BUNSO”
By: Ken Anderson
*****************
Habang naglalaro sa cellphone ko bigla nalang akong binato ni mama ng unan na galing sa sofa at nanlilisik ang mga matang tumingin sa’kin.
“Ma naman eh! ba’t ka nambabato!?” Naiinis kong tanong kay mama.
“Anong bakit!? Huy Wendy! bantayan mo ang kapatid mo sa kuwarto at baka mahulog ‘yon sa kama. Bilis! puro ka selpon– gusto mo basagin ko ‘yan? Dali puntahan mo kapatid mo baka kung ano mangyari don!”
“Eh mama naman!” Reklamo ko.
“Aba magrereklamo ka? Eh yun lang naman ang utos ko sayo dahil marami akong ginagawa bilis na nga puntahan mo na si bunso sa kuwarto!”
“Eh si papa nalang ma!”
“Aba’t loko ka talagang bata ka ah!” Akmang babatuhin ako ni mama ng unan pero dali-dali akong nagtatakbo papunta sa kuwarto nila mama kung nasaan si bunso– isinara ko agad ang pinto at hingal na napasandal dito.
Pero halos matanggal ang mata ko sa panlalaki nito nang makita ko si b-bunso. Waahhhh!!!
“WAAAAHHHHH!!! MAMA! PAPA!” sigaw ko.
Nakarinig agad ako ng katok galing sa labas kaya agad ko itong binuksan.
“A-ANO!? ANO? BANG NANGYAYARI SAYO AT KUNG MAKASI—” bungad ni mama pero ‘di niya naituloy ang sasabihin ng makita niya ang ginagawa ni bunso.
“MAMA!! WAAAHHH SI...