Incompatible Part 31


Author: Ren Salazar
Tahimik si Zu habang nagmamanehong pauwi kasama sina Schiyev at Rhea. Nakatuon lagi ang mga mata sa daan at kung minsan napapakagat ng daliri sa kamay. Nababakas sa mukha nito ang hindi maipaliwanag na pakiramdam.
Hanggang sa makarating ng bahay ay ganoon pa rin siya.
” Zu…may problema ba?” Ang tanong ni Schiyev sa kanya. Nahahalata pala nito ang asawa simula pa kanina.
Ngunit hindi siya narinig ni Zu. Masyadong okupado ng kanyang isip ang bumabalik na si Hanz. Si Hanz na naging karelasyon niya noon sa korea ng isang taon. Si Hanz na tinanggap ng buong buo ang kanyang tunay na pagkatao. Si Hanz na ni singkong duling ay hindi nanghingi sa kanya. Pero ang lungkot lang kasi nagpatukso ito sa iba. Sa iba na siyang tunay na babae. Bagay na hindi maibigay ni Zu sa kanya. Ang isang bagay na isa sa nagpapatunay bilang isang lalaki.
Nang mahiga na sila sa kama , nag alala si Schiyev sa kung anuman ang iniisip ni Zu. Niyakap niya ito at may ibinulong. Pero wala pa ring reaksyon si Zu. Kaya hinayaan na lamang niya ang huli. Yakap yakap niya hanggang sa pagtulog
Kinaumagahan…nagising na lang siyang naghahanda na si Zu. Babalik na ito sa maynila dahil nakatanggap ng tawag mula kay Dome. Magaling man si Dome pero mas magaling pa rin si Zu sa kanya sa larangan ng negosyo.
” Pabalik na ko diyan.” Sabi niya sa kausap. ” Sige.” At ibinaba na niya ang telepono.
” Babalik ka na ng maynila?” Tanong ni Schiyev. Nakahiga pa siya sa kama.
” Oo. ”
” Iiwan mo ko?”
” Hahah..syempre hindi. Bakit naman kita iiwan rito?” Tinabihan siya ni Zu saka hinawi ang buhok na bahagyang nakatakip sa mata nito. ” Maghanda ka na. Aalis na tayo maya maya. ”
” Mm.” Sabay tango ni Schiyev.
Matapos maligo ni Schiyev nagpaalam na sila sa kanyang ina.
” Nay..babalik na po kami ng maynila. ”
” Ganoon ba…sige. mag iingat kayo.”
” Ah..nay. Baka gusto mo pong sumama samin sa mansyon.Pakilala ko po kayo kay Lolo.” Si Zu. Nahalata niya kasing nalungkot ang ina ni Schiyev.
” Ha?!”
” Opo nga po,nay. Sumama po kayo samin pabalik. Kayo naman po magbakasyon doon.” Pag sang ayon ni Schiyev. Mabuti na rin yon kasi maging siya ay nag alala sa ina dahil sa maiiwan na naman itong mag isa.
” Ah…” Tila alanganin naman ang kanyang ina.
” Nay.” Nilapitan ni Schiyev ang kanyang ina.” Sige na po. ”
Ilang segundo ring natigilan ang ina saka pumayag.
” Huwag po kayong mag alala sa bahay. Sasabihin ko po kay Rheang na dalaw dalawin ito. ”
” Sige….”
Tatlo silang lulan ng kotse ni Zu at tinatahak ang daan pabalik ng mansyon. Ilang oras din ang byahe bago makarating. Pero maayos naman ang naging byahe nila dahil sa maganda ang araw.
Pagdating ng mansyon, ay sinalubong sila ng iilang mga kasambahay. Kinuha ang kanilang gamit at ipinasok sa mansyon.
” Wow…ang laki naman ng bahay mo,anak.” Hindi halos mapadikit nito ang itaas at pang ibabang labi dahil sa labis na kamanghaan sa mansyon ng manugang.
” Hindi naman po,nay.”
” Hu…hindi raw. Eh kahit limang pamilya ang tumira rito ay kakasya.”
” Hehehe..” ngumiti lang si Zu sa kanya.
” Tara na po sa loob ,nay.”yaya ni Schiyev sa ina.
Tuloy tuloy sa sala kung saan naroon at naghihintay ang lolo ni Zu.
” Haraboeji…”
” Maligayang magbabalik mga apo.” Niyakap niya si Zu at si Schiyev.
” Salamat po ,Lo.”
” Oh! May kasama pala kayo. “Wika nito nang mapansin ang ina ni Schiyev na abalang abala sa kakagiya ng paningin sa buong paligid niya.
” Ah..haraboeji. She’s my wife’s mother.” Pakilala ni Zu sa lolo nya.
“Nay…” Mahinang tawag ni Schiyev sa kanyang ina.
” Ha? ”
“Siya po ang lolo ng asawa ko.”pakilala ni Schiyev.
” Ah …magandang hapon Ginoong haraboeji.” Bati niya na ikinabigla ni matandang lalaki gayon din sina Schiyev at Zu. Narinig pala niya ang huli nung tawagin ang lolo.
” Ah. Hahahhaha…hindi nakapagtatakang mag ina nga kayo ,apo.” Baling niya kay Schiyev.
” Ah..nay. Director Choi po ang tawag sa kanya rito. Ang haraboeji po ay Lolo ang ibig sabihin sa wika natin.”
” Ha?! Ahh…..ay naku,pasensya na. Ginaya ko lang ang asawa mo anak.”
” Ahhaha..ok lang po yon nay.” Sabat ni...


Zu.
” Yes. Its ok. ” Nag thumbs pa si Lolo. ” Oh ..nagpahanda ako ng mga pagkain sa mesa. Lets eat together.”
” Sige po,Lo.”
Naunang maglakad ang matandang lalaki saka sumunod sila.
Habang nasa hapag…..
” Ahh…Director Choi..” tawag ng ina ni Schiyev.
” Yes?”sagot nito na hawak ang pares ng chopstick sa kamay.
“Ahha…heto kutsara. ” Sabay abot niya sa lolo ni Zu.
Ang mag asawa naman ay nakatingin sa kanilang ina.
” Eh ..ako kasi nahihirapan sa pagkain mo. Hindi ka mabubusog kapag yang pares ng pinong kawayan ang gamit mo. ” Sabi nito.
Napalunok si Director Choi sa sinabi ng nanay ni Schiyev. Nalunok lahat ng noodles na nasa bibig niya.
” Heto..kutsara. mas madami ang makukuha mong sabaw.”sabi niya.
” ahh…nay kasi…”magsasalita sana si Schiyev pero biglang nagsalita si Director Choi.
” Thank you.” Sabi niya saka iniabot ang kutsarang binigay ng ina ni Schiyev.
Si Zu at Schiyev ay napangiti na lamang at nagpatuloy sa pagkain. Bukod sa noodles na inihanda ay may iba pa rin namang pagkain . Sadyang gusto lang ni Director Choi na kumain ng noodles sa mga oras na iyon.
Kinagabihan….sa kabilang kwarto natulog ang nanay ni Schiyev. Sinamahan muna ng huli ito dahil nanibago. Umalis din naman ng makatulog na.
Samantala, nasa banyo non si Zu at naliligo. Naghahanda na rin para matulog. Saktong paglabas niya nadatnan niyang naghahalungkat sa drawer niya si Schiyev.
” Anong ginagawa mo? ”
” Ni raraid yung drawer at kabinet mo.”
” At bakit?” Umupo siya sa kama.
” Basta…” Sabi lang ng babae.
At nang makita ang hinahanap. Pinagsama sama niya ang mga ito at inilapag sa kama.
” Uy..mga nighties ko yan ah”
” Aha…”tango niya.” Kinukumpiska ko . Itatago sa lugar kung saan hindi mo makikita.”
” Hahhaa….akala ko lusot na iyan.”
“No….” Binalingan niya si Zu. ” Lahat ng pwedeng maugnay sa isa mo pang katauhan,aalisin ko sayo at nang makalimutan mo. ”
” As you wish ..”hinayaan lang niya si Schiyev. Pero biglang sumagi sa isip niya si Hanz. Makakaya kayang alisin ni Schiyev ito gayong may malaking ugnayan ito sa isa pa nyang katauhan?
” Hhmm..”
” Meron pa ba?”
” Mukhang wala na. ”
” Kung ganoon,pumasok ka na sa banyo. Maghanda ka na rin.”
” Maghahanda? Para saan?” Tanong niya pero nakuha rin ang sagot.” Ah! Oo. Matutulog na nga pala tayo. ”
Pero bago umalis,isinama niya ang mga gamit ni Zu na kanyang kinumpiska sa kanyang pagpasok ng banyo.
” Dadalhin mo yan?”
” Oo. Mahirap na baka kasi kunin mo kahit isa.”
” Ha?! Ahhaha…sigurista!” tinawanan lang siya ni Zu.
” Naman!”
Pagdating sa banyo,itinago niya muna ito sa hindi makikita agad saka naligo na. At pagkatapos,lumabas na naka pantulog na manipis na sando at short. Humarap sa salamin at pinatuyo ang buhok.
Hindi pa siya tapos non nang biglang lumapit si Zu sa kanya at binuhat ng walang sabi.
” Ay!!”
Inihiga siya sa kama saka tinabihan. Tumagilid nang nakaharap kay Schiyev.
” Basa pa buhok ko.”
” Bahala na. Nasasabik na ko sayo.” Titig na titig si Zu sa kanya.
” Ah….anong…”
” Akala mo ba hindi ko narinig yung ibinulong mo sakin nung nasa bahay pa tayo ni Nanay?”
” Ha?….” Hindi man lang makatingin ng diretso si Schiyev sa asawa. ” Ano nga ba iyon? Nakalimutan ko na.”kunwari pa niya. Pero ang totoo,naalala niya iyon.
” Ako ang bahalang magpapaalala non sayo.”
Bumaba ang mukha ni Zu saka tinunton ang labi niyang kikibot kibot. May nais pa sanang sasabihin pero na korner na siya ni Zu kaya wala ring nagawa kundi ang tumugon na lang.
” Handa ka na ba?” Tanong ni Zu sa kanya.
” Kina..kabahan ako.”
” Huwag kang mag alala. Ako rin naman. Pero gagawin ko dahil mahal kita. ” Saka niya hinalikang muli si Schiyev at huminto ulit.” Pero kung nag aalangan ka…sabihin mo lang. Hihinto ako.”
Matagal bago nakasagot si Schiyev. Handa na nga ba siya o hindi pa?
Lumunok muna siya bago sumagot.” Kung anuman ang mangyayari sa gabing ito, pananagutan ko. ”
” Ha? Baliktad yata Yoebo. Ako dapat ang magsasabi non sayo. At syempre pananagutan kita. Asawa na nga kita,diba.”
” Ah..oo nga pala. ”
Saka dagling natigilan. Nagkatitigan sa isat sia. Mata sa mata. At ngayon…labi sa labi na dahil hindi na nila pinigilan ang sarili nilang nagsisimula nang magliyab.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top