I FAILED!


I FAILED!
Iyan ang paulit-ulit na sinisigaw ng utak ko. I rescan the lists baka kasi nakaligtaan ko lang ang pangalan ko. Inisa-isa kong binasa. Paulit-ulit, hanggang sa naramdaman ko na lang ang mainit na likidong tumakas sa gilid ng aking mata.
‘This can’t be’ piping usal ko sa utak ko. I reread the lists again, I even texted my bestfriend para matulungan niya ako sa paghahanap ng name ko.
Pero wala, bali-baliktarin ko man ang laptop ko, wala pa rin ang pangalan ko.
“B-Bess.” Nilingon ko ang tumawag sa akin and I saw my bestfriend. I ran to her and she hugged me for comfort.
Isa naman akong mabuting anak eh. Buong buhay ko sinunod ko ang mama ko, wala akong ginawa kundi ang e-please sila. Wala rin akong nagawang mali sa kapwa ko. Pero bakit ganito? sinusubok ba talaga ako ng Diyos?
I’m still crying my pain when I received a text from my sister that brokes my heart. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na iyon.
Ang hirap huminga, ang hirap, ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at sumigaw. Isinigaw ko ang sakit, todo comfort lang ang bestfriend ko. Umiiyak na rin siya.
“M-Ma!!!” Nagpapadyak ako at iyak nang iyak. Bakit ganito? panginoon ko? anong kasalanan ko?
“Bree,” tawag sa akin ni Reyan, ang bestfriend.
“Bhei, wala naman akong ginawang masama eh, bakit? si mama Rey, si mama, wala na ang mama Rey!”
Niyakap niya lang ako at hinayaang umiyak sa bisig niya. Pinagsusuntok ko ang kama. Masakit sobra. Bakit ngayon pa?
Ilang minuto lang ang lumipas dumating na ang tito ko, umiiyak din siya, mugto ang mata. Sinundo niya ako para umuwi sa amin. Kung saan ang pamilya ko.
Sa kotse, iyak lang ako nang iyak, kung minsan ay nakakatulog pero pagkagising ko, kahit anong gawin ko, binibigo ako ng mga luha ko.
Nang malapit na kami para akong sinasakal. Kinakapos ako ng hangin.
“T-Tito, balik na ho tayo oh.”
‘Di ko alam kung bakit ko iyon nasabi, siguro ayoko pa rin tanggapin. Siguro gusto ko muna tumakas, ayoko muna harapin ang katotohanan.
Umiling lang si tito saka pinarada ang kotse niya sa labas ng gate namin.
Natatanaw ko na ang kumpol ng tao, nang lumabas si tito, namataan ko ang ate ko, tumakbo palapit sa amin.
Pagkalabas ko agad niya akong sinalubong ng yakap. Umiyak kaming dalawa, iyak lang nang iyak. Walang salita. We just cried with each other. We just mourn for our lose.
“A-Ate, si m-mama, ate.”
Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin, tumango lang si ate na parang naiintindihan niya kung anuman ang gusto kong sabihin.
Niyakap rin ako ng mga kamag-anak ko, hindi agad ako nakalapit kay mama, hindi ko kaya. Nanginginig ako kahit ang tingnan lang ang kinaroroonan niya.
“Bree? halika ka,” tawag sa akin ng ate ako at sininyasan akong lumapit sa kaniya.
Umiling ako dahil hindi ko talaga kaya. Hindi ngayon, at hindi kailanman.
“Paki-usap Bree, halika naa!” Puno ng pagsusumamo ang boses ng ate ko, umiyak siya muli at panay ang tawag sa akin.
“Hindi ko kaya,” ani ko at umiling.
“Hindi ko kaya ate.”
Yumakap ako muli kay Reyan at parang batang naghahanap ng kakampi, dinig ko ang iyak ng mga tao. Nangunguna ang hagulgol ni ate. Pero hindi, hindi ko talaga kayang lumapit.
Dumating ang araw na hihahatid na namin si mama sa huling hantungan. Doon na ako pinilit ni ate na lumapit, kahit ang kaladkarin ako ay gagawin niya. Ngunit nagmatigas ako. Ayoko.
Masakit para sa akin na makita siyang nakahiga sa loob ng kabaong. Masakit sa akin bilang isang anak na makita ang ina ko na wala ng buhay, isang malamig na bangkay na lang.
Mahirap sa akin tanggapin ang lahat, akala ko mahihintay niya ako hanggang sa masabi ko na “Ma! attorney na po ako,” akala ko kasama ko siya sa araw na iyon. Yayakapin niya ako at sasabihin, “Ang galing mo anak ko.”
Pero wala na, hanggang akala na lang ako. Wala na ang mama ko, iniwan na niya ako nang hindi ko man lang siya naalagaan. Nang hindi ko man lang naibibigay ang maran’yang buhay pinangarap ko para sa kaniya.
Hindi ko na siya madadala sa mamahalin restaurant, hindi ko na rin siya maipapasyal sa ibang bansa. Hindi ko na rin siya maibibili ng mga mamahaling damit, bags, shoes, at maisasakay sa mamahaling kotse.
Wala na ang mama ko, ang mama na isinakripisyo ang lahat para sa amin ng ate, wala na siya. Wala na.
“Bree, Bree please?” Lumuhod si ate sa harap...


ko.
“Lumapit ka kay mama, kahit ang tingnan mo man lang siya, kahit hindi ka na lumapit nang sobra, kahit ang tanawin mo lang ang mukha niya. Ikaw ang huli niyang hinanap bago siya bawian ng buhay Bree.”
“A-Ate, tumayo ka, mahirap lang po para sa akin ang makita siyang nasa loob niyan. Para lang po akong ninanakawan ng hininga kapag naiisip ko na hindi na niya ako yayakapin kapag lalapit ako. Na hindi na niya hahalikan, hahaplosin ang buhok ko, at sesermunan kasi pumayat ako.”
“Ate, si mama ang naging lakas ko, si mama ang pinagkukunan ko ng lahat lahat, si mama ang pumuno ng pagmamahal na ipinagkait ni papa sa akin, si mama ang nandiyan kapag nagkakasakit ako, si mama lang ate, si mama.”
Napaupo na rin ako sa harapan ni ate. Iyak lang kami ng iyak. Walang humpay na kakaiyak.
Maya maya pa hinawakan ni ate ang kamay ko at inialalayan akong tumayo. Sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko at hinila ako patungo kay mama.
This time, hindi na ako nagmatigas. Hinayaan ko siyang hilahin ako, hinayaan ko siyang dalhin ako kay mama.
“Ayan Bree, ang ganda ni mama no? para lang siyang natulog nang mahimbing.”
Nag-uunahan ang mga luha ko, naghahabulan sa pagdaloy sa pisngi ko habang tumatango ako sa sinabi ni ate.
Napakapayapa ni mama, para lang siyang nagpahinga, para lang siyang natulog.
Lumapit ako sa kabaong niya, kung hindi lang ako hawak ni ate baka kanina pa ako bumulagta, wala akong lakas. Nilayasan ako ng lakas, luha at sakit lang ang natira sa akin.
“M-ma, m-mama ko, nandito na po ako, m-mama ko sungitan niyo po ako, I failed my exam, madisappoint po kayo sa akin, sige na po oh. Iparamdam niyo naman sa akin iyon.” Hinaplos ko ang kabaong niya.
“Mama! mama, bakit sobrang aga naman po? alam ko naman na ayaw niyo kaming mahirapan ni ate, alam namin po iyon, naisip niyo po ba na mahihirapan kami ni ate sa pag-aalaga saiyo, kaya iniwan niyo na agad kami? ang unfair niyo po.”
“Kayo, game na game kayo alagaan kami ni ate kapag may sakit, tapos kayo nangingiwan agad? ba-bangon na ma! Bangon na!” nagsisigaw na ako sa habang nakayapos sa kabaong niya. Kahit inaawat ako ni ate, kahit sinasabihan nila ako na tama na.
“Maa! bangon na please? pangako po! gagalingan ko sa exam ko next time, babawi po ako, para po maging attorney na ako, p-para po maipaglaban ko ang hustisya hindi niyo nakamit mula sa hayop kong ama!”
I’m a product of rape, but my mom, my family didn’t make me feel like one. Ni minsan hindi ko naramdaman na bunga ako ng kawalang hiyaan ng ama ko. Sinira niya si mama, sinira niya ang mama ko, ang mama ko na mahal na mahal ko. Ang mama ko na walang ginawa kundi maging mabuti.
“Bree, kapatid ko, tama na.” Rinig kong ani ni ate habang niyayakap ako. Namataan ko rin si tito na lumapit na sa amin.
“Ina ko! mama ko! bangon ka na, nandito na si Bree oh. Nandito na ako. Sige ka magtatampo ako, bangon na!”
“Hija, ilayo mo muna ang kapatid mo.”
Dahil wala na rin akong lakas, hindi na ako lumaban noong hinila na ako ni ate, dinala niya ako sa may upuan malapit lang sa kabaong ni mama. Doon niya ako niyakap at inalo. Sinabihan ng kung ano-ano pampagaan ng loob. Pero wala eh. Wala na ang mama.
Hanggang sa naihatid na namin siya sa huling hantungan. Ang sakit lang makita na dahan-dahan binababa ang kabaong niya, ang sakit isipin na bukas wala na ang mama. Natatakot ako, natatakot ako na baka pag nagtagal makakalimutan ko na ang mukha ng mahal kong mama.
“Ma, kung saan ka man po, mahal na mahal kita ma. Salamat po sa lahat, sa lahat lahat. Pasensya na rin po dahil hindi ko na maibibigay sainyo ang buhay na pinangarap nating dalawa. Hindi ka na makakahiga sa sobrang lambot na kama, hindi ka na makakaligo sa bathtub, hindi ka na makakain sa mamahaling restaurant, at higit sa lahat wala na akong tatawaging mama. Pasensya na po. Ipagdarasal ko po na sana kasama mo na si Papa God, at masaya ka sa kung saan ka man.”
Huling ani ko sa hangin bago pinakawalan ang puting lobo, kasabay ng walang awang sakit na sumasalakay sa puso ko. Damang-dama ko kung paano nagkakapira-piraso ang puso ko. Sobrang sakit. Sa bawat pirasong hiwa ay hindi maampay na daloy ng dugo. Ang luha ko ay parang ilog sa pag-agos, bakit tela wala nang katapusan ang sakit sa aking puso?
END






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top