“Sorry, Six. What do you want? Tell us, at ibibigay din namin agad. Mapatawad mo lang kami.” Ani Trevor pero ‘yong tinig niya nahahaluan ng tawa.
Isaac was on the steering wheel now while Collete was on his side. Pinalitan muna sila Aidan at Juancho.
Talagang hindi na nila hinayaan ipahawak ang manibela kahit isa kila Six, Trevor, and Kage.
Tumawa sila nang matagal nagsalita si Six. Pinag-iisipan pa siguro kung kakagat siya sa pinagsasabi ni Trevor. Tumabi na siya kay Ara ngayon.
“This one, Brook.” Pinili ko ang litratong pinapapili niya sa akin para i-post niya daw sa instagram niya.
It was the two of us, just smiling sweetly infront of the camera.
“Gorgeous,” nakangiting aniya at kinuha na sa akin ang cellphone niya.
Tinignan ko muli ang cellphone ko at ni-reply-an si Coco. Still, my ears are on them.
“Tumama ang noo ko sa sahig. That wasn’t funny, Trevor.” galit pa rin siya ‘gang ngayon.
Nabadtrip talaga siya. Ngayon nalang siya uli nagsalita pagkatapos niyang paaminin kung sino’ng gumawa no’n pero wala talagang umamin sa kanila.
“Ikaw naman kasi, tulog mantika. Kung kasama mo kami dapat maging alerto ka, palaging kaming may iniisip na kabalastugan,” panunuway ni Ara sa Kuya niya.
“So you admitted it. All of you planned that,”
“Malamang, alangan sadya.” sabi ni Trevor.
“But Casydee tried to stop us.” sa sinabing iyon ni Isaac ay lumingon sa akin si Six.
I look over Six’s shoulder at napunta iyon sa madilim na titig sa akin ni Isaac sa salamin sa harap.
I averted my gaze. Binalikan ko muli ng tingin si Six. Just to find out he was watching at me intently, too.
“What?” Hinipan ko ang bangs kong tumama sa mata ko.
Its just my bangs needs a haircut. Ayoko ng pagupitan ang hanggang balikat kong buhok. I like it this way.
“Dapat sinuntok mo sila. Next time I’ll teach you how to kick a butt,” seryosong aniya.
I rolled my eyes at him. “I know how to kick a butt, Six. It’s so easy,”
I saw Isaac’s eyes playfully looking at me. I even rolled my eyes at him.
Nang-aasar na naman siya dahil doon sa text ni Coco. Hindi ko naman siya pinapansin pero pinipilit niyang hindi daw kami bagay no’n kasi nga jejemon.
What’s wrong with jejemon people? It was their style. Importante may mabuti siyang puso.
“Eyes on the road, Isaac,” ani Aidan sa kanya nang mapansin ata niyang nasa akin ang tingin ni Isaac.
“You are a bad influencer, Six.” komento naman ni Juancho.
Gising pala siya akala ko kasi tulog. Kage, Thalia, and Charlotte were sleeping.
“Bakit?” tanong ko kay Brooklyn nang mahina niyang hinampas ang hita ko, enough to steal my attention from my cellphone.
She’s blushing pero may kakaibang kislap sa mata niya. “It was Kylar,” atsaka impit na tumili.
Lumawak ang ngiti ko. Kylar was her long time crush, pero saksakan ng suplado.
Himala dahil nagtext siya kay Brook na ngayon lang nangyari. Did my cousin done something about it?
Walang pag-alinlangan niyang pinabasa sa akin ang sinasabing mensahe galing kay Kylar.
Palihim kaming tumili, ngunit natigil din nang sumilip sa amin si Aidan, at mapanuri kaming tinignan. Sa huli, sinarili nalang namin ang kilig.
“Ano nga ang gusto mo, Six? Name it,” Hindi pa rin tumitigil si Trevor. Siya kasi ang may kasalanan talaga kaya siya ang nanghihingi ng sorry kay Six.
“You want my forgiveness. Then, give me your Arabian horse,”
“Shut the fuck up. No way!”
“Akala ko ba ibibigay mo ang gusto ko?”
“I changed my mind.”
“Then fuck you,” Six said fluently.
Naabutan ng tingin ko na binatukan ni Ara si Six. “Your mouth! Sarap putulin ‘yang dila mo,”
“This tongue is a multitasker, lil sis. You don’t want your brother become helpless, do you?” nagtawanan ang mga lalaki sa sinabing iyon ni Six.
Bumalik na muli ang pilyong si Six. Nag-aasaran na uli sila.
Ako;
It’s already late, Coco. Matulog ka na.
Kanina ko pa sinasabing matulog na siya, but he was so damn persistent. Gusto niya matutulog lang siya kapag nakarating na kami.
Hindi ko alam kung tama bang kaawaan ko siya, imbes na hangaan ko ang tibay ng pasensya niya. Dahil alam ko sa sarili kong hanggang kaibigan lang talaga.
Paano ko sasabihin ‘yon kung ganito siya kabait sa akin?
Underneath the full and bright moon was the Mansion Monteavo. Preskong hangin ang sumalubong sa akin paglabas ko ng sasakyan. Like before, I always felt this warm feeling seeing at the mansion.
Marami kasi kaming mga masayang alaala dito ng mga pinsan ko.
Mga bodyguards at maids na ang mga bahalang ipasok ang mga gamit namin.
I saw Tita Dani and Tito Matthew at the entrance of the wooden double door. Sinalubong namin sila.
“Hi, beautiful,” nakangiting sabi ni Trevor sa ina at hinalikan sa pisngi. Juancho do the same too. At sumunod ang iba.
Lumapit ako kay Tita Dani pagkatapos ni Ara. “Hello po, Tita,” I gave a pecked on her cheek. She half-smiled. At kay Tito Matthew din.
As always, hindi ko makita sa mga mata nila ang pananabik para sa akin.
Pero ‘di na bale, ang importante, mahal ko sila.
Ikinawit ni Brooklyn ang braso niya sa braso ko at iginaya ako likod ng mansyon, sa may swimming pool. Hindi ko alam kung saan na nagsusuot ang iba.
Pinanliitan ko siya ng mata. “Are you going to swim, Brook?”
“Nope. I...