SELLina CHAPTER 2


SELLina🌺
🌺CHAPTER 2🌺
—————–
CONTENUATION OF FLASHBACK..
“Sige na iha,magbihis kana upang makapag hapunan..ayaw na ayaw kasi ni sir na hindi maayos ang mga kaharap nya sa tuwing kumakain ito,pasensya kana ha!ayoko lang kasing masigawan ka!”
‘ganon po ba kasama ang ugali ng amo nyo manang?”
“Ang kadalasan,tahimik lamang si sir at malamig..ngunit kapag nakilala mo sya maiintindihan mo kung bakit ganun ang ugali nya iha,magpakatatag kalang ha!”hindi alam ni sellina kung bakit ito sinasabi ng matanda gayong ngayon lang sila nagkakilala,pero kung titingnan naman nya mabait ito.maamo ang mukha at may katandaan narin..may salamin itong suot.puti narin ang buhok..
Sinunuod nya ang utos ng matanda,dahil mas may alam ito sa nangyayari kesa sa kanya..
Dalangin lamang nya na sana magkaroon sya nagpagkakataun upang makatakas sa lugar na ito..
Nagsuot lamang sya ng simpleng short,dahil iyon ang mga nais nyang suot sa tuwing nasa bahay ito..
Nakasanayan nya na ang ganitong kasuotan mula noon paman..
Paglabas nito ng cr.nakita nya na nkabukas ang pinto ng kwarto,siguro nakalabas na ang matanda dahil wala na doon ..
Marahan syang naglakad palabas ng kwartong iyon..nakashort at tshirt na fit lamang sya..
Palinga linga ito habang naglalakad sa pasilyo..napakalawak ng bahaging iyon..
May mga kwarto na nadadaanan..
Tatlong pinto iyon..pang apat ang tinulogan nya..
Pagdating sa dulo nakita nya ang hagdan kaya humaknang ito upang bumaba roon..
Habang nililibot parin ang paningin..
Halatang napakayaman ng may ari nito dahil sa klase ng design ng mansyon.kung iisipin parang mini palace ito..
Nakakamangha ang ganda at linis ng mga gamit.ni mahihiya ang mga alikabok na dumapo sa kanilang mga mwebles..
Habang pababa tumutunog ang kanyang tsenilas na suot.
Parang iyon nga lamang ang tunog na maririnig sa lugar na iyon,nakakabingi ang katahimikan..na animoy walang ibang tao maliban sa kanya…
“Iha nariyan kana pala,halika!doon ang dinning area ng mansyon..”sumunod lamang ng tahimik ang dalaga habang namamangha sa mga nadadaanan nito…
“Dito ka maupo maam!”itinuro ni manang eding ang pwesto ni sellina..
May lalaking nakaupo sa pinaka dulo niyon..mahabang lamesa at may tig anim na upuan bawat gilid.dalawa sa magkabilang gitna..
Hindi sya nag abalang tumingin sa lalaking nag umpisang sumubo.
Takot lamang ang kanyang nararamdaman dahil sa anim na...


mga kalalakihang nakatayo sa gilid nito..
May tatlong katulong na babae sa kabila..
“Kumain ka ng marami sellina iha!”pinagsandok sya ng kanin ng matanda!”
“Manang hayaan mo sya!may kamay yan,aanhin nya ang mga kamay kung hindi gagamitin”matiponong boses mula sa lalaking hindi nya pinag abalahang titigan..sa klase ng boses nito ay mukhang bata pa .ngunit ang sabi sakanya ng kanyang mga pinsan matanda ang demon mcgregor.sino naman kaya ang taong ito na nasa hapag kasama nya?
Anak nya kaya?
Ngunit ang sabi sakanya,walang asawa ang demon at ng iisa lamang ito..
Bahala na,kakain na lamang sya dahil tumutunog na ang kanyang tiyan dahil kaninang tanghali pa syang hindi kumakain..
Maraming nakahain,parang pyesta ang dating..
Basta mga mayayaman talaga walang pake kahit maaksaya ng pagkain..
“Manang kain po,kayo rin kain kayo!”turan nya sa mga taong na nunuod sa bawat pagsubo nito.naiilang kasi sya kapag my mga matang tumitingin habang kumakain.
“Hindi anak!mamaya na kami,sige na kumain kana iha!”iiling iling ang matanda habang pilit na ngumingite
“Hayaan mo sila!kumain kana at wag ng dumaldal!”bulyaw ng lalaki..hindi na nito matagalan ang ugali ng lalaki kaya tinitigan nya ito..kahit midyo malayo ang pagitan nila..
Ngunit ang kaninang matapang na mga mata ay lumambot ng makita kong sino ang may ari ng boses na iyon..
Nakakatunaw ang klase ng titig nito..
Dahil nagtama ang kanilang mga mata ng hindi sinasadya..
Napabawi ng tingin si sellina dahil hindi nya napag handaan ang titig na iyon,
Hindi rin nya akalain na napakagwapo ng may ari ng boses..
Bakit para yatang nanlalambot sya ng magtitigan sila ng lalaki…
“Sshit!!”bulong na lamang nya
“Iwanan nyo kmi!!!”utos ng lalaki kaya agad na tumalikod ang lahat ng naroon..
Matinding katahimikan ang namagitan sa dalawa ng ilang sandali..
Napukaw lamang si sellina ng magsimulang magsalita si demon
“Simula ngayong gabe dito ka titira!”tumayo ito at kinuha ang papel at ballpen na nasa lamesang nasa gilid lamang ng pasilyo..
lumapit ito at
“Permahan moyan!”seryuso at walang kaemo emosyon nyang utos
“Anu to??”
“Wag kang magtanong dahil hindi kita pinahihintulutan!!”bulyaw nya
Natameme si sellina at natakot dahil s boses nito kaya ,para wala ng ibang usapan inabot nya iyon at walang sali salitang pinirmhan kong saan nakalagay ang kanyang pangalan..
“Simula ngayon mag asawa na tayo!!!”nagimbal ang dalaga dahil sa sinabi ng lalaking ngayon lamang nya nakita at nakausap..❤️






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top