LoVe Struck Chapter 1


Kapapanganak lang ni Juliana sa isang maliit na Hospital. Doon lang kasi ang malapit na Hospital sa kanila.
Si Juliana ay may panganay na anak. Isang Lalaki 3 years old si Brian. Napakakulit nyang bata at asawa naman ni Juliana si Bernardo.
Dinala ng Nurse ang bagong panganak na sanggol sa lalagyan ng mga bata. Hindi nya alam sinundan sya ng batang si Brian sa loob.
Hindi nya iyon napansin kasi busy ang nurse sa pakikipag usap sa cellphone nya.
Nilaro ni Brian ang mga name tag ng dalawang bata.
Napansin ng nurse na may batang naglalaro doon.
“Ayyy… Naku po kanino kang anak. Naku pinaglaruan nya name tag. Saan ba ito? Naku lagot na ako nito. ”
Ibinalik na ng nurse ang mga name tag sa lalagyan ng bata. Hindi nya masiguro kung tama ang pagkakalagay sa mga pangalan o nakapagpalit ba iyon. Hindi nya alam.
Pinalabas nya ang bata para isauli sa mga magulang.
Kanina naman naghahanap si Mr. Bernardo sa anak nyang si Brian. Buti nahanap nya si Brian. Pagkalipas ang dLawang araw ay nakalabas na sila ng Hospital at umowi na.
At ipinangalan nila sa baby Girl nila ay si Jolly
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
πŸ‘‰13 YEars Later. πŸ‘ˆ
Lumaki ang magkapated na sina Brian at Jolly.
Si 16 years old na si Brian samantalang si Jolly ay 13 years old na siya.
High school na si Brian samantalang si Jolly ay Junior high palang.
Crush ng campus si Brian sa School nila. At ang daming naiinggit kay Jolly kasi maganda ito matalino at higit sa lahat anak mayaman at hindi pa yun kuya pa daw nya si Brian.
Isang araw ay katatapos lang mag baskitball praktes si Brian sa gym at may lumapit na dalawang magkaibigan kay Brian.
“Hai Brian. Ito oh. . Basahin mo.”
Iniabot nila ang isang love letter kay Brian. Hanggang tingin lang si Brian.
” Pasinsya na hindi ako tumatanggap ng love letter. Hindi yan dapat inuugali ng mga babae. Lalaki ang nagbibigay ng love letter sa mga babae. Naiwan ko na kayo. Sayang lang ang oras nyo saakin dahil hindi ako inirisado sa inyo ”
Iniwan na ni Brian ang dalawang babai. Lumabas na sya sa gymnasium.
Patakbo naman si Jolly ng makita ang kuya nya na palabas ng gym.
Hinihingal sya ng makalapit sya sa kuya nya.
“Bakit kaba tumatakbo. Alamo namang mahina yang puso mo” seryusong sabi ni Brian sa kapated.
“Ano kasi. . (Hinihingal ito) may ibibigay ako sayo. . Ito oh” iniabot nya ang sulat sa kuya nya.
Nakita ni Brian na love letter yun.
“Saan naman ito galing?”
” Sa classmate ko. Ibigay ko daw yan sayo. Sana daw basahin mo.”
“Wala akong oras na basahin ang mga ganitong love letter. Isauli mo yan sa kaibigan mo. Para maka uwi na tayo.”
Nakaramdam ng lungkot si Jolly para sa kaibigan nya.
Isinauli na nya ang sulat sa kaibigan nyang si Stephanie.
“Pasinsya na step ayaw nyang kunin. Nagalit ata si Kuya.” Malungkot nyang pagkakasabi.
“Okey lang. Atleast sinubukan mong ibigay. ”
“Paano ba yan uuwi na kami ni Kuya.”
“Sigi ingat kayo sa pag uwi. ”
Patakbo nang umalis si Jolly.
Tanaw nmn sya ng kuya nyang si Brian. Galit itong nakatingin.
“Diba sabi ko sayo wag kang tatakbo. Bakit ba ang...


tigas ng ulo mo.”
Binatukan nya sa ulo si Jolly pero mahina lang.
“Aray. . Hindi na ako tatakbo. ”
“Wag mo na rin uulitin na kunin ang mga love letter na ibinibigay saakin. ”
“Sorry na kuya. Galit kaba?”
“Hindi sa nagagalit ako sayo Jolly. Pero sana man lang sabihin mo sa kanila na hindi ako initerisado sa kanila. ”
“Oona kuya. Sasabihin ko sa mga kaklase ko. Wag kanang magalit.
Hindi nagtagal ay nasa mansyon na sila.
“Ma. . Nandito na ho kami. ” sabi ni Brian sa Mama nila na sinalubong sila sa pagdating nila.
“Pagpalit na kayo ng damit. May inihanda akong merinda sa inyo. ”
“TalGa po Mama. Sigi dadalian ku po ang pag palit ng Damit”
“Jolly anak. Wag kang tatakbo mahina yang puso mo. ”
“Sigi po babagalan ko nalang po. ”
Si Jolly kasi sakitin sya mula pagkabata minsan nahihilo nalang sya at dna makahinga. Kaya bantay sarado sakanya ang kuya Brian nya sa School.
Matapos silang magpalit ng damit ay nasa bakuran na sila at kumakain ng merinda. Pag ganong oras nagbobonding silang mag iina habang hinihintay ang Papa nila.
“Alam nyo po Mama. Ang dami pong nagkakagusto kay Kuya Brian. Ang daming nagbibigay sa kanya ng mga love letter. ”
“Ikaw talaga bakit pati yan kinukwento mo kay Mama. ”
“Eh walang mapag usapan eh. At saka mama ang suplado po nya sa mga babai. ”
“Totoo ba yan anak. Masama yan.”
” Lagot ka talaga saakin Jolly. ”
Tumakbo si Jolly dahil alam nyang hahabulin sya ng kuya nyang si Brian.
At naghabolan ang magkapated.
“Tama na yan. Brian. Baka mapagod si Jolly. ”
Tumigil sa pagtakbo si Brian at bumalik sa kinauupuan nya.
“Bkit ang tagal ni Papa” reklamo ni Brian.
“Maghintay ka darating din yun. ” Sabi ni Jolly na bumalik din sa pagkaka upo.
Mayat maya ay dumating na ang papa nila na may Dalang Cake. Dahil Birthday ni Juliana.
Nag celebrate silang pamilya. At masaya silang nag cecelebrate.
🎡🎢”Happy Birthday to you. Happy birthday happy birthday happy Birthday to u. 🎡🎢🎡🎢🎡🎢🎀
” Happy Birthday Mama.!” Masayang sabi ni Jolly..
“Mama. Ito ho ung Birtday gift namin sa inyo ni Jolly. Sana ho magustuhan nyo. ”
Kinuha na ni Juliana ang relago ng kanyang mga anak.
“Salamat mga anak.”
“Buksan nyo na po yan” excited na sabi ni Jolly.
Binuksan na ni Juliana ang regalo ng anak at apat na Mug ang nakita nya na may drawing.
“Mama gawa po namin yan ni Kuya. Pinaghirapan namin po yan iguhit. Nagpaturo ho kami sa isperto para po makagawa ng magandang mug. Tingnan nyo po mama. Ikaw po yan ito naman si Papa at ito naman po si Kuya. At ito naman po ako. Diba ang cucute ng drawing namin. ” Masayang sabi ni Jolly.
“Wow nag effort pa ang mga anak mo para igawa ka ng magandang Regalo. Nag silos tuloy ako. ”
“Papa wag na ho kayong mag tampo. Igagawa din namin kayo ng mas maganda pa diyan. ” Sabi ni Jolly.
“Tama nayan. Kumain nalang tayo. “.
Nagsaya sila sa araw ng kaarawan ni Juliana.
To be continue.
Pag maraming reader gaganahan talagang mag update ang Author sana maging patok din ang kwentong ito.
Para ganahan akong mag update.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top