ANG MANLILIGAW NI MAMA


ANG MANLILIGAW NI MAMA
“Ma, may bulaklak na naman rito!”
Agad na bumungad sa akin ang isang bouquet ng bulaklak nang buksan ko ang gate ng aming bahay.
“Talaga?! Akin na!” Mabilis na inagaw niya ito sa’kin at binasa ang nakasulat sa note na kalakip ng bulaklak.
“Sana all may manliligaw,” nakabusangot na wika ko at nagmamartsang umalis.
Kainis! Buti pa si mama na 56 years old na, may manliligaw, eh samantalang ako, 18 years old pero wala man lang lovelife.
Mas lalong sumama ang timpla ng aking mukha nang makita ko si Lance, ang crush kong hindi marunong mang-crushback. May kausap siyang babae at halata namang nilalandi siya nito. At nagpapalandi naman ang loko. Tsk, bwesit!
Napairap nalang ako sa sobrang inis.
_
“Tao po!”
Nagmamadaling binuksan ko ang gate ng bahay namin. Kanina pa kasi may nagdodoorbell.
“Hi, Isha.”
Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Lance. May dala siyang bulaklak at formal ang suot niya na parang… aakyat siya ng ligaw?
‘Omg, liligawan na ba ako ni Lance my loves ko?!’
“Anak, sino ‘yan?”
Napatigil ako sa pag-iimagine nang marinig ang sigaw ni mama.
“Ah, si Lance po—”
“Lance?!” Nagulat ako nang biglang sumulpot si mama sa tabi ko.
“Magandang gabi po, para po ito sa inyo.”
Napataas ang aking kilay nang ibinigay ni Lance ang bulaklak na dala niya kay mama.
“H-huwag mong s-sabihing… i-ikaw ang manliligaw ni mama?!”


/> “Oo, Isha. Nililigawan ko nga ang mama mo.”
Napanganga ako nang marinig ‘yun.
“Ano?!”
Bakit sa dinami-rami ng mga tao sa mundo, siya pa?!
Bakit ang crush ko pa?!
Hindi ko matanggap na si Lance pala ang manliligaw ni mama.
Bakit si mama pa ang nagustuhan niya? Bakit hindi nalang ako?
“Mama, sigurado ka na ba talaga sa kanya?”
“Oo naman, ‘nak,” nakangiting sagot niya.
“Ma, ipapaalala ko lang sa’yo ha, wala pang isang taon mula nang mamatay si Papa. Baka multuhin ka no’n kasi pinagpalit mo na siya agad,” pananakot ko sa kanya.
“Huh? Ano bang sinasabi mo diyan? Hindi ko naman papalitan ang Papa mo eh.”
“Eh pa’no si Lance?”
“Mukhang hindi mo yata naiintindihan, anak,” naiiling na saad ni mama.
“Huh? Hindi naiintindihan ang alin? Malinaw na malinaw na nililigawan kayo ni Lance kasi may gusto siya—”
“Nililigawan ko ang mama mo kasi mahal kita.”
Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Lance mula sa likuran ko.
“H-huh?”
“Isha, gusto kita. No, mahal kita. Ikaw naman talaga ang dapat na liligawan ko kaya lang inuna ko muna na ligawan ang mama mo kasi ‘di ba, magulang muna ang dapat ligawan bago ang anak.”
Natulala ako sa ipinagtapat niya.
“Bakit ‘di mo sinabi agad? Hindi mo na kailangang manligaw pa. Tara crush, pakasal na tayo.”
Nagulat ako nang batukan ako ni mama.
“Maharot ka!”
“Mana sa inyo hihi.”
𝑤𝑟𝑖𝑡𝑡𝑒𝑛 𝑏𝑦: 𝑀𝑎𝑒 𝑊𝑟𝑖𝑡𝑒𝑠






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top