Are you with me? Chapter 1


Are you with me?❤️
Chapter 1
Kinabukasan may ngiti sa labi ng magising si Andrea. Binigyan sya ni Kianah ng dating cp nito. Pero hindi iyon ang dahilan ng mga ngiti nya. Pero naalala nya, wala pala syang karapatang mahulog sa di nya kauri. Maaasaktan lang.
Kinuha nya ang magazine sa ilalim ng higaan, pinakatitigan nya ang gwapong mukha ni Homer. Di nya akalaing mabait pala ito. At nakausap na nya at nakilala. Mabilis nyang natakpan ng kumot ng marinig ang pagpihit ng pinto., bumungad ang nanay nya.
“Sige nay.. Lalabas na.”
Pagbalik nya, naghanap sya ng masusuot sa may munting cabinet na may kurtinang tabing sa may tabi lng ng higaan. Ang iksi ng kanyang kwarto pinagkasya na ang tulugan at munting kahoy na lagayan ng damit. Pero yong mga damit made in Paris, Milan, branded lahat. Casual dress lng kasi sila at walang uniform.
Kahit sexy ang damit lagi syang may blazer o coat. Na bumagay talaga, walang mag aakalang anak mahirap sya.
Kailangan nyang magpanggap dahil walang maniniwala na mahirap lamang sya dahil puros mayayaman ang nasa university na yon.
Pagpasok nya sa campus, nakaabang sina Homer sa may mga mesa na tinatambayan ng mga estudyante. Sinisuguro ngmanagement ng paaralan na feel comfortable ang mga anak mayaman kaya bawat area may mga upuan at cafeteria na maoorderan. Modern facilities meron doon at parang naglalaro lang o naglalakwatsa lang ang mga students at di nila feel ang pressure ng pag aaral.
Napatingin sya sa kinaroroonan nina Homer. Agad itong tumayo at ngumiti sa kanya. Ang dami ring nakatingin dahil syempre bihira lang mamansin si Homer ng babae maliban kung tropa nya.
Sa tropa nito 3 ang bbae at 3 ang lalaki kabilang na sina Carl at Haide na mas close nito.
Ang gagara ng kanilang mga sasakyan, si Homer sasakyan ng ama nya ang gamit nya. Kaya kinaiinggitan dahil wala pang ganon sa University..
Akma syang lalapitan ni Homer pero dumiretso na sya.
Bandang snacktime dahil parehas management ang course inimbitahan uli sya ni Haide. Iisang table uli sila nina Homer.
Si Homer ang nangungulit kay Haide na mapasama sa kanila si Andrea. At dahil Nahihiya di sya makahindi.
Buti nakakaakto at nakakapagsalita naman sya ng normal sa harap ng mga ito. Pero alertong alerto sya dahil mahirap nang masamid.
Iba ang kinang ng mga ngiti ni Homer.
“Bawi na ba ako sa kasalanan ko sayo?”
“Hmm? Never mind, ok na yon”
“Ahm.. What if gawin mo akong taga hatid mo pauwi,”
“No need na promise.”
“May driver kang nagsusundo sayo”sabat ni Haide.
” W-wala. Ahm minsan oo, gusto ko lang maranasan yong mag commute e. Mas enjoy kasi.” kibit balikat lang si Haide
” Sa bagay, may point ka” sabat ni Carl.
” Payagan mo na ako”
Tiningnan nya lang si Homer sabay iling nya dito
” O ano, di mo mapilit. Iba yan bro” bulong ni Carl dito. Ngingiti ngiti lang si Homer. Ang lakas ng dating nito. Yong mga babae sa cafeteria di maiwasang di mapatingin sa kanya
” I Like your hair.. ” pansin ng isang babae sa tropa.
“Salamat.. “wika ni Andrea. may pagka curly brown ito na bumagay sa kanya.
Nasa tabi nya si Homer nakasandal ito sa upuan. Nakikita nya sa peripheral vision nya na titig na titig ito sa kanya. Kaya nilingon nya. Lumapad ang ngiti...


nito dahil nahuli nya. Nahawa tuloy sya at napangiti na rin ngunit mabilis rin nyang naibaling sa mga kasama nito ang paningin.
Umiiling iling si Homer na di maawat ang ngiti habang tinatapik tapik ng nanunudyong si Carl.
Pero hindi nagustuhan ni Haide ang nakita. Bumaling sya sa cp nya nang naka snub na.
” Haid!”
“Uh” tugon nya sa iniibig na si Homer.
Thanks! “.
” Ok..” alam niya kung ano ang ipinagpasalamat nito ang nakuha ang loob ni Andrea at makihalubilo sa kanila.
Habang nagchichika ang mga kasama nila, nakikingiti lang si Andrea. Masarap silang kasama, mababait naman pala. Kaso siguro pag nalaman ang tunay na kalagayan nya?
Nag daan ang isang linggo, lagi na nyang ka bonding ang mga tropa ni Homer at lalo ito.. Madalas sila lang apat.
Oh minsan hindi na rin sya sumisipot at si Hannah na lang sinasama sa snack. Pero agad syang hinahanap ng binata.
Madalas din silang magkasalubong o magkita sa hallway. At halata nyang may iba nang pinapahiwatig si Homer. Pero syempre cool lang sya. Ayaw nya pang magkaroon ng kung ano man sa pagitan nila. Alam nyang hindi pupwede. Pagod na nga syang mag adjust sa pag papanggap.
Lagi din sya nitong inihahatid na, pero hindi don mismo sa tapat ng building.
Isang hapon, pinatawag sya ni Kianah.
Naabutan nya itong nagtatawanan at ng madrasta nya. Kaya ito di nakapasok sa university nya dahil lagi itong ngkakasakit, nag hi hysterical dahil di nito matanggap ang pagkamatay ng mommy nya. At di nya makasundo ang madrasta pero nag eeffort ito sa kanya.
“Pinatawag mo ko..? May kailangan ka ba?”
“Halika pasok ka besh.”
“Nagtatawanan lang kami ni Ms.Aly sabi kasi ni Lea. Nakita ka daw nya na ka table sina Homer.Hahahaha… Loka2 talaga si Lea. Namamalikmata pa. Ikaw? Makakausap at makakabonding si Homer. Hahahaha..
Ahaahahaha..” pailing iling pa ito at hinihimas ang tyan sa kakatawa.
” Kanina pa nga kami natatawa, haha.. Sabi ko nga sigurado kapag nalaman ni Andrea, matatawa rin sya.. Hahaha” sabat naman ng madrasta nitong si Allyson.
” Ah.. Yon lang ba.. Ah sige besh marami pa kasi akong gagawin.”
“O sige besh.. Hahahaha…”
Pag alis nya.. Nagtawanan pa ang mga ito
“Hindi kaya sya na offend don” wika ni allyson kay Kianah.
” Wala lang yon sa kanya.. Hahaha..kaloka.”
Pero ang gwapo talaga ni Homer ko.. ” sabay kuha nito ng laptop nya na si Homer ang nasa cover photo.
Lumabas na rin ang kanyangَ madrasta.
Hawak ang dibdib, nahiga na lamang si Andrea ng makabalik sa silid. kinuha ang magazine at muling tinitigan.
Nahuli tuloy sya ng nanay nya.
” Anak, may gusto ka ba sa tagapag manang binata?”
” Nay.. Wala po.”
“Hindi masama ang humanga, pero alam mong hindi ang katulad mo ang gugustuhin nila para sa anak nila.”
“Alam ko po.”
“Kaya sana, huwag mo na syang pagpantasyahan anak. Baka may ibang nakalaan para sayo. Mahihirapan ka lang. Iwaglit mo na sya, mapapagalitan ka pa ng tatay mo”
Tumango tango lang sya. At ibinalik na ang magazine.
“Itatapon ko na rin po ito nay.”
“O sige, magpahinga ka muna dyaan, magluluto pa ako.”
Muli syang sinulyapan ng ina bago tuluyang lumabas.
Pilit na nyang iniwasan ang binata. Pero sadyang mapilit din ito na makasama sya. Wala na yata itong ibang nakikita kundi sya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top