Cherry Blossoms Chapter 2


Title: Cherry Blossoms
Disclaimer: this is not a true story. Bare in mind that All the characters including places and events are pure fictional. Thanks..
Chapter 2
Katrina ang pangalan nya.
Yun ang bukod tanging personal na impormasyong naibigay nya sakin. Maliban sa nabanggit nyang isa syang factory worker sa isang fruit packing company at isang buwan palang na nasa south korea wala na syang ibang nabanggit tungkol sa kanya.
Ni hindi ko nagawang kunin ang kanyang adress o numero ng telepono man lang.
Hindi pa raw kasj sya nakakabili ng sariling numero na labis kong pinagduduhan. Ginawa na lamang siguro nyang dahilan para hindi maibigay ang kanyang numero. Which is understandable. Sino ba naman ako para pagkatiwalaan nya diba. Isa lang naman akong estrangherong koreano, malay ba nya kung masama akong tao o miyembro ng mga sindikato.
Anyway.. mabilis parin naman akong nag isip ng paraan.. bago kami maghiwalay ibinigay ko sa kanya ang calling card ko. Nabanggit ko kasi na isa akong English teacher, nagsabi ako sa kanya na tumtanggap ako ng tutoring, baka sakali may kakilala syang gustong magpaturo ng english.. pwede ako.
Sa tuwa ko tinanggap naman nya.
I crosses my finger as i said my good bye to her.
Hoping that somehow may maligaw na tawag mula sa kanya.
Day 6
Day 7
Hangang mag day 15
Wala ni isang message mula kay katrina.
Isa lang ang ibig sabihin nun.
Hindi sya interesado sa akin.
Nakakapanglumo pero anong magagawa ko.
Hindi ko narin sya nakita sa park simula nun.
Lagpas na sa isang oras ako tumatambay sa upuang yun,, nagbabakasakaling makita ko syang muli.. ngunit natabunan na ako ng yelo sa kahihintay ni anino ng kanyang bisekleta ay hindi ko natanaw.
Hanggang sa nawalan na ako ng ganang gumawi ng parke at nagpasyang maghanap ng ibang tatambayan.
Napagdiskitahan ko ang mga nagsulputang street vendors sa kalyeng madalas puntahan ng mga office workers tuwing gabi.
May isang partikular na kainan akong nagustuhang tambayan at mag ilang gabi narin akong nakain dun bago umuwi.
Halos mawala na isip ko si Katrina nang makatanggap ako ng di inaasahang tawag mula sa aking kalahi.
‘Hello this is jeon who’s this’
‘Oh hi, ako nga pala si leo ito ba si mr. Jeon ‘
‘Ako nga sir.. ano pong kailangan nila’
‘Ah nasabi kasi ng isang kaibigan ko na tumatanggap ka raw ng tutoring para sa english lesson.. interesad0 kasi ako’
Kamuntikan ko nang malunlun ang stick ng barbeque na nilalantakan ko.
Inayos ko ang aking pagkakaupo at inilapat ng husto ang headset ko sa aking tenga.
Unang sumagi sa isip ko si Katrina.
‘Ah oo.. pwede ko bang malaman kung sino ung kaibigan mong nagrefer sakin’
Abot abot ang panalangin ko ng mga sandaling iyon na sana.. sana nga si Katrina..
‘Si Katrina..’
Hindi ko maitago ang ngiting tagumpay sa aking mga labi.
‘Ah ganun ba’ napayuko ako. Tuluyan ng lumuwang ang ngiti ko at kailangang itago ko dahil baka mapagkamalan akong siraulo ng mga katabi ko sa kainang iyun.
‘Ah sir nanjan pa ba kayo? Maaari po ba akong mag inquire?’
‘Ah oo cge.. ah sandali lang.. ang totoo nyan nawala ko yung numero ni Katrina.. maaari mo bang maibigay sakin ang numero nya.. gusto ko syang pasalamatan’
‘Ah wala problema may ballpen ka ba jan’
Nagkandakumahog akong naghanap ng ballpen sa loob ng aking bag. Sa sobrang pagmamadali sa palad ko nalang naisulat ang kanyang numero.
Haanggang sa pag uwi hindi ko pinagsawaang tignan ang numerong nasa palad ko.
Sa wakas matatawagan ko na din sya.
Pero paano ba ang tamang aproach na dapat kong gawin. Yun bang hindi sya maiirita at mag iisip ng hindi maganda kung bakit at paano ko nakuha ang numero nya.
Kanina pa ako paikot ikot sa aking silid.
Todo praktis ng dapat kong sabihin sa oras na makausap ko na sya.
Nag sulat pa nga ako ng spill para dito.
Nabugnot ako lalo ng makita ko ang orasan.
Mag aalas nueve na pala.. kailangang makatawag na ako bago pa sya makatulog.
Pinakalma ko muna ang aking sarili bago ko dinial ang numero nya sa aking telepono.
‘Hello ‘
Nahinto yata ng ilang sigundo ang aking paghinga.
‘Hello’ narinig kong ulit nya.
Gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko magawa, para bang lahat ng pinag aralang kong sabihin ay naglahong parang bula at tanging pintig lang ng aking puso ang nagawang sumagot sa kanya pag hello.
‘Hello? Wala namang nasagot?’ I know she spoke tagalog.. kabisado ko ang salitang yun. Wal means no sagot mean answer. No answer.. kaya nagpasya na akong magsalita bago pa nya ako pagbabaan ng telepono.
‘Hello Katrina’ halos paos kong winika.
‘Sino to?’ May pagkabigla sa himig nya. Nag alala ako bigla n baka tutluyan na nyang putulin ang tawag.
‘Katrina its me jeon.. remember me? The guy from that car.. last week.. english teacher..’ parang robot kong sabi dahil sa paputol putol kong paliwanag sa kanya.. para lang sa kagustuhan kong mabilis nyang maalala kung sino ako.
Sandaling nanahimik sya sa kabilang linya. Napatikhim ako. Mukhang namali nanaman yata ako ng move.
Masyado yatang agresibo ang pagtawag ko sa kanya..
Nawawalan na ako ng pag asang sasagutin nya ang tawag ko nang muli syamg kumibo.
‘Ah yes i remember you.. how did you get my no.’
‘Someone called me he said that you referred me
To him,, you know for tutoring english lesson.. i asked him you’re no.. because i want to say thank you for.. for the refferal.. i i really appreciate it..’
‘Ay! Naku! Its nothing.. i want to repay you for the ano for the accident happened last week.. and actually he is a boyfriend of my roomate.. he wants to go to Philippines but he dont know how to speak english very well so I recommend you.. he is your kabayan.. also korean..’
‘Oh okay.. so he have a pilipina girlfriend.. he’s a lucky guy’ sana makakita rin ako -gusto ko sanang idagdag pero masyadong obvious ang pakay ko kaya mas magandang manahimik na muna.
‘So nakabili kana pala ng no.’
‘Hahahaha… yes.. yesterday only’
Alam kong nagsisinungaling sya pero sinakyan ko na lang.. ang mahalaga ay nakuha ko narin sa wakas ang kontak no nya.
Napahaba pa ng konti ng usapan namin .pero wala namang kabagay bagay.
Tungkol lang naman sa trabaho ano ang first impression nya sa korea,
Mga nabisita na nyang lugar dito
Kung saan ako nagtuturo
Kung ilang taon na akong titser
At ilang di importanteng kaganapan
Maliban sa personal info.
Wala ni isa man samin nagtanong ng personal na tanong.
Like kung may karelasyon ba kami
Kung may asawa na ba ang isa samin.. which is i prayed na sana parehas ko single din sana sya.
Hanggang sa maisipan na yang putulin ang pag uusap namin dahil gusto na daw nyang matulog ng maaga.
Napansin ko rin na sadyang bumilis ang oras ng magsimula kaming nag usap.. lumipas na pala ang bente minutos ng di ko namamalayan.
Gustong gusto ko kasi ang boses nya sa telepono.
Napakalambing at napakasarap pakinggan.
Wala narin akong nagawa kung hindi mag paalam na din. Maaga rin kasi akong gigising para sa aking sariling klase bago ako magtungo sa pinapasukan ko para naman magturo..
Hanggang sa pagtulog ko nakapagkit parin ang kakaibang ngiti sa aking mga labi.
Mga ngiting katagal kong hindi nagawa magmula ng maghiwalay kami ng una kong kasintahan,, six years ago.. and i hope it will remain and eventually stay for good.. ha! Im dreaming … nagsisimula pa lang ako ..ah hindi ..ni wala pa ako sa pinaka umpisa.. im still scratching the surface.. and the rest is till yet...


to come.
Day 22
Nagdala ako ng isa pang libro maliban sa dati kong binabasa.
Nabanggit ko kasi sa kanya na marami akong koleksyon ng mga international novel. Kasama na ang Kompletong series ng Harry Potter..
Mahilig din pala syang magbasa kaya sinabi ko sa kanyang ipapahiram ko sa kanya ito.
Napaaga ata ako ng dating kaya pansamatalang nagsindi muna ako ng sigarilyo habang naghihintay.
Pampawala ng tension.
Sa ilang gabing pag cha chat namin kasi ngaun lang uli kami magkikita ng personal.
Napahigop ako ng malalim sa aking sigarilyo at sabay buga din ng usok nito.
Luminga linga ako sa pag aakalang nasa paligid na si Katrina.
Ngunit Nanatili akong mag isa.
Minabuti kong ubusin na ang natititrang sigarilyo at itapon na sa basurahan.
May kanipisan na ang yelo kaya may mangilan ngilang turista na din ang nagagawi muli sa parke.
‘Hello ? Im soorry im late’ bungad nya sa akin. Halos hindi ko sya namukhaan. Nakalugay kasi ang buhok nya ngaun hindi katulad ng mga unang araw na nakita ko sya na laging nakatali ng mataas ang mahaba nyang buhok. Ngunit mabilis ko paring nakilala ang magaganda nyang mga mata..at ang mga ngiti nyang hinding hindi ko pwedeng makalimutan.
‘Its okay.. its my fault j came earlier.. so how are you?’
‘Im okay.. oh you have the book’
‘Ah yes.. this is the series two.. hope you like it’
‘Wow.. sala ah thank you..’
‘You just came from your work?’ Usisa ko dahil hindi nya yata suot ang uniform nya ngaun.
‘No.. im off today.. i only came here because you said you wit lend me this..’ nakngiti nyang sabi sakin.
It gives me a warm feeling knowing that she came here because of me.. oh well because of the book.. but who cares.. ako naman ang may ari ng libro so parang ganun narin..
Nilakasan ko na ang loob ko tutal nandito narin naman sya… nandito narin naman ako.. ano pa ba ang dapat kung sabihin at gawin…
‘Ah gusto mo bang mag lakad lakad muna.. may alam akong street food malapit dito’
Napansin ko ang biglang sigla sa kanyang mga mata. Ngunit napalitan din ito ng lungkot.
‘Really ok.. but i cannot stay very long outside.. i need to go home before seven..we have curfew in my place‘ paalala nya
Napakunot ako ng noo. Sobrang aga naman ata ng curfew nila. Napatingin ako ng relo. Five thirty na ng hapon. So ang ibig sabihin nyan isang oras at kalahati ko na lang syang makakasama.
Pwede na rin.. atleast nakasama ko sya.. magbakasakali na lang ako sa susunod..
Matao na ang suki kong kainan nang dalhin ko si Katrina sa lugar na yun.
Kaya naman nagpasya na lang ako dalhin sya sa kabilang kainan kung saan nakahanap kami ng pwesto para makaupo.
Nung unay nahihiya pa syang mag turo ng kakainin ngunit kalaunay masigla na syang kumakain habang nakikinig sa mga kwento kong wala rin namang kabagay bagay.. naikwento ko nga rin pala sa kanya na nag aral at nagstay din akong matagal sa pinas kaya nakakaintindi rin ako ng konting tagalog.
Ramdam ko ang pagiging komportable na nyang kausap ako matapos kong mabanggit ang ilang lugar sa pilipinas na napuntahan ko. Kahit siguro papaano nakapante na sya sa company ko at may common interest narin kaming pwedeng pag usapan.
Maganda na sana ang takbo ng aming pag uusap at gayun din na nagkakaroon na ako mg lakas ng loob para magtanong ng ilang personal na bagay ng maisipan nyang magpaalam na sakin.
Hindi na ako nagpumilit pa na humirit ng ilang minuto sa kanya dahil sa tingin ko kalabisan na yun sa panahong binigay nya sakin para mag kausap kami ngaung araw lalo pa isiningit lamang nya ito sa kanyang day off na sanay pinapahinga na lamang nya..
Hindi rin sya nagpahatid sa aking kotse bagkus nag taxi na lamang sya pabalik.
Bagsak ang aking mga balikat habang papasok ako sa aking kwarto. And dapat sanamg masayang araw kong kapiling si katrina ay napalitan ng lungkot at pagkadismaya.. dahil hindi ko manlng natanong ang ilang bagay na gusto kong malaman tungkol sa kanya.. at mga bagay din na gusto kong sabihin sa kanya.. na sa personal ko lang maaring sabihin.
Di bale marami pa nmang mga araw.. at nanjan lang naman ang parke.. at ang kanyang numero sa akong telepono.
Day 24
Ilang araw ko nang hindi makontak si Katrina.
Ni hindi ko nanaman sya nakikita sa parke.
Nagsisimula na akong mag alala kung kayat pilit ko na lang isinubsob ang sarili ko sa pag pag aaral at pagtratrabaho.. baka sakaling mabaling ang atensyon ko sa iba at mawala kahit sandali ang labis na pag iisip kay Katrina.
Ngunit habang tumatagal lalo akong nasasabik na makita sya.
Napapaisip tuloy ako kung umiibig na ba talaga ako sa kanya o isang uri lamang ito ng infatuation.
Magkaiba kasi iyon.. baka attracted lang ako sa kanya dahil sa ganda nya hindi dahil gusto ko sya.. pero bakit kahit hindi ko sya nakikita o nakakausap hinahanap hanap ko parin sya.
Napapangiti ako kapag naiisip ko sya.
Katulad kanina sa klase ko.
Napatingin lamang ako sa mga huling chat namin sa aking phone kusa na akong napangiti.
Napansin tuloy ako ng mga istudyante ko at natukso ako ng di oras ng mga malisyosong mga bata.
Day 28
Matatapos na ang buwan ng February na wala parin akong balita sa kanya.
Nakailang balik na din ako sa parke ngunit hjndi ko na din sya nakita..
Bihra ko na din syang makitang online sa chat .
Hula ko nga baka isa lamang nya itong dummy account.
Ngunit isang araw.. sa di inaasahang pag bukas ko ng chat .. nakita ko na kaonline sya.
Nagising ang diwa ko ng di oras at napaupo mula sa aking higaan.
Mabilis pa sa kidlat ako nag type ng mesage sa aking screen.
‘Hi.. kumusta ka po’ sabi ko sa tagalog
Nakita ko ang maliliit ng dot na indikasyong nag ty type sya ng message.
‘Okay naman.. ikaw kumusta ka’
‘Okay naman din, long time no chat ha .. i thought you already for got me 😅’
‘Hahaha.. sorry po.. busy lang’
‘Im just kidding..’
Pagkatapos nun nawalan na ako ng pwede kong sabihin.
Nakita ko ang muling nagtytype sya uli ng message.
Napuno ako ng anticipation.
Ngunit walang lumabas na message.
This is it.. nasabi ko sa sarili ko.
Walang mangyayri kung wala akong gagawin.
Alangan namang hintayin ko pang sya ang gumawa ng move eh ako ang lalaki..
Kaya nagdesisiyon na ako.
Isa itong sugal na gagawin ko..
Kaya heto na.
‘Katrina.. I miss you..’ pikit mata ko itong sinend sa kanya sabay taob ko sa aking telepono.
Napasandal ako sa headrest ng aking kama at nanalangin na sana wag syang magalit sa akin.
Wala pang isanv minuto sinilip ko ang aking telepono.
Wala parin syang reply..
Lumipas pa ang ilang sigundo wala pa din..
Tinanggap ko na lang sa aking sarili na siguro nga hindi nya gusto ang huling mensahe kong yun..
Baka naoffend sya..
Nagpasya na lamang ako bumalik na sa higaan at kalimutan na lang na may nasabi ako sa kanyang ganun.
Wala eh nasabi ko na.. maibabalik ko pa ba.. at saka wala naman sigurong masama sa sinabi ko.. hindi naman sya i love you .. para maoffend sya ng husto.. bakit hindi na sya sumagot.
Nang bigla may tumunog na notification bell.
Bumilis ang tibok ng aking puso ko habang binuksan ko ang screen ng aking phone.
‘Im sorry Jeon.. I should’ve told you earlier.. im married already..’
napanganga ako sa harapan ng aking telepono.
Magdamag akong halos hindi nakatulog ng gabing iyon.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top