HEARTBREAKER OF TOWN —Chapter 3—


[Present]
‘Why the heck? Bat kanina pa siya tingin ng tingin sakin?’
Hindi pinapansin ang mata niyang kanina pa sakin na katingin hanggang sa makita ko sa peripheral vision ko na nagsimula siyang lumakad patungon sakin.
Nagugulat man ay pinapanatili ko walang emosyon ang mukha dahil ayokong isipin niya na naapektuhan parin ako ng presensya niya.
“Hi! I’m Xyrine!”Bigla siyang nagpakilala sakin. Sarkastiko akong tumingin sa kaniya.
“i know.”
“a-ah oo, napakilala na pala ako kanina hehe….” napakamot siya sa ulo niya at bahagyang nahiya. “May p-problema kaba sakin?”
Napatingin ako dahil sa tanong niya, seryoso?
“u-uhm… Kanina kasi… Ang s-sama ng titig mo sakin…”
“tss.” lumakad nako paalis at ayokong na siyang makausap.
“hoy t-teka!…” habol niya sakin. Ngumiti siya sakin at ako naman ay takang taka sa inaasal niya. “Sorry!”
Napahinto ako dahil sa sinabi niya at dahan dahan siyang nilingon.
“I-if i did something wrong towards you… I’m s-sorry…”
“What?” takang tanong ko at namumuo ang inis sa dibdib ko.
“Wala akong n-naalala sa nakaraan ko… Kaya kung may nagawa ako sayo noon… Sorry!” nanlaki ang mata ko at napatitig sa kaniya. Nagbibiro ba siya?...


Kasi hindi nakakatuwa.
Nagtanong tanong ako sa mga kakilala ni mama at napag alaman kung nawalan nga siya ng memorya sa nakaraan niya.
Diko alam ang nararamdaman ko, may parte sakin na nalulungkot na nakalimutan niya ko, at meron ding tuwa sa di maipaliwanag na dahilan.
Nag stalk ako sa Fb acc ni xyrine at may picture siya na nasa ospital siya na nakaconfine, it was 2 years ago.
‘Masama bang hangarin na magantihan siya dahil sa ginawa niya sakin?’
Shit! Malamang masama! Pero wala na akong pakialam, hanggat hindi ko pupuwang ng kagustuhan ang dibdib ko ay nanatili akong nakakulong sa nakaraan ko.
Nagchat ako sa kaniya.
( Hi! It’s me.) napangisi ako
(oh sino to?) may kaunting inis akong naramdaman dahil nakalimutan niya agad ako.
(you said sorry to me) matapos yun ay diko na tiningnan ang reply niya at nag log out na.
‘New memories with me will be her darkest nightmare.’
Napangisi ako dahil pakiramdam ko ay madali siyang mahuhulog sakin. Napahagik hik ako at nag muni-muni kung pano siya mababaliw sakin.
‘You’ll fall harder than i did, Xyrine’
—next is chapter 4—






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top