Medyo na enjoy din naman si Nice at sandaling nakalimutan ang heartache nya.
E pano kasi parehas mga ogag ang kasama. Nag babangayan pa ang dalawa na tila mag asawa.
Pagabi na, at hindi pa rin nag aya na umuwi ni Nice. Naka off din ang cp nya. Kaya si George, nagmamakaawa na, may paluhod luhod effect pa ito
Kesyo kinukulit na sya ni Ace na umuwi na sila dahil pagabi na. Baka makatikim sya pag uwi.
Pero nag aya lang manood ng gig si Nice..
ladies drink lang naman ang tinira nila ni Mia.
Mayat maya dumating din ang 3 pang kaibigan nila. Kulitan uli kasama ni George.
At naghihimutok na si Ace sa loob ng unit.
Hanggang sumunod na rin sya dahil di na sya nirereply ni George.
Nasa pintuan pa lang, hinanap agad nya ang dalaga.. Makita lang nyang may katabi.. Makakatikim talaga.. At di sya nagkamali yong tropa nila na alam nyang type ang dalaga nakaakbay pa ang balikat nito sa likod ng upuan ng dalaga.
“Bwes*t! “nagtagis agad ang bagang nya at malalaki ang hakbang patungo sa umpukan ng tropa.
Buti nakita sya ni George.. At tsaka pa napansin na nakapuslit ang tropa na lihim na nagpapapansin kay Nice. Buti napa alis nya ito dahil pasuntok na si Ace..
” Whoah! Bro! Relax lang…”
“Anong relax? Sabi ko bantayan mo! ”
“Relax lang tol, di tayo talo.. Tropa tayo dito.”
“Tropahin mo yang mukah mo! Ang saya mo! ,nakatyempo ba huh tol? ” akma nya itong bibigyan ng payakap syang inawat ni Nice.
Yumuko sya at tiningnan ito ng malamlam, pero nagtatagis ang mga mata nitong sumalubong patungo sa mga mata niya.
“Pwede bawas bawasan mo yang pag ka eskandaloso mo Ace! ..” pigil nito ang galit sa loob2
“Kahit saan e.. Tapang tapang mo! Pwes matapang ka diba? Gusto mo ikaw Lagi ang siga!
” Pwes Magsama kayo nong Alodia mo!
Bagay kayo!! Parehas kayong mayaman at feeling mataas palagi..! ”
Tsk..
” Yabang mo! ” may pa paangas pang mukha ang dalaga. Na mas lalong nagpapacute lang sa kanya. Hulog na hulog si Ace e, kungdi lang masakit yong mga narinig nya.
Sarap sana sa pakiramdam dahil mag kadikit sila, pero sinapol ang dibdib nya.
Tila ngumunguya ng gum na napabaling ang paningin nya sa kasama. “Anong tinitingin tingin nyo? Upo! ”
Umalis din si Nice at tumabi uli kay Mia..
Sumunod si Ace at tatabi sana sya..
“Huwag ka dyan! Si Kat2 dyan!”
“May space e..”
“Nag cr pa! ” padabog nitong sabi
” Tsaka nako aalis pagdating nya..”
Dumikit sya dito at naglambing
“Usap tayo.. ” pagpapakiusap niya
“Umusog ka Don, tigilan mo ko!”
“Tsk.. Pano tayo maaayos pag ganito ka. Huwag mo kong iwasan please.. Don tayo sa ibang pwesto , o labas muna tayo kailangan nating mag usap kahit sandali lang.. Please mahal.”
“Euw! Mahal ka dyan!”
“Mahal naman kasi talaga kita.. Di ko kayang ganito tayo. Hmm? Tara?”.
“Sobrang kulit din e..! Kat dito ka na umupo.”
“Owh, di naman pala dito.. Dito na ako Kat”
“Okay”
“Hays..”
“Sige na, tara na..”
“Tigilan mo ako Ace .. Sumunod ka pa
talaga dito.”
” Lika na”
” Manigas ka dyan! Ayoko! ..”
” Ayaw mo ha..”
“Mwesit… Hoi! Bitawan moko Ace! nakakahiya!! Oo na sasama na ako. Ibaba mo na ako! ”
“Di na..”
“Hays.. Kainis!!”
Pinagbabayo nya ang likod nito, binuhat syang parang sako ng bigas.
Pagkababa sa labas ng bar agad nya itong itinulak sa dibdib.
At akmang tatalikod. Pero mabilis syang nayakap ni Ace mula sa likod.
Agad nitong pinulupot ang mukha sa leeg niya.
“Ano ba!”
” Uhm.. I’m sorry ”
Bumuntong hininga si Nice.
“Uwi na tayo, sa bahay tayo mag usap.. Hmm? Ah teka.. Magdate na lang kaya tayo. Tama!.
Nakalimutan ko gutom na pala tong princess ko.”
Bigla pang tumunog ang tyan nya.
“Ayon na nga… Heheh.. Tara?”
“Close pa tayo? Hindi na!”
“Tsk.. Oo na, lahat na sabihin mo na, para mawala yang lahat ng masakit dyan””
“Ano ba Ace!”
“Kinapa ko lang ang dibdib e…”
Humarap ito sa kanya at kinuha ang magkabilang kamay nya at pinasampal sa magkabilang pisngi nito.
“Tama na nga!”
Muli sya nitong niyakap.
“Hindi ko kayang mawala ka sakin.. Kanina habang mag isa ako. Ang hirap ng pakiramdam, tapos di ka pa makontak. Huwag na huwag mo kong iwan hah.. Di ko kakayanin.”
Hindi sya sumagot.
Tanging” gutom na ako” ang nasambit nya.
Dinala sya ni Ace sa isang restaurant. Sweet na sweet ito at magkatabi lang sila.
“Sweet din ba kayo dati? Mahal na mahal mo rin siguro sya noh. Di mo siguro gagalawin kung hindi. Feeling ko kasi sayo kahit playboy ka.. Hindi ikaw yong tipo na, walang pili. Kung di mo feel, di mo papakealaman diba?”
“Pwera na lang nong satin.. Dahil di mo talaga yon feel, nadala ka lang ng kalasingan.”
Bumuntong hininga ito.
Mabilis na natapos si Nice at tinanggihan...