala mo naman’to. Hindi ka naman may-ari ng school. Haha! Isusumbong kaya kita sa mga Bidella, haha..!”

“Joke lang nga, dibah! Sabi ko? Ikaw nga andami mong pangalan dyan,eh!”

…..Hahahhahahah……

Natawa naman ang lahat sa sinabi ni Stell. Dahilan para magbigay na ng closing remarks si Rose sa kanilang meeting.

“Okey, tama na yan! Nailista ko na lahat ng napag-usapan natin. At mamayang hapon pagdumating na si sir Charles papaki-usapan ko sya about sa place ng pagpapractisan nyo at….”

” Saglit lang ate Rose.” putol ni Pablo.
” Hindi ba tayo dadagdag pa ng iba pang members?”

” Kayo? Wala namang kaso sakin yan.”
Sagot sa kanya ng kanilang asst.adviser at nagpaalam na’to sa mga kasama.
“By the way! Pag-uusapan na lang natin yan next meeting, Pau. Mauuna na ako, may klase pa kasi ako around 9am, sige na! Bye guys!”

……Bye ateeee……

Pagpapaalam ng mga kasama nito kay Rose na sinundan naman ng tingin ni Stell kay Pablo dahil sa naitanong nito.

” Teka bakit hahanap? Kulang pa ba tayo?”

“Hindi naman,Stell! Para sakin lang..” singit ni Kp.
“Kelangan talaga na nating dumagdag ng mga kasama.”

“Para namang hindi nyo kilala si sir Charles,ah!” dugtong pa ni Josh na para bang hindi sang-ayon sa sinabi ni Kp.

“Oo nga, kaya nga wala na masyadong tumatagal satin dito eh dahil sa pagiging istrikto nun.” – Stell

Agad namang napatayo si Mark upang mamamaalam sa mga kasama.
“Guys, mauna na rin ako. Naghihintay na’yung jowa ko sa labas,heheh…”

Rason na lang ng binata para makaiwas sa usapin ng mga kasama.
Napansin naman ito ni Josh ngunit napailing na lang at bahagyang lumingon sa bintana kung saan sya nakatayo sa may gilid nito.
Samantalang si Stell dinaan naman sa biro ang pag-iiwas ni Mark about dito.

“Hoy! Mark! Tigil-tigilan mo nga kami dyan sa pajowa-jowa mo! Hindi kami naiinggit, promise!”

“Haha..” tumawang saglit si Pablo at sabay ngiti na nakatitig lang ito sa notebook na hawak nya.

“Mark, baka kami pa dahilan ng away nyo,huh!” -Kp

“Hahaha.. ewan ko sa inyo! Alis na’ko! See yah!” pamamaalam nito sabay pagsara ng pinto.

“Teka! Saan na ba tayo?” -Pablo

“Saka na nga natin pag-uusapan yan! Sej!” singit ni Josh na nakatingin na sa mga kasama.

“Dapat nga ngayon na eh! Hanggat may oras pa tayo.” -Pablo

“Eh! Papano yan? Kulang tayo ng isa?” -Stell

“Kasi kung dadagdag pa tayo ng mga kasama, need pa kasi silang matrain ni sir. Ok lang sana kung hindi sya pressure magtrain sa mga baguhan.” -Josh

“Pero, what if tayo mismo ang pipili sa mga ipapasok natin dito?” tanong ni Pablo na ikinatahimik ng lahat sa ganung klaseng idea. At nagpatuloy ito sa kanyang salaysay.
“Since kilala naman na natin si sir papano sya pumili, dibah?”

“Papano tayo pipili? At sino naman ang pipiliin nating makakapasok dito?” -Josh

“Hindi! I mean is, kung may kakilala ka or tayo!” -Pablo

Habang ang mga kasama ay nagpapatuloy sa kanilang debate. Si Kp naman ay tahimik lamang at seryosong inuunawa ang diskasyon nila.

“Ang hindi ko lang talaga maintindihan, eh bakit ba kasi gusto mo pang madagdagan tayo? Pau?” seryosong tanong ni Stell na alam nyang walang patutungohan ang kanilang pagtatalo-talo.

“Hindi, kasi just in case lang naman, Stell. Hindi naman ‘to sapilitan. It’s not forcing you to do this!” -Pablo

Hanggang sa sumingit na sa usapan si Kp na kanina pa nakakabantay sa debate ng mga kasama.

“Ok! Tama na yan! Hindi kayo matatapos dito kung may against sa suggestion ng...


isa.”
“Suggestion lang naman ni Paul yan Stell, Josh. Subukan lang kaya muna nating dumagdag ng myembro. Kung may madagdag man o wala, wala lang rin namang mawawala sa grupo natin. Atleast nagparticipate tayo sa hamon ng kabilang school. Basta importante kompleto tayong lima na haharap duon, dibah!”

“Oo nga naman.” -pagsang-ayon ni Pablo.

Nagkibit-balikat lamang si Stell.

Samantalang para kay Josh may point naman sa sinabi ni Kp. Hindi naman talaga sya totally against sa suggestion ni Pablo.
“Actually, hindi naman ako against sa sinabi mo, Sej! May tamang rason din naman yung sinuggest mo samin. Ang sakin lang kasi pagmay pinasok tayong tao dito tapos in the end, hindi pala sya makakapasa kay sir, so sayang ang effort natin. Tapos hahanap na naman tayo ng iba? Eh masasayang din oras natin sa paghahanap lang ng tao. Eh! kung yung oras ng paghahanap natin inumpisahan na nating mag-ensayo may mabubuo pa tayong step sa sayaw. ‘Yun yung point ko.”

Tumangó na lang si Pablo sa sinabi ng binata. Kasunod naman nito ang pagdugtong ng salaysay ni Kp.
“Ano kaya kung maglalagay ulit tayo ng sign dyan sa labas ng door? Yung same last year?”

“Pero bibihira lang naman ang nagkakagusto sa club natin. Remember last year? Halos sasampu na nga lang gustong sumali hindi pa nakapasa sa training.” singit pa ni Stell.

“Wala namang masama kung gagawin ulit natin, dibah?” -Pablo

“Kayo? O Sige! try nyo ulit.” -Stell

Pansin ng mga kasama na naiba ang mood ng binata. Kaya naman diretsahan syang pinagsabihan ni Josh.
“Hoy! Stell! Wag ka ngang mag-inarte dyan! Parang ayaw mo atang dumami pa tayo,ah?!”

Ngunit kasunod nito ang pagsulyap ni Stell kay Josh dahil sa nasabi nito sa kanya.
“Teka! Wala naman akong sinabing ayoko,ah! May sinabi ba ako,Josh?”

“Oo na, Wala.” -bwelta naman ng binata.

Napansin ni Pablo at Kp na nag-iinit na sa pagbibitiw ng mga salita ang dalawa agad naman itong itinigil ni Pablo.
“HOY! Tama na yan! Kayo na naman ngayon. Para kayong mga bata.”

“Sana kahit pa against ka sa sinuggest ni Sejun, Stell. Dapat umagree ka na lang. Wala namang masama kung susubukan natin, dibah?” -Josh

“Ako lang ba ang against dito? Eh, dibah? Nakikipagdebate ka rin about dito kanina,ah?” -Stell

“Narinig mo naman ang paliwanag ko kay Sejun, dibah?”- Josh

Kunot-noo na at halos iritable na si Kp sa pakikinig ng diskasyon ng dalawa kaya naman agad na nya itong sinita.

“Ano ba kayo? Hindi nyo ba narinig ang mga sinabi ko kanina? If may madagdag man o wala, hindi na natin kawalan yun. Basta kompleto pa rin tayong lima na haharap sa kalaban. Tapos kayo itong nag-aaway-away dahil sa hindi nyo pagkakaintindihan kanina sa mga debate nyo? Sa susunod tatawagin ko na si ate Rose pagmay diskasyon pang magaganap dito!”

“Parang ikaw na ngayon ang lider, Kp,ah!” -biro pa ni Pablo.

“Ikaw nagsimula nito, Paul. Kaya umayos ka sa mga sina-suggest mo.” -Kp

“Opo,hehe..sorry! Pero napag-isipan ko rin naman ito bago ko i-suggest sa’nyo..hehhe..”

Patuloy na nanahimik ang dalawa dahil sa pagsita sa kanila ni Kp. Ngunit, sa kabilang banda, lumapit naman sa kanila ang lider na si Pablo upang syang unang humingi ng paumanhin sa mga ito.
Maayos naman itong tinanggap ni Josh at upang hindi na lumaki ang kanilang bangayan ni Stell, una na syang lumapit dito sa binata.
Humingi rin naman si Stell ng sorry sa mga kasama dahilan upang magkaayos silang tatlo.

“Ok lang naman sakin, wala namang kaso yun. Sorry din kasi nauna ‘yong init ng ulo ko, nag-aalala lang naman ako. Oh,eh papanu kung wala tayong naipasok? Eh di another isyu nanaman ng ibang mga students about sa club natin, ganun? Pero sige na nga, bahala na nga ang lider about dito. Mamaya magkakaruon nanaman tayo ng open-furom nito, haha..”

“Haha.. buti naman aware ka dyan, Stell..hehe..” tugon ni Kp.

Naging maayos na ang kanilang talakayan.
Salamat kay Kp na syang tumayong kuya ng mga ito.

Hindi man magkakaunawaan sa umpisa, pero sa huli nananaig pa rin sa kanila ang pagpapakababa sa bawat isa.

Ang hindi kinakaila ng karamihan na ang turingan ng magkagrupong ito ay higit pa sa pagkakaibigan, barkada o kasama.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top