CRAZY EX-WIFE CHAPTER 6


CRAZY EX-WIFE”
CHAPTER 6
– MARK-
Kung hindi lang tumawag sakin Ang boss ko Hindi ako aalis sa tabi ni Jane Kaya Lang kailangan Ko mag report sa kanya Kaya hinatid ko nalang muna si Jane sa hospital
” Mark Ang Sabi mo sasamahan moko! ”
” Mauna kana muna Jane, promise pagkatapos hahabol ako. saglit Lang to wag kana magtampo ”
” Sige una nako Basta hihintayin Kita.”
” Promise! ” Nagka direksyon nanaman Ang buhay ko ng nalaman Kong magkaka anak ulit ako Kaya pakikisamahan Kong maigi si Jane . Mamahalin ko Rin syA Lalo nat binigay nya sakin Ang pangarap ko
– LORRAINE –
Umupo muna ako sa waiting area Wala pa naman si Doc Ben. Medyo sumasakit Ang batok ko at saka medyo nahihilo ako. Baka dahil sa puyat lang Hindi kasi makatulog masyado kagabi. Napalingon ako sa tumabi sakin na babae. Ang alam ko, Ang araw na to ay para Lang sa mga buntis . Hindi naman syA halatang buntis dahil Ang sexy nito.
” Wala pa ba si Doc. Ben? ” Tanong nya sakin . Hindi ko sana sya sasagutin pero mukhang mainipin Ang babaeng to
” Wala pa. Minsan daw talaga late dumating yon dahil maraming inaasikasong pasyente ”
” Ilang Buwan na Yan? Laki na ah” feeling close syA sakin Kaya medyo naiirita ako sa kanya . Ewan ko pero parang mainit ang dugo ko sa kanya
” Kabuwanan ko na ngayon. ” Tipid kong sagot. AYoko ng pahabain pa dahil baka Humaba pa usapan namin
” Wow. Yung akin kasi one month palang Kaya di pa halata . Wala Kang Ibang kasama? Dapat kasi kapag malapit ka ng manganak laging may naka alalay sayo Malay mo baka sa daan ka abutan walang tutulong sayo. Yung husband mo nasan? ”
Ang daldal ng katabi ko Kaya pakiramdam ko Lalo akong nahihilo. Dagdag mo pa Yong tanong nya na nasan Ang asawa ko. Hindi nya parin ba ramdam na ayaw ko syang kausap?
” Pasensya kana Ang ingay ko tapos Ikaw tahimik lang. Mabilis kasi ako maboring kapag walang kausap tapos may hinihintay. Siguro busy Yong asawa mo no? Sa bagay, Yung asawa ko Rin inuna muna Yung trabaho nya pero hahabol naman daw sya ”
” Hiwalay na kami ng asawa ko” natahimik syA saglit sa sinabi ko. Nakaramdam siguro syA ng hiya Kung bakit nya pa natanong
” Ahmm.. S-Sorry Hindi ko alam. Pero ayos lang Yan wala namang masama sa pagiging single mom Lalo na kung sakit sa ulo Yong lalake diba?”
” My husband is a good man ” mabuting lalaki naman talaga si Mark Kaya nga mahirap syang kalimutan.
” O-Ok. Ako nga pala si Jane. Ikaw ?” Bakit ako magpapakilala sa kanya e Hindi ko naman syA kaano-ano.
” Mrs. Gonzales pinapapasok napo kayo sa loob ni Doc” salamat at tinawag narin ako
” Gonzales apelyido mo? Yung asawa ko kasi Gonzales din. ” Grrr!! Ang ingay nya talaga. Mapapa anak siguro ako sa kanya ng Wala sa oras. Ano naman ngayon Kung Gonzales Yung asawa nya? Naging Gonzales Lang din naman ako dahil Kay Mark. Hindi ko syA pinansin at tuloy-tuloy na pumasok sa loob. Bakit may mga taong ganon? Komportableng makipag usap sa Hindi naman kilala.
” Ehh. Sungit! ” Narinig ko pa huling sinabi nya. I don’t care!
” Mrs. Gonzales humiga ka muna . ”
” Thank you doc. ”
” Tingnan ko muna Ang blood pressure mo ha? Wala ka bang nararamdaman ? ”
” Nahihilo po ako Doc. ”
” Tumataas Ang dugo mo. Pwede bang pakihubad ng underwear mo check ko Lang hindi ka naman high blood before Diba ? Baka nagle labor kana ”
” P-po? ” Nagulat Pako sa gusto nyang ipagawa sakin. Kahit na doktor syA lalaki parin syA.
” Wag Ka ng mahiya trabaho ko Ito Isa pa, kapag oras mo na talaga manganak Hindi kana makaka alala ng hiya sinasabi ko sayo...


” sinunod ko nalang Ang Sabi ng doktor para sa anak ko. Patay malisya nalang ako. Napa atras ako ng maramdaman Kong may pinasok sa loob ng Ari ko . Medyo masakit kasi.
” Hindi ba sumasakit Ang tiyan mo? Open cervix na. Oras nalang Ang hihintayin manganganak kana ”
” Po?! Hindi pa naman Po sumasakit. ”
” Hanggat Kaya mo pa, Yung pwede sumama sayo dito tawagan mo na para may katulong ka. Hindi ka pwede mag labor ng matagal Lalo nat tumataas Ang dugo mo. Baka macaesarian kapa”
Nagpanic ako sa sinabi ng doktor. Lalo pa atang tataas Ang dugo ko nito.
” Humiga ka lang dyan. Irelax mo Ang sarili mo. Baka matumba Kapa pag tumayo ka ”
” Doc Wala pong signal lalabas Lang ako para matawagan ko si Lara Kaya ko pa naman Po ”
” Saglit Lang Mrs. Gonzales ok? Baka biglain ka mahirap na”
Pagkalabas ko pumasok din agad Yung feeling close na si Jane . Ngayon pa kasi nawalan ng signal Ang phone ko Kung kelan naman kailangan kainis naman! Malayo nako sa delivery room. Kung umuwi muna Kaya ako saglit? Kaya ko pa naman e . Hindi pa naman sumasakit bilisan ko Lang.
” Hello? Oo malapit nako sandali lang ” napalingon ako sa likuran ko ng marinig ko Ang boses ni Mark.
” M-Mark?” Si Mark nga Ang narinig ko at kahit limang metro na Ang layo nya sakin at nakatalikod sya ay kilalang-kilala ko parin syA.
Gusto Kong tumakbo papunta sa kanya pero nakaramdam ako ng Hilo at pananakit nanaman ng batok ko. Napahawak ako sa ulo ko. Pinilit ko paring lumakad para makausap ko syA. Ang alam ko Lang ngayon Hindi na mahalaga Ang kahit na ano pang masakit na sabihin nya sakin dahil kailangan ko sya ngayon. Sinundan ko parin syA kahit may kabagalan ako sa paglakad. Napatigil ulit ako ng may maramdaman akong kirot sa may puson ko.
” Lalabas kana ba talaga anak o masaya kalang dahil nakita natin Ang papa mo? ” Napangiti ako ng Makita Kong papunta si Mark sa Delivery room Kung San ako galing . Alam nya na Kaya na manganganak nako Kaya syA andito? Sinasabi ko na nga ba hindi nya ako matitiis. Mahal nya parin ako.
Nasa pinto nako ng delivery room at balak na ulit pumasok pero pagbukas ko nakita ko si Mark na yakap si Jane.
” Doc ano pong kalagayan ng asawa ko? May magiging problema ba? ” Tanong ni Mark habang yakap parin si Jane.
” Okay naman syA mister Lalo Nat Wala namang nararamdamang kakaiba Ang asawa mo. Wag Kang mag- alala. Reresetahan nalang Kita ng mga vitamins na iinumin mo para healthy si baby misis. ”
Asawa? Tinawag nyang asawa Ang babaeng kumukulit sakin kanina. At Ang babaeng Yan ay buntis din at si Mark Ang ama . Nag-aalala syA sa iba pero sakin Hindi? Pano nya ako nagawang kalimutan at ipagpalit ng Ganon kadali? Kelan pa nagsimula Ang relasyon Nila? Nawala na sa isip ko na kelangan Kong mag intindi ng mga gamit para sa baby ko dahil sobra akong nasaktan sa nasaksihan ko. Gustong-gusto ko Silang sugudin pero may pumipigil sa akin na wag nang Ituloy at umalis nalang. Hindi ko akalain na magagawa Ito sakin ni Mark . Kung gusto nya Lang akong saktan sobra-sobra na Ang binalik nya sakin. Sumasakit na Ang tyan ko pero nasa loob pa sila Kaya tiniis ko Ang sakit Hanggang makarating ako sa comfort room. Saka nalang ako babalik Kay Doc kapag Wala na sila. Pinigilan Kong lumikha ng ingay habang umiiyak. Mas masakit pa Ang puso ko sa sakit ng tiyan ko.
Nakita Kong umagos nanaman Ang mga dugo sa hita ko at sobrang sakit sa pakiramdam. Napasigaw ako pero walang nakarinig sakin dahil mag Isa Lang ako dito. Dahan-dahan akong napaupo habang iniinda Ang sakit. Parang domodoble narin Ang paningin ko pero sinikap Kong buksan Ang pinto at igapang Ang sarili ko palabas. Kelangang maligtas ng anak ko. Kailangan nyang mabuhay kahit hindi na ako.
” Tulong! ”
Habang naghihintay ako ng may lumapit sakin ay nakita Kong lumabas na sina Mark sa Delivery room. Magkahawak kamay at masaya sila habang naglalakad paalis.
” H-Hon.. M-Mark..” kinakapos hininga Kong tawag sa pangalan nya. Lalo akong nakaramdam ng sobrang sakit ng tuluyan na syang nawala sa paningin ko at tuluyan naring dumilim ang tingin sa paligid “






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top