Incompatible Part 18


Author: Ren Salazar
Mula sa malaking salamin,kitang kita ni Schiyev ang sarili niya na nakasuot ng gown na kanyang napili. Simple lang ito pero bumagay sa liit ng kanyang katawan. Kita rin ang collar bone niyang lantad na lantad.
” Totoo ba itong nakikita ko? ” Hindi makapaniwala niyang sabi habang sinisipat sipat ang sarili sa harap ng salamin.
” Uy! Bagay ha…ang gandang tingnan sayo.” Puri ni Bekket sa kanya. Nainip sa kakahintay sa labas kaya pumasok na. Maging siya ay gusto ring makitang naka gown si Schiyev.
” Maiiyak ata ako…” Saad ng dalaga at pinapaypayan ang sariling mukha.
” Shaakks..bakit ka naman maiiyak? Dapat nga ako ang maiyak eh. Kasal ko pero hindi gown ang susuotin ko kundi suits.” Turan niya.” Tingnan ko nga.” Hinawakan niya sa balikat ang dalaga at pinagmamasdan ang kabuuan nito. ” Ang ganda mo,girl ah. Talo mo pa akwo.”
” Pwede ba…ayusin mo yang pananalita mo. Mamaya ..marinig ka ng nasa labas. Mabuko ka pa.”
” Wala sila. Pina alis ko. ”
” Ha? Bakit?”
” Magsusukat rin ako ng gown..” bulong niya. ” Titingnan ko rin kung babagay sakin..”
” Ano?! ”
Totoong pina alis niya muna ang mga empleyado. Kilala niya ang may ari kaya madali niyang pinaki usapan.
” Sandali..pipili lang ako,ha..” galak na galak pa itong tumalikod saglit at namili rin ng gown. Nang makakuha,sinukat niya agad.
” Woow…” Sambit ni Schiyev na nakabuka pa ang bibig.
” Bagay ba?” Umikot ikot pa si Bekket.
” Hindi.”
” What? Napa wow ka tapos sasabihin mong hindi bagay sakin? Echusera two.”
” Hahaha….hindi naman talaga bagay sayo. Tingnan mo yang balikat mo,halatang panlalaki talaga. ” Tinawanan pa niya si Bekket.
” Hmmp! Makapagpili nga ulit.” Sabay talikod na naman.
Namili ng damit na hindi kita ang balikat niya. Yung wholesome pero sexy pa rin ang dating.
” How about this? What do you think?”
” Ahmm….” Pinagmasdan naman ni Schiyev mula ulo hanggang ibaba si Bekket.” Ah uh…hindi pa rin. Ang gwapo mo pa ring tingnan.”
” Pshh..ang sabihin mo..maganda ako.”
“Mas maganda pa rin ako sayo. Tingnan mo..o diba? Bagay na bagay sakin itong gown ko.”
” Tingnan ko nga ulit…” Kembot sa kanan..” utos niya kay schiyev na sinunod naman ng huli. ” Kembot sa kaliwa…”
” O diba ? Ang bongga ko!” Masaya niyang saad sa baklang pakakasalan.
Si Bekket naman ay biglang natigilan. Lumapit sa dalaga at tinitigan. Hinawakan ang baba nito at inaangat.
” A..anong gagawin mo?” Nauutal na wika ni Schiyev.
Titig na titig si Bekket sa mukha niya. Mula sa labi niyang pulang pula hanggang sa buhok nyang mahaba.
” Be…Bekket…” Sambit niya.
” Tsk. Ang pangit ng make up mo,girl. ” Biglang sabi nito.
Ang dalaga naman ay nahimasmasan sa init na naramdaman kanina. Akala talaga niya ay hahalikan siya ni Bekket.
” Ang mokong na ito. Pinakabog sandali puso ko.” Bulong ng isip niya.
” Ahh!! Ikaw talaga…” Hinampas hampas niya ang bakla. Pinagbabayad sa kasalanang hindi alam kung ano.
” Aray….ano ba? Bakit mo ko pinapalo?” Tanong nito na takang taka sa ginagawa ni Schiyev.
” Magpalit ka na nga don. Hindi bagay sayo mag gown. Alis na.” Taboy ng dalaga.
” Aray…oo na. ”
Nang maka alis si Bekket….
” Hmpp! Ang beking iyon. Mahuhulog pa ata loob ko sa mga ginagawa niya....


Pero hindi pwede. Bakla ka pa rin bekket at lalaki pa rin hanap mo.”
Dumating na ang araw ng kasal nina Bekket at Schiyev. Dahil sa kilala ang pamilya Choi,maraming bisita ang dumating. Mula pa sa malalaking kompanya. Lahat ng empleyado,imbitado.
” I do.” Kapwa sambit sa isat isa.
At pagkatapos ng mahabang seremonya,patungo na sa reception ang mga bida kasama ang mga bisita.
Punong puno rin ang reception. Maraming pagkaing nakahanda at inuming ibat ibang klase.
” Everyone…eyes here please.” Tawag pansin ni Bekket sa mga bisita nila. ” I would like to make a toast para sa aking mahal na asawa. ” Tiningnan niya si Schiyev.” Yoebo….i love you. ” Malambing niyang wika kay Schiyev. ” Thank you for accepting me into your life. I ll promise not to hurt you and love you more than i love myself.” Pagpapatuloy niya.
Masigabong palakpakan naman mula sa mga bisita. At pagkatapos …..
” Cheers everyone!!” Sigaw ni Bekket.
” Cheers..congratulations Mr and Mrs. Choi.”
” Thank you..thank you…”
Natapos ang kasalan ng maayos. Nauna nang umuwi ng bahay sina Bekket at Schiyev. Iniwan nila kay Dome at kay Myrna ang kanyang lolo. Ito na ang bahala sa mga bisita. Lilipad pa sila patungong italy para sa kanilang honeymoon.
Ilang oras din ang naging byahe ng bagong mag asawa papuntang Italy. Masayang masaya si Schiyev dahil sa nakatapak siya ng Italy. Maganda ang lugar at malinis. Namasyal sa maraming lugar at nang mapagod,bumalik na sa hotel kung saan naka check in.
” Haay…..pagod na pagod ako pero enjoy naman.” Dumapa pa ang dalaga sa kama.
” Mag sho shower lang ako.” Ani Bekket.
Biglang bumangon si Schiyev nang marinig ang sinabi ni Bekket. Mag sho shower raw siya.
Biglang kinabahan ang dalaga. Nasa honeymoon sila ngayon kaya posibleng maging straight bigla si Bekket at gagawin sa kanya ang ginagawa ng bagong kasal.
Niyakap niya ang kanyang sarili nang maisip iyon.
Narinig niyang bumukas ang pinto ng shower. Alam niyang si Bekket iyon. Kaya pumikit siya.
” Tada…..” Napameywang pa ito na naka tukod ang isang kamay sa pinto.
Dahan dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Yung isang mata muna saka sinunod ang isa pa. At nagulat sa kanyang nakita.
” Omg. Diyos ko. Ito ba ang parusa ko sa hindi ko pagsabi kay nanay na kinasal nako?” Sambit niya na nakatingin kay Bekket.
Si Bekket na naka blue nighties ang suot.
” Bagay ba? Ang sexy ko diba?” Confident nitong wika. Proud na proud sa sarili na suot ang nighties niya. ” Napatulala ka na diyan, yoebo…wala ka bang masasabi sa outfit ko?”
” Ha?! Ha..ha..ha..” mahina niyang tawa. ” Ewan ko sayo. Daig mo pa ang mapang akit na asawa. Matutulog na nga lang ako. Hindi ko keri yang kaseksihan mo,Bekki.”
” Wait. Tabi tayo…”
“Hindi. Lumayo ka sakin. Diyan ka oh!” Turo niya sa sofa. ” Diyan ka matulog.”
” Uy! Ang ikli nang suot ko no. Malalamigan ako.”
” Bahala ka. ” Inirapan pa niya si Bekket. ” Maloloka ako sayo. Good night.”
” Sandali….” Inagaw ni Bekket ang kumot sa kanya.
” Tumigil ka. Sisipain kita.” Banta ni Schiyev.
” Ang harsh mo ha..”
” Huh! Bahala ka.”
Pigil naman ang tawa ni Schiyev nang makatalikod kay Bekket. Naloka siya sa itsura nito. Daig pa ang isang tunay na babae.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top