High School


High School
Genre: Teen Fiction
Author: Iris Wp (Watty UN: @SimplyLazyyy)
You may encounter Typographical and Grammatical errors ahead. READ AT YOUR OWN RISK AND WILLINGNESS!
PROLOGUE
“Angel, tara na,” si Eris na nasa pintuan ng classroom namin.
Tumango lang ako at inayos ang mga gamit. Kinuha ko ang bag ko at lumabas nang classroom. Pareho kami ni Eris na Grade 11 pero magkaiba ng Strand. Naabutan naming nasa baba ng hagdan sina Ate Laica at Ate Gelai na pinsan naming Grade 12, kaya nagsabay sabay na kaming pumunta sa Junior High. Isa lang ang gate ng school at nasa Junior High iyon. Nasa harap ang Junior High Buildings at nasa likod naman ang sa Senior High.
Hindi pa nagdi- dismissal sina Janine kaya naupo muna kami sa bench katapat ng classroom nila. Grade 10 naman sina Janine, Danice at Camille, ang pinsan pa naming hinihintay ngayon. Madalas talaga kaming ganito, naghihintayan at sabay sabay na uuwi. Tahimik lang ako na nakaupo samantalang may kanya kanyang pinagkakaabalahan sina Eris.
Malawak ang ground ng Junior High pero mas malawak ang sa Senior High. Mas maganda ngalang tumambay dito dahil sa mas maraming benches at maraming punong nakahilera na nagbibigay lilim at preskong hangin.
Hindi naman nagtagal ang paghihintay namin dahil nag- dismissal narin sila. Hindi pa ngalang kami makakauwi pa dahil di pa bukas ang gate. Lumabas si Janine sa pinto ng classroom nila at sumigaw ng;
“Mga panget, dito nalang tayo sa classroom tumambay at maghintay!”
Napailing nalang kami ni Ate Gelai ng dali daling pumunta sina Ate Laica at Eris sa classroom at pinagkukurot si Janine dahil sa itinawag samin.
Mangilan ngilan nalang ang estudyanteng naiwan o nagpaiwan sa classroom nila. Naupo ako sa isang bakanteng upuan at nag- scroll nalang ng kung ano sa cellphone. Panaka naka ang angat ko ng tingin sa kanila na kumukuha na ng mga litrato nila ngayon, ipo-post daw nila sa Facebook. Gusto nga nila...


akong isali pero tumanggi ako, di ko trip ngayon, inasar nila akong KJ pero di naman nila ako napilit.
“Janine! Burahin mo yan!”
“Ayoko! Anong hitsura ‘to, Camille? Para kang sinapian hahaha!” Napailing nalang ako kina Janine at Camille na naghahabolan at pilit nag aagawan ng cellphone. Paniguradong epic ang naging kuha doon ni Camille kaya pilit ipinapabura. Natatawa nalang sina Ate Laica sakanila.
Ngiting wagi si Camille nang mabura nya na ang litrato at nagsimula ulit silang mag picture picture.
“Ang cute ko dito, look cute ni selp!”
“No, mas cute ako!”
“Hindi, ako!”
“Ako!”
“Ako kaya, duh!”
At nagtalo talo na sila.
Napailing nalang ako at ibinalik ang atensyon sa screen ng cellphone ko. Bahala kayo dyan.
“Diba mababait na classmate cute ako? Ako yung MAS, diba?diba?” Si Camille na nagpa-cute pa na ikinatawa nang ilang narito pa.
“No! Ako kaya!” Si Janine na ayaw talagang patalo. Natatawa nalang sina Ate Laica, di na nakisali hindi gaya kanina na nakikipagtalo rin sila.
“Sya cute, ang cute nya,” sabi ng kung sino sa likod gamit ang mababang boses.
Natahimik ang mga pinsan ko.
Nag angat ako ng tingin upang tingnan kung sino ang ngiting wagi at kumakaway upang ipahayag na sya ang nanalo pero nangunot ang noo ko ng makitang nakatingin sila sa’kin.
Pilit sinasamaan ako ng tingin at sumisimangot pero halatang nangingiti. Tinaasan ko sila ng kilay na ikinalabas ng ngising pang asar nila. Hindi ko naman maintindihan kaya tinawanan nila ako.
“Ang cute mo daw, sabi ni Kuya Jiro!” Halos tumili si Janine habang sinasabi iyon. May itinuturo sya sa likuran kaya napatingin ako doon.
Prenteng nakaupo ang isang lalaking tingin kong itinuturo ni Janine, nakabukas ang pang itaas na uniporme nito kaya kitang kita ang itim na T-shirt nito sa ilalim. Gamit ang hinlalaki ay pinaglalaruan nya ang kanyang labi. Nang makitang nakatingin ako ay napaayos sya ng upo at sinuklay ng kamay ang buhok nyang malinis ang pagkakagupit.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. https://vt.tiktok.com/ZSdevBaJH/

    hindi ko agad nabasa hahahahah next part buti pa sa wattpad mas maganda tyaka mas maganda pa ung app ko na wattpad beta app namin yon download mo don ka mag post para makarami ka ng viewers at comments!

Leave a Reply


top