Every weekend ay nandun si Markus sa bahay nila Xandie.
Kahit di sya nito pinapansin,pero wala syang pakialam dahil ang magulang at kapatid muna ang nililigawan ng binata.
Kagaya ngayong araw,abala sila sa pagluto dahil every sunday ay nag bobonding silang pamilya.
Nandito rin ang Kuya nya at mga pamangkin nya.
Pagkatapos ay sa me pool area sila lahat kakain.Kaya naisipan ni Xandie na magswimming sila ng mga bata at kanyang hipag.
“Wow ang sexy mo naman dyan sa suot mo Sis.”
“Salamat Ate.Ikaw din naman ganda mo pa din kahit me junakis ka na.”
“Hmmp binola mo pa ako.”
Habang nasa pool sila ay dumating si Markus at marami na naman itong dala.As usual me bulaklak na naman.
“Kelan mo ba yan patatawarin Sis,aba’y matagal tagal na rin yang pabalik balik dito.”
“Hayaan mo sya Ate.Kita mo nga sina Papa at Kuya ang laging kaharap.”
“Syempre kasi nga ayaw mo pansinin.Baka sina Papa muna ang liligawan nya.”
“Bahala sya.Magsasawa din yan kakapunta dito.”
“Tingnan natin.Tara na ligo na tayo.”
Habang nagkakatuwaan sila sa pool ay nakatingin naman ng palihim si Markus sa dalaga.
“Grabe nag two piece pa talaga sya,kung di lang dito sa bahay nila ay baka napagalitan ko na sya.” aniya sa sarili.
“Oh natulala ka na dyan Mark,tara tagay na tayo.”
Mula ng nagpunta sya dito sa bahay nina Xandie ay naging kaibigan na din nya ang Kuya nito.
“Hayaan mo na yang kapatid ko,mapapatawad ka rin nyan.Mabait yan kaya wag ka mag alala.”
“Sana nga Kuya.”
Hanggang sa kumain na sila ay di pa rin sya pansin ng dalaga.Abala ito sa pagpapakain ng pamangkin nito.
Ganoon lagi ang sitwasyon nila.Kapag magsisimula pa lang syang kausapin ito ay iiwan lang sya.Buti na lang to the rescue ang ama nito.
Hanggang sa di na muna sya nagpunta sa bahay ng dalaga.
Sabi kasi ng ama nito na kapag di sya makita ng dalaga ay baka sakaling hanap hanapin na sya nito.Ika nga ay magpa miss daw.
Okay din ang Tatay ng dalaga me mga teknik pang nalalaman.
Nang minsan na mag hang out muli ang barkada ay inaya sya ulit ni...