MY KNIGHT IN SHINING ARMOUR❤️❤️
.
CHAPTER 4
.
Sobrang naaaburido si Alvin sa nangyayari sa kanila ni Erica, kung kailan na sa kinabukasan na ang kasal nila eh nagkaproblema pa sila, dahil sa makitid na pang-unawa ni Erica, hindi na lumabas pa si Alvin sa kwarto mula ng pumasok ang binata, nag-iisip siya kung ano ang gagawin niya bukas sa araw ng kasal nila ni Erica, kung pupunta ba siya o hindi na, matigas kasi ang salita ni Erica sa kanya na hindi na pupunta ito sa simbahan..At samantalang si Katelyne, sobra naman niyang sinisisi ang sarili sa nangyari, nasa kusina si Katelyne kasama si Abby.
.
Abby : huwag mong sisihin yong sarili mo kate, hindi mo naman kagustuhan yong nangyari sa kanila, kasalanan ni Erica yun..ayaw niyang pakinggan si sir, wala siyang tiwala kay sir, eh napaka-bait kaya ni sir Alvin.
Kate : hindi ko maiwasang hindi sisihin yong sarili ko, dahil ako ang pinagmulan ng away nila.
Abby ; alam mo ba mas gusto ko ngang hindi matuloy ang kasal nila sir Alvin at ang Erica na yun..
Kate : bakit naman? (Maang na tanong ni Kate)
Abby : hay naku, kung yun ang mapapangasawa ni sir Alvin sigurado ko, impyerno ang buhay ko dito, alam mo bang saksakan ng sungit ng babae na yun, kapag nandito nga yong babae na yun, walang humpay ang utos sakin nun, natataranta ako sa kaka-utos ng buset na babae na yun.
Kate : hala, baka marinig ka ni Alvin, mapagalitan ka.
Abby : totoo naman kasi, kaya nga iniisip ko ng mag-resign kung sakaling nakasal na sila, kaya nga natutuwa ako at nagkalabuan na yong dalawa na yun, at saka alam mo ba, saksakan din ng selosa yong babae na yun, minsan nga nag-away na din dati yang dalawa na yan, sayang nga at kung bakit nag-kaayos pa sila nun ni sir, tapos inalok na nga ng kasal ni sir Alvin, at eto nga ngayon nag-kalabuan na uli, kaya malaki ang pag-asa ko na mananatili pa ako dito sa bahay ni Sir Alvin..
Kate : grabe, ganun ka talaga kainis kay Erica?
Abby : hay, oo ganun nga..sayang din naman kasi kung aalis ako dito, eh kabait pa namang maging amo ni sir Alvin, kaya huwag mong sisihin yong sarili mo, nagpapasalamat nga ako sayo, dahil dumating ka sa buhay ni sir Alvin..
Kate : ano? Walang ibig sabihin yong pagdating ko dito ah, nagkataon lang na si Alvin yong nahingan ko ng tulong..
Abby : oo, mabuti na lang at nagkatagpo kayo ni sir Alvin..hay naku, kumain na nga lang tayo..huwag mo ng intindihin si Sir Alvin, okay lang yun, mauna na tayong kumain, kasi bababa yun kapag nagugutom kahit na alanganin oras pa, siya nga pala may mga damit na pinamili si sir Alvin para sayo, naroon na sa guestroom..
Kate : binilan ako ni Alvin ng mga damit?
Abby ; oo, mabait talaga si sir..
.
Natuwa si kate ng malaman niyang binilan siya ng mga damit ni Alvin. Natapos ng maghapunan sina kate at Abby, si Kate ay nasa guestroom na ang dalaga, dahil hindi na siya pinatulong ni Abby sa pagligpit ng kinainan nila, hinanap ng mga mata niya ang sinasabi ni Abby na mga damit na pinamili ni Alvin para sa kanya, at nakita na nga niya ang mga paper bag na naglalaman ng mga pinamili ni Alvin, pinagbubuksan niya ang mga paper bag, at bumungad sa kanya ang mga damit, at mukhang mamahalin pa ang mga ito, at meron ding mga underwear, nahiya siyang bigla sa mga bagay na iyon, at agad na siyang pumasok sa banyo at naligo, at ng makatapos maligo ay nagpatuyo siya ng buhok at ng matuyo ay nahiga na siya sa kama upang makapagpahinga na, dahil kailangang makabawi siya ng lakas para bukas sa pag-alis niya sa bahay ni Alvin. Hindi maalis sa isip ni kate na siya ang dahilan ng lahat kung bakit nag-away sina Alvin at Erica, sa isip ni kate ay siya ang may kasalanan, hanggang sa lumipas ang mga oras ay hindi pa dinadalaw ng antok si Kate, biling baliktad siya sa kama, pinipilit niyang makatulog, pero naiinip na siya sa pagkakahiga hindi pa din siya makatulog, naisip niyang sana doon na lang siya nakitulog sa kwarto ni Abby baka sakaling kapag may kakwentuhan siya habang nakahiga ay makatulog siya, tiningnan niya ang wall clock ay nasa alas 12 na, bumangon na lang siya dahil nabubugnot na siya sa pagkakahiga dahil sa hindi siya makatulog..naisipan niyang lumabas ng kwarto at magpapahangin siya sa balkonahe, parang gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin, pagkalabas niya ng kwarto ay tinungo niya ang papuntang balkon, dahan dahan niyang binuksan ang pinto para hindi makalikha ng ingay, parang naginhawahan ang pakiramdam niya ng makalanghap siya ng sariwang hangin, pumwesto siya sa may sulok sa hindi masyadong maliwanag, tinatanaw niya ang buong bakuran ni Alvin, may kataasan din ang bahay ni Alvin, minsan nangarap din siya na magkaroon ng bahay na katulad ng tinutuluyan niya, marami siyang pangarap para sa kanila ng nanay niya, pangarap niyang iahon sa kahirapan ang nanay niya, dahil naaawa si Kate sa nanay niya dahil sa sobrang hirap sa pagtatrabaho mapag-aral lang siya, kaya sinusuklian naman niya ang paghihirap ng kanyang nanay, nag-aral siyang mabuti kaya nga nagkamit siya ng karangalan, siya ang naging Validictorian sa school nila, kaya nga laking tuwa ng nanay niya ng magkamit siya ng karangalan,..at hangang sa inaalala niya ang mga nakaraan..
…..
Greta : anak, napakasaya ko salamat anak dahil hindi mo binigo si nanay..may maipagmamalaki ka sa tatay mo na hindi sayang ang pagpapa-aral ko sayo..
Kate : nay ako ang dapat na magpasalamat, dahil hindi kayo sumusuko, itinataguyod nio po ako na makapag-aral, kaya ako po yong maswerte dahil kayo po ang naging nanay ko, kaya nanay ang medalyang ito ay para sa inyo..(at isinuot ang medalya kay Greta)
Greta : salamat anak,(umiiyak niyang sabi)
.
Luha ng kaligayahan ang umaagos sa pinsgi ni Greta dahil sa nakamit ng anak, at hanggang sa pag-uusap ng mag-ina ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang tatay ni Kate, at lasing na lasing ito..
.
Dante : anong kadramahan yan?
Greta : dante, tinangnan mo oh, (ipinakita ang medalya kay dante)..validictorian yong anak mo oh..ang galing ng anak natin..
.
Kinuha ang medalya kay greta at tinitigan ni dante ang medalya, naghihintay si Katelyne kung ano ang magiging reaksiyon ng ama, pero sigurado si katelyn na matutuwa ang ama dahil sa nakamit na karangalan…
Pero mali ang inaasahan ni katelyne, hindi natuwa ang ama bagkus ay nagalit pa ito…
.
Greta : oh diba, dante sabi sayo may mararating yong anak mo, dahil may katalinuhan ang anak natin..kaya dapat pagsumikapan natin na pagtapusin ng pag-aaral si kate—
Dante : ano ang silbi ng Medalyang ito, (pagalit na sabi).maipambibili ba yan ng pagkain ha, matigas ang ulo mo Greta, ang dapat dito sa medalyang ito sinisira!!!(sigaw niyang sabi)
Greta : huwag dante, mahalaga sa akin yan, akin na yan!!
Dante : hindi ko ibibigay sayo ito, ang dapat dito ay sirain dahil walang kwenta ang medalyang ito, (kinuha ang palakol at hinataw hataw ang medalya, hanggang sa nagkayupi yupi ito.
.
Walang nagawa si Greta dahil malakas si Dante. Nasira ang medalya ni kate sa isang iglap lang,,sobrang sama ng kalooban ni Katelyne sa ama, wala na siyang ginawa tama para sa tatay niya, tinatanong ni katelyne kung masama ba naman na mag-aral na mabuti.
.
Greta : hayop ka dante, anong ginawa mo sa medalya ng anak mo.hindi mo ba alam na sobra ang hirap ng anak mo, para lang makuha yan.
Dante : oh di ayan, kuhanin mo na yang walang kwentang medalya na yan, isak-isak mo sa baga mo at ng mamatay kana..maka-alis na nga lang sa bahay nato..mga bwesit!!
.
Sobrang naaawa si Kate sa ina, habang pinagmamasdan niyang pinupulot ang nasira niyang medalya..bumubuhos na lang ang luha niya dahil di naman niya kayang sumbatan ang ama, dahil takot naman siya…at sa alaalang iyon ay bumuhos ng madami ang luha niya, basang basa na ang pisngi ni Katelyne habang inaalala niya ang mga sinapit nilang mag-ina sa kamay ng tatay niya…at hanggang sa nagulat siya ng may nagsalita sa likuran niya.
.
Alvin : bakit gising kapa?
.
agad pinunasan ang luha sa pisngi
.
Kate : Alvin ikaw pala, hindi kasi ako makatulog, ikaw bakit gising ka pa din?
Alvin : nagutom kasi ako kaya, bumaba ako na kumain, bakit ka umiiyak?
Kate : wala, naaalala ko lang si nanay, namimis ko na kasi siya, masakit pa kasi sakin ang pagkawala niya..
Alvin : matagal talagang mawawala ang sakit, lalo na at mahal na mahal mo ang isang tao.
Kate : madami sana akong pangarap para sa nanay ko, kaya lang iniwan na niya ako.
Alvin : noong mamatay din yong mga magulang ko, akala ko di ko din makakayanan, pero sa tulong ng kamag-anak ko na nagmamahal sakin. Nakayanan ko din, kaya ang isipin mo nalang na meron ding nagpapahalaga sayo.
Kate : wala naman akong kamag-anak, hindi ko kilala ang mga kamag-anak ko sa nanay ko, sa tatay ko naman, di nila ako tinuturing na kamag-anak, kaya sobrang napakasakit sakin, lalo na yong tatay ko nakuha pa akong ibenta..mabuti na nga lang at ikaw ang nakatagpo ko, kung iba paano na ang buhay ko ngayon, siguro baka nagpakamatay na ako..kaya sobra akong nagpapasalamat sayo Alvin.
Alvin : kung kailangan mo ng kaibigan, o kaya naman kamag-anak, o kuya..nandito lang ako, huwag kang mahihiya kate, tutulungan kita..
Kate : nahihiya na nga ako sayo, nagkaroon tuloy kayo ng di pagkaka-unawaan ng girlfriend mo.
Alvin : sabi ko naman sayo huwag mong isipin yun, dahil wala kang kasalanan sa nangyayari samin.
Kate : hindi ko alam kung sa anong paraan kita mababayaran sa mga tulong mo sakin.
Alvin : ano ka ba, wala yun. At saka hindi naman ako naniningil, masaya ako, dahil nakakatulong ako sa nangangailangan..at yun ang di maintindihan ni Erica..
Kate : paano yan bukas, pupunta ka pa din ba sa simbahan bukas?
Alvin : oo kate, pupunta pa din ako sa simbahan, umaasa pa din ako na sisiputin ako sa kasal ni Erica.
.
Nalungkot si kate sa isiping bukas na ang kasal ng binata, ibig sabihin, bukas din ay aalis na siya sa bahay ng binata dahil iuuwi na ni Alvin si Erica roon, hindi pwedeng manatili pa siya sa bahay ng binata kaya sa isip niya ay bukas ng umaga ay aalis na din siya, upang hindi na siya madatnan ni Erica sa bahay ni Alvin..parang may kumurot sa puso ni katelyne sa isiping hindi na niya makikita ang binata..parang tumitibok na ang puso niya para kay Alvin, sinaway niya ang sarili dahil hindi tama na tumibok ang puso niya para sa binata dahil ilang oras na lang ay, ikakasal na ang binata..at hindi nagtagal ay nagpaalam na siya kay Alvin na papasok na siya sa kwarto.
.
Kate : alvin, sige matutulog na ako..
Alvin : sige, goodnyt!
Kate : goodnight!
.
Naiwan ng mag-isa si Alvin sa balkonahe ng bahay niya, hindi niya pinagsisisihan na tulungan si Katelyne, masaya siyang natulungan ang dalaga, nailigtas niya ito sa kapahamakang kinasadlakan, samantala naman si Kate ay di makatulog, biling baliktad siya sa kanyang higaan, dahil sobra siyang nalulungkot, ikakasal na si Alvin, at bakit daw umiiyak ang puso niya, bakit daw kay sakit ng dibdib niya sa isiping ikakasal na ito, talaga nga daw na umiibig siya kay Alvin ah, sa unang pagkakataon ay tumibok ang puso niya,...