ADAM DAVID: The Heartless Mafia 🌹
Chapter 10:
Hindi ko alam ngunit masasabi kong maganda ang gising ko, pakiramdam ko ay subrang saya ko at kahit sino ay walang makakasira sa mood ko, nakita ko si Adam na kunot na kunot ang noo habang nagbabasa ng magazine, napangiti na lang ako sa nakita ko.
Ang gwapo niya talaga, ang kutis niya ay subrang kinis at puti, matangos ang ilong at subrang inosente ng kanyang mukha, perpektong pagkahulma niya para siyang isang anghel ngunit sa likod ng inosente niyang mukha ay nakatago ang demonyo niyang pagkatao. Inilapag niya ang magazine at pumikit ng mariin at hinilot ang kanyang sentido na para bang masakit ito, lumapit ako sa kanya at hinilot siya.
“I wanna do this please let me.” Mahinang saad ko, hindi naman siya kumibo o sinita man lang ako kaya nagpatuloy ako sa pagmassage ng noo niya.
Kitang kita ko ang perpekto niyang mukha dahil sa lapit ko sa kanya, mapula ang kanyang labi, nagpatuloy pa rin ako sa paghilot pero sadyang naakit ako sa mapula malambot niyang labi, para akong tinatawag nito na halikan. Siguro nawala na talaga ako sa konsentrasyon dahil napunta na ang haplos ko sa kanyang ilong, pisngi at sa huli ay sa labi, nakapikit pa rin siya kaya alam kong hindi niya ako nakikita, yumuko ako para sana dampian ito ng halik ngunit kumabog ang puso ko ng malakas at pakiramdam ko ay tumalon ito palabas ng bigla siyang dumilat, walang mababakas na kahit anong reaksiyon ang kanyang mukha, napalunok ako dahil sa takot na baka parusahan niya ako.
“You look like a thief. A beautiful thief who wants to steal a kiss.” Napamaang ako sa sinabi niya.
“Am I?” Wala sa sariling sagot ko.
“Yeah and am your victim. A willing victim of yours.” Hindi pa ako makahulma sa nangyari ay hinalikan na niya ako, napapikit na lang ako dahil gustong-gusto ko.
NALILITO ako sa ipinakita ni Adam, minsan ay mabait siya at minsan ay marahas at wala pa rin siyang awa ngunit minsan naman ay pakiramdam ko ay may halaga ako sa kanya, minsan sweet siya.
“This is for you my heron.” Bigay niya sa akin ng isang kwentas at alam kong mamahalin ito, nagtataka man kung bakit niya ako binigyan ay hindi na lang ako nagtanong pa, hindi ko pa rin ito tinaggap at nakatitig lang sa kwentas na parang patak ng luha ang desinyo. Umasik siya sa akin ng hindi ko tinaggap, akala ko magagalit na naman siya ngunit naramdaman ko na lang siya sa likod ko at siya mismo ang magsuot ng kwentas. Hinawi niya ang buhok ko, nakatitig ako sa salamin kung saan kitang kita ko siya, ang bawat galaw niya sa likod ko, napapikit ako ng dampian niya ng halik ang leeg ko.
Hindi ko alam at subra na talaga akong maguguluhan sa mga kilos niya, akala ko ako ang may Plano dito ngunit bakit parang may plano din siyang paibigin ako?
Wala na pala akong planong paibigin siya dahil binago kuna, ang unang Plano at aking binago.
“What is this?” Tanong ko sa kanya, niyakap niya ako habang ang kanyang mukha ay nasa aking leeg pa rin.
“This necklace is the symbol of my tear. This is Adam tears.” Ano daw? Tears? Luha? Bakit niya ako binigyan ng ganito? Para saan ito?
“Adam.”
“Please my heron stop asking many questions, I’m tired.” Aniya.
HINDI ko akalain na sa maikling panahon makaramdam ako ng ganito, pilit ko mang pigilan ngunit mas lalo lang lumalakas.
“Mr, Hiroshi’s is really an ass.” Matt Theo Sokolov one of my friends.
“Indeed.” Nakita ko si Giovanni Ford na tahimik lang sa isang tabi.
“I wanna kill him for almost killing my Shantal.” Si Gio.
Giovanni Ford and Giovann Nikolo ay isang kambal, si Gio ay inosente at nerd, mataba din ito noon ngunit nagbago ito ng dahil sa isang babae.
“You gave your tears to your girlfriend, Gio?” Tanong ni...
Thank you sa update Miss A. It’s okay, if mabagal ang update. Basta kada araw may update naman kahit papaano. Nakakabitin nga lang hahahaha. I can’t get enough hahaha. But it’s okay, kasi ganon talaga, hindi pacompleted ang story eh.