Mostrous Academy
Chapter 2
Hindi ko maisara yung bibig ko sa pagkamangha, sobrang laki ng cafeteria sa school na ‘to. Muka syang vintage cafe, may second floor at glass wall pa. Makaagaw pansin din yung chandelier.
“Ang daming tao” ayun yung una kong nasabi pag pasok namin sa loob, ang daming tao pero hindi napupuno yung cafeteria. Ganun sya kalaki, nakakamangha.
“Tara doon tayo maupo sa usual place ko” Hinatak ako ni Ayesha at itinulak pababa yung mag kabilang balikat ko para maupo malapit sa glasswall.
“Just stay here okay? Mamaya may dadating na lalaki dito, don’t worry. Bestfriend ko ‘yon. Ako na oorder ng kakainin natin. Treat ko since it’s your first time here” Nakangiting sabi nya. Grabe yung pag ka hyper nya, parang hindi sya galing sa sakit, Nakakatuwa.
Habang nag aantay, nilibot ko yung paningin ko sa paligid. Halatang mayayaman ang mga estudyante rito. Napansin ko rin na may ilang kalalakihan ang pilit iniiwasan ng mga estudyante.
Para silang VIP kung mag lakad dahil talaga namang binibigyan sila ng daan, yung tipong kusa nalang nag sisitabihan yung mga taong daraanan nila. Kahit malayo halatang may mga itsura sila. Those messy hair, ear piercings and blank expression, makes them more hotter. No wonder bung bakit makalaglag panga yung reaksyon ng mga babae.
“Hi, nice too see you again. Bakit dito ka nakaupo?” Tanong nung lalaking tumulong sakin kanina. Sya siguro yung tinutukoy ni Ayesha. Small world.
“Oh hi, dito kasi ako pinaupo niㅡ”
“Hey Liam” Bati ni Ayesha ng ilapag nya yung tray na may lamang dalawang pinggan na may kanin at chicken, dalawang juice at apple. So Liam pala ang pangalan nya. Inabot ko yung kamay ko sakanya at ngumiti.
“Hi Liam.. Ako nga pala si Rain” pakilala ko at nakipag kamay sya sakin. Naupo naman si Ayesha sa tabi ko.
“Do you know each other?” Tanong nya at tumango ako.
“Sya yung tumulong sakin kanina para mahanap ‘tong school” sagot ko at ngumiti lang sya, ganun din si Liam. Maya maya lang ay sumasabay na ko sa kwentuhan nila. Mabilis lang din gumaan yung loob ko sakanila dahil pareho silang mabait.
“So Probity ka pala. I can really trust you since you’re honest” Sabi ko at nag tawanan lang kami pero nakuha nung apat na lalaki yung atensyon ko. Sila yung mga lalaki kanina. Tatlong lamesa lang ang pagitan ng pwesto nila sa pwesto namin.
“Sino sila?” Tanong ko at agad naman lumingon si Liam para sulyapan kung sino yung tinutukoy ko.
“Dark. Mga insolent, gangster yang mga yan so stay away from them. Hindi sila mapag kakatiwalaan” seryosong sagot ni Liam ng ibalik nya sakin yung atensyon nya. Tumango lang ako at ipinagpatuloy yung pag kain.
Maya maya lang ay biglang natahimik ang buong cafeteria at nabalot nalang ng mahihinang bulungan. Nakakakilabot tuloy.
“Anong nangyare? Bakitㅡ”
“Shh” tinakpan ni Ayesha yung bibig ko at napataas ako ng kilay ng makita kong papasok ng cafeteria yung lalaki sa infirmary kanina. Nakasuot sya ng sleeveless kaya kitang kita yung bandage na nasa braso nya.
“Anong pangalan ng lalaking ‘yon?” Tanong ko ng ituro ko yung lalaki gamit yung nguso ko.
“Thunder Cross. Leader ng Dark, bakit? Crush mo?” Tanong ni Ayesha at agad akong umiling. Thunder, ang cool ng name kaso medyo may pag kaweird. Gangster? Uso pala ‘yon sa school na ‘to.
“Ah hindi, sya kasi yung tinutukoy ko sayo kanina na ginamot ko sa infirmary” bigla nalang naibuga ni Ayesha yung juice nya dahil sa sinabi ko. Pareho naman silang nakatingin sakin ni Liam. Problema nila?
“You mean, yung sugat na nasa braso nya. Ikaw yung nag gamot?” Tanong ni Ayesha at tumango lang ako. Big deal ba ‘yon? Leader lang naman sya ng mga gangster eh, buti sana kung artista yan. Ayun, big deal ‘yon para sakin.
Tinignan kong mabuti si Thunder, papalapit sya ngayon sa mga kagrupo nyang gangster. May kung ano silang pinag uusapan at maya maya lang ay nahagip ako ng paningin ng isa sakanila.
Bahagya syang ngumiti at binalik yung atesyon sa mga kagrupo nya.
Nginitian nya ba ako? Baka imagination ko lang.
“Tara na, bumalik na tayo sa dorm. Maaga pa yung pasok bukas” aya ni Ayesha pag tapos naming kumain.
“Ihahatid ko na kayo” sabi ni Liam at tumango lang kami. Paano pala yung uniform ko? Hindi ko pa ‘yon natatanong tsaka yung...