Hiding The Emperor’s Twins°° Kabanata 1


Hiding The Emperor’s Twins°°
Kabanata 1
°Xhianna°
Naglalakad ako ngayun sa palengke. Nakalabas na ako ng palasyo kaninang tanghali. At dahil sa pagmamadali kong masilayang muli ang labas ay nakalimutan kong magdala ng gamit o Ginto.
Nakalimutan kong magpakilala. Ako ang ikatlong anak ng pamilyang Moon mula sa kanlurang kaharian. Batid ko na alam na ninyo ang pangalan ko. Xhianna Vien Moon, 24 na taong gulang.
“Kamahalan? Hindi po ba tayo uuwi?” Nabalik ako sa ulirat ng magsalita ang alalay na kaibigan ko. Binalingan ko siya ng tingin at umiling.
“Hindi tayo uuwi, Gena.” Nakangiting wika ko. Tumango siya.
“Kung ganoon po ay, anong oras po tayo uuwi?” Huminga ako ng malalim. Hindi siya nakakaintindi. Kailangan ko pa bang ipaliwanag?
“Hindi tayo uuwi sa palasyo ng emperador o sa palasyo namin. Walang uuwi.” Madiing sabi ko. Kita ko ang paglaki ng singkit niyang mga Mata.
“Ngunit kamaha—” Hindi ko na siya pinansin at naglakad na.
“Gena? May itatanong ako.” Tumigil ako sa paglaakad at...


hinarap siya. “Bakit andito ka pa? Hindi na ako ang emperatris ngunit sumunod ka parin sa’kin?”
Tiningnan niya ako at ngumite. “Dahil kayo parin po ang aming emperatris. Kahit na mapalitan po kayo, kamahalan.” Napangite ako sa sagot niya. “Matapat ka nga. Simula ngayon h’wag mo na akong tawaging kamahalan. Xhianna nalang.”
“Pero. Sige po. Masusunod ang iyung utos.” Bahagya siyang yumuko at tumango ako. Hindi ko aakalain na may taong tapat parin sa’kin.
“Oo nga pala. Gena maari mo bang pakihingi ang gamit ko sa palasyo? Nakalimutan ko kasi.” Ngumite ako ng malawak. Nakataas kilay niya akong tiningnan.
“Sige po. Pero ano pong gagawin niyo? Maiiwan po kayo mag isa rito.”
“Kakain ako ng matamis na kakanin. Nagugutom ako at parang gusto ko rin ng hilaw na mangga.” Sagot ko pero nasa pagkain ang tingin.
“A-ah? Pero may pera naman po kayo?” Natigil ako. May pera nga ba ako? “W-wala. Sige lumakad kana hihintayin kita!” Bulyaw ko.Natawa naman siya at agad na umalis.
___
Paaprove po.
Sorry sa short chapter.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top