NANG DAHIL SA MALL CHAPTER 10


NANG DAHIL SA MALL”
+CHAPTER 10+
–ngayon nandito na kami sa bahay nila at bumungad naman samin ang daddy nya–
.
.
Tito: saan kayo galing?
Me: ahh tito, dun lang po kami nang-galing sa mall, ayaw pa nga umuwi nito ni ashley.
Tito: ahhh sige sige, pasok muna kayo dito, mukhang napagod kayo ehh.
Me: ay salamat po tito.
pumasok naman kami ni ashley, pero syempre pina-una ko sya, bahay nila yun ehh.
Tito: ano pala mga ginawa nyo dun sa mall?
Ashley: nag-laro sa quantum sumakay sa mga rides at kumain nadin po dad, ang saya nga ehh.
Tito: ahhh ganun ba?
Me: si ashley po tito pawis na ayaw pa magpasaway kanina (sabay ngiti)
Tito: pag pasensyahan mo nalang yan, pasaway talaga yang batang yan
Ashley: dad naman ehh pinapahiya mo naman ako dito kay justine
Tito: tara kain na tayo, naghain nako.
Me: ahh sige lang po tito, kakakain lang po kasi namin uuwi nadin po ako, inihatid ko lang po sya dito baka kasi may mangyare pang masama sakanya.
Tito: ahh ganun ba? sige mag-ingat ka.
Me: sige po tito, salamat po.
Ashley: ba-bye, ingat ka sa daan ha?
Me: oo naman, bye, una nako.
Ashley: sige, ba-bye.
.
.
Tito: nak, may gusto kaba sa lalaking yun?
Ashley: wala po dad, bakit mo naman natanong?
Tito: wala lang, tsaka… gwapo naman yun ahh? pasado sakin yun nakikita ko namang mabait syang tao at maganda ang intensyon nya sayo.
Ashley: naku! ewan ko sayo dad, akyat na nga ko sa kwarto.
.
.
–justine–
makulit talaga ang babaeng yun, pero nag-enjoy ako nung nakasama ko sya, ang ganda talaga ng mga ngiti nya, mas lalo talaga akong naiinlove sa kanya, sana may next time pa na magkasama kami ng ganun katagal sobrang sarap nyang kasama (sa isip nito)
.
.
–ashley–
haayyy, kala ko mabubuking ako ni daddy, pero masaya ako kasi tanggap ni daddy yung lalaking gusto ko, pero… paano naman magiging kami kung di ko nga alam kung may gusto ba sya sakin (tanong nito sa isip nya)
.
.
KINABUKASAN!
.
.
Ashley: goodmorning (text nito sakin)
Me: goodmorning din, bakit?
Ashley: kumain kana ba?
Me: hindi pa.
Ashley: bakit naman?
Me: kakagising ko lang ehh, kaya tinignan ko muna yung phone ko kung may text kaba sakin.
Ashley: ay sus, miss mo agad ako no?
Me: oyy hindi ahh, baka kasi mamaya mag-tampo ka sakin.
Ashley: huh? bakit naman?
Me: malay mo mag-tampo ka sakin sa kadahilanang di kita agad nareplyan.
Ashley: naku! sige mag-almusal kana.
Me: sige.
nang matapos...


ako sa pag-aalmusal agad ko namang tinext si ashley.
Me: may ginagawa kaba?
Ashley: wala naman, boring nga dito sa bahay ehh, wala akong masyadong magawa dito.
Me: ahh ganun ba? sakto.
Ashley: sakto? bakit naman?
Me: plano ko kasi ayain ka sa streetfood.
Ashley: talaga? buti di pa ko kumakain, tara.
Me: sige ligo muna ko, susunduin nalang kita dyan sainyo.
Ashley: ok.
Agad ko namang pinatay ang cellphone ko at chinarge ko ito, at ngayon maliligo nako, sinabon ko ng mabuti lahat ng parte ng katawan ko pati mukha, at nag-shampoo nadin ako, nang matapos akong maligo ay tinignan ko ang damitan ko at may nakita akong magandang pang porma, sinuot ko ito, nagpa-bango pa ko, nagsuklay, ngayon naman ay pupunta nako kala ashley para sunduin ko ito
.
.
FAST FORWARD!
.
.
Ashley: tara pasok ka.
Me: salamat.
nang makapasok ako ay agad naman nyakong pinaupo.
Ashley: upo ka muna dyan (sabay ngiti)
Me: ano pa ba mga gagawin mo?
Ashley: hmmm mag-aayos pa ko ehh, di pa kasi ako nakakapag-ayos, nakaka-hiya naman sayo ang ganda ng suot mo tapos ganto lang sakin.
Me: di kapa nag-aayos nyan?
Ashley: oo, bakit?
Me: ang ganda mo na ahh?
Ashley: hee, bolero.
Me: hahaha sige na mag-ayos kana, hintayin nalang kita dito.
Ashley: sige sige.
.
.
FAST FORWARD!
.
.
Me: tapos kana?
Ashley: oo, tara na?
Me: tara.
sumakay na kami ngayon, at maya-maya ay nakababa na kami at dali-dali ko naman syang hinawakan sa kamay at hinila sya papunta dun sa nagtitinda ng streetfood.
Ashley: justine?
Me: ohh? bakit?
Ashley: yung kamay mo.
pag-titig ko sa kamay ko ay naka-hawak ako sa kanya at agad ko naman syang binitawan.
Me: ayy, sorry.
Ashley: ok lang.
Me: pili kana ng gusto mo.
Ashley: isaw nalang akin.
Me: sige.
Me: pabili po.
Tindera: ano yun?
Me: isaw nga po, sampung piraso.
Tindera: sige po, wait nyo lang.
nang maabot samin ang binili namin ay dun kami ulit umupo sa inupuan namin nung pumunta kami dito.
Me: ohh, kain kana.
Ashley: sabay na tayo.
Me: sige ikaw na muna mauna.
Ashley: di ako kakain kung di moko sasabayan.
Me: hysss ang kulit mo talaga, sige na nga, kain na.
habang kumakain kami ay ito na ang pagkakataon ko para umamin sa kanya, sana ay di ako ma-busted, nagda-dalawang isip pa ko, pero kinakabahan din naman ako na baka mapunta pa sya sa iba at maunahan pa ko, kaya maglalakas loob nako ngayon, wala ng atrasan to, at sana ay di nyako layuan at di sya magalit.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top