AUTHOR: kitkatchu
GENRE:Rom-Com
β’Prologueβ’
Naglalakad na si Yuan pauwi galing sa pagjojogging,nang makatanaw sya ng babaeng nakikipagsagutan sa mga lasenggero sa isang kanto malapit sa village nila.
Lumapit ito ngunit may ilang metro ang pagitan at pinakinggan ang nangyayari,kung sakaling magkaroon man ng gulo ay nandun sya para umawat.
“Hoy! Kuyang nanggaling sa pinakailaliman ng lupa! Kung mambabastos ka,tignan mo muna yang itsura mo! Hindi ka taste ng mga taga dito! Wag kang aangas-angas dahil baka pag ikaw inangasan ko magkakabangas yang mukha mo!”Malakas na sabi ng isang babaeng maliit lang pero kung umasta akala mo ay hari ng kalsada.
‘Anak ba’to ng mayor? Governor?o Presidente?.’
“Hoy babaeng napakadaldal! Daig mo pa mga asawa namin kung magbunganga,baka gusto mong makatulog ng maaga dyan sa kinatatayuan mo?!” Sigaw naman ng isang manginginom na kasama nung ipinahiya ng babae.
Binatukan ng babae ang mga umiinom kaya sa gulat ni yuan napaatras ito bigla.
‘S-seryoso ba to?’
“Gusto mong malaman ng mga asawa nyo to?!”Sabay hawak sa mga kwelyo ng mga umiinom.Maski sila ay nagulat at napailing nalang bigla ng mabilis. Kakaiba…
“Ikaw!”Hindi nito napansin na nasa binata na ang atensyon ng babae.Kaya naman lalo itong nagulat at napaatras ng kaunti.
“Anong tinatayo-tayo mo dyan?!” Tsaka nito binitawan ang mga lasenggero.
“I-I’m just p-passing by….I-I’m g-going home now….”Parang tutang saad ng binata sa dalaga.
“Oh bat di ka pa umuwi?! Ano pang hinihintay mo–saglit wag mong sabihin na dito ka nakatira? eh mukha ngang mas malinis ka pa sa tubig nila dito?!” Kunot-noong sabi naman ng dalaga.
“I-I j-just h-heard y-you–teka nga! Bakit mo ba ko sinisigawan ha?!...