Mostrous Academy


Author: Aisha
Tittle: Mostrous Academy
(First stort sna magustuhan nyo)
P R O L O G U E.
Si Rain Celvero, simpleng babae na may simpleng pangarap.
Ang makapag tapos ng pag aaral, pero sa hindi inaasahan ay napadpad sya sa isang delikadong paaralan.
Ang Monstrous Academy.
A school where students are divided into five Kinds:
Keen – Students who have the ability to think clearly and to understand what is obvious or simple about something.
Robust – The strong and healthy ones, they are impressive and not likely to fail or weaken.
Amiable – They are willing to accept the wishes, decisions, or suggestions of another or others. They have a friendly and pleasant manner.
Probity – Students who have the strong moral principles, students who is completely honest.
Insolent – They are rude and arrogant, they have a lack of respect to others.
Insolent, dyan nabibilang ang grupo ng D.A.R.K (Devil And Real Kings)
They are the most scary and known gang in the Monstrous Academy. Binubuo ng limang malalakas na gangster. Kinatatakutan ngunit hinahangaan ng karamihan, pero sa hindi inaasahan ay makikilala nila ang kaisa-isang babae na mag papabago ng buhay nila.
At lahat ng ‘yon ay mag uumpisa sa loob ng Monstrous Academy…
Chapter 1
Miss, pwede bang mag tanong? Mukang naliligaw kasi akoㅡ”
“10 pesos kada tanong” Malamig na sagot ng babae, napakunot naman yung noo ko. Grabe, ganto ba talaga sa lugar na ‘to? May bayad pag mag tatanong? Umalis nalang ako at nag tanong sa matandang nag babasa ng dyaryo.
“Kamusta po? Pwede po bang mag tanong?”
“Wala kaming talong” Eh? Nahampas ko nalang yung noo ko gamit yung palad ko. Ano ba naman ‘to! Kanina pa ako paikot ikot sa West district na ‘to, hindi ko parin mahanap yung school kung saan ako lilipat. Ang hirap pala maging exchange student.
“Uhm, hi miss, kanina pa kita nakikitang paikot ikot. Nawawala ka ba?” tanong ng lalaking lumapit sakin, nakasuot sya ng itim na uniform, maputi, medyo may pagkapula yung buhok at hindi ko maitatanggi na gwapo sya.
“H-ha? Ah eh oo, hindi ko kasi makita yung Monstrous Academy. Alam mo ba kung san ‘yon?” tanong ko habang pinapakita yung papel kung saan nakalagay yung address nung school na pag lilipatan ko.
“Papunta ako dun ngayon, isasabay na kita, malapit nalang yun dito” sabe nya at nag alangan ako bigla. Hindi ako pamilyar sa lugar na ‘to at hindi rin ako pamilyar sa mga tao na nasa paligid koㅡ
“Don’t worry, you can trust me” ha? nabasa nya ba yung nasa isip ko?
“Hindi, halata lang kasi sa muka mo. So ano?” dahan dahan nalang akong tumango, alas tres na. Baka gabihin ako kakahanap tsaka wala akong mapagtanungan ng maayos dito kaya sumama nalang ako sakanya. Bahala na.
Medyo kinabahan ako. Habang palayo kami ng palayo, pakonte rin ng pakonte yung mga tao sa paligid at mas lalong tumatahimik.
“Relax ka lang, medyo tago kasi yung school” sabi nya habang nag lalakad kami sa diretsong daanan na may mga sunod sunod na puno sa gilid. Maya maya lang ay may natatanaw na kong malaking gate. Hindi ko alam kung palasyo ba ‘yon o mansyon. Ang laki kasi.
“Ano nga palang gagawin mo dito?” Tanong nya ng huminto kami sa tapat ng gate.
“Hmm exchange student” tipid kong sagot at nginitian nya lang ako. Pumasok kami sa loob at ramdam na ramdam ko yung aurang bumabalot dito sa loob. Kinilabutan ako bigla. Ibang iba ‘to kumapara sa dati kong school sa probinsya. Nag patuloy kami sa pag lakad at pumasok sa mataas na building. School ba talaga ‘to?!
“Ito yung faculty, pumasok ka nalang sa loob. Kailangan ko na kasing bumalik sa dorm” Sabi nya ng huminto kami sa isang pintuan. Gusto ko sanang tanungin yung pangalan nya kaso nakakahiya.
“Sige, salamat ah. Ingat ka” Sabi ko at tumango lang sya. Isang malalim na buntong hininga muna yung pinakawalan ko bago kumatok.
“Yes? What can we do for you? Transferee? You’re face is not familiar” sabi ng babaeng nag bukas ng pinto. Napatingin ako sa i.d nya, Janna De Vera? Muka pa syang dalaga kay Ms. De Vera nalang itatawag ko sakanya.
“Uhm exchange studentㅡ”
“Rain Celvero?” tawag nya sa pangalan ko at tumango lang ako pero may bigla nalang syang itinapat sa muka ko. Nag flash ‘yon na parang camera kaya naman napaatras ako.
“Wow! So you are 100% Keen. Ang swerte mo, come! sasamahan kita sa dorm mo” sabi nya at sinundan ko lang sya. Hanggang sa pumasok kami sa isang building, halos walang katao tao. Umakyat kami ng second floor at kinatok nya yung kwarto na may number na 218.
Bumukas ‘yon at isang magandang babae ang bumungad samin. Muka syang may sakit dahil ang putla nya pero ang ganda parin nyang tignan.
“Ms. Chua, this is Ms. Celvero. She will be your roommate from now on and please, tell her everything she need to know about in this school. Okay?” Sabi ng Ms. De Vera at nag madali syang umalis.
“Hi. Ikaw ba yung exchange student? Ako nga pala si Ayesha” Pakilala nya ng pumasok ako sa loob.
“Ah oo, nice to meet you Ayesha. Rain nalang itawag mo sakin” Sabi ko at nginitian nya lang ako.
“Pwede bang mag tanong? Ano yung keen?” Ngumiti sya ulit at naupo sa tabi ko. May sakit nga sya, ang init kasi ng katawanan nya.
“Keen ka? Wow! Amiable naman ako” nakangiting sabi nya. Ano naman yung amiable?! Ang...


weird naman ng school na ‘to.
“This school has 5 kinds of students. Ang keen, Robust, amiable, probity at insolent”
“Ang keen, ayun yung mga matatalinong estudyante. Robust, sila naman yung malalakas. Amiable, sila yung mga friendly gaya ko. Probity, mga honest na estudyante at yung insolent. Stay away from them kasi masasama silang tao, some of them are gangsters” pagpapaliwanag nya. Ang weird kaya tumango nalang ako. May gantong klase pala ng eskwelahan. Kakaiba.
“Ugh. Nahihilo na naman ako. Ayaw bumaba ng lagnat ko, wait lang ha? Pupunta kong infirmary. Hihingi ako ng gamot” tatayo na sana sya pero pinigilan ko.
“Ako nalang, mag pahinga ka nalang dito. Baka mas lalong tumaas yung lagnat mo eh. Turo mo nalang kung saan yung infirmary” nginitian nya ko at may binigay na mapa. Seryoso? Ang laki pala talaga ng school na ‘to para mag karoon ng mapa.
“Sige, aalis na ko. Mahiga ka nalang dyan” sabi ko at bigla nalang nya kong niyakap.
“Salamat” ngumiti lang ako at lumabas na. Nakalimutan kong linggo nga pala ngayon, kaya siguro walang katao tao dahil nag papahinga yung mga estudyante.
Hindi ko akalain na dito na ko mag aaral, ang bilis ng pangyayare. Hindi naman kasi ako ganun kayaman, ako lang din mag isa dito sa Pilipinas dahil nasa ibang bansa si papa, wala din akong kapatid at patay na yung mama ko. Sana makasurvive akong mag isa.
Sinundan ko yung direksyon na nakalagay sa mapa. Pumasok ako sa building kung saan kami pumasok nung mabait na lalaki kanina. Nasa first floor lang yung infirmary kaya hindi ako nahirapan hanapin. Kumatok akong ng isang beses, pero walang nag bukas. Sinubukan ko ulit pero wala parin kaya binuksan ko nalang yung pinto.
“Tao po?” Nilibot ko yung paningin ko hanggang sa may nakita akong gumalaw dun sa kurtina na nakapalibot sa kama. Nag punta ako dun at nakakita ng lalaki.
“Who the fuck are you?!” Galit na tanong nya. Oa naman nito.
“Ikaw ba yung nurse? Kailangan ko ng gamot” tinignan nya ko ng masama kaya naman napalunok ako. Dahan dahan syang lumapit sakin habang ako naman ay paatras ng paatras hanggang sa tumama na yung likod ko sa pader.
“Sino ka sa tingin mo para utusan ako?” Tanong nya.
“Estudyante ako dito. Nurse ka, kayaㅡ”
“At sinong nag sabe na nurse ako?” Tanong nya ng isandal nya yung kamay sa pader kaya nakorner nya ako. Fvk. Ano ba ‘to, masyado syang malapit. Insolent siguro ang isang ito, teka. May sugat sya sa braso.
“Nag dudugo yung braso mo”
“Wala kang pake” sabi nya at saka lumayo, bumalik sya dun sa kama pero sinundan ko sya.
“Wala ba yung nurse dito? Akin na gagamutinㅡ” Tinignan nya ulit ako ng masama, nakakatakot naman ‘tong lalaki na ‘to. Buti nga at concern ako sakanya eh.
“Sabi ko nga hindi na eh. Ituro mo nalang sakin kung nasaan yung paracetamol, para makalabas na ko” sabi ko pero hindi parin nya inaalis yung masamang tingin nya sakin. Ano bang problema nya?
“Incision, your wound bleeds alot. Nasugatan ka ba ng sharp objects? Shard of glass?” tanong ko dahil walang tigil yung pag dugo ng braso nya. Hindi ko mapigilang hindi pansinin dahil baka maimpeksyon ‘yon, ang lalim pa naman.
“Kailangan natin hugasan at idisinfect yung sugat mo para matanggal yung dumi at debris, tara” hinawakan ko yung kabilang braso nya pero tinabig nya ‘yon na naging dahilan para ma out of balance ako at tumama yung likod ko sa kanto ng kama.
Nakagat ko yung lower lip ko dahil sa sakit. Tumayo ako at hinarap yung bwisit na lalaking ‘to. Sya na nga tinutulungan eh.
“Ano ba?! Maiinfect yang sugat mo pag hindi nalinisan agad” Sigaw ko dahil sa pag kabwisit. Hinatak ko ulit sya at this time hindi na nya ako tinabig. Inumpisahan ko namang linisin yung sugat nya.
“Yan, okay na. Iwasan mo nalang mabasa. Maybe five days matutuyo na yang sugat mo” Tumayo ako at hinanap yung paracetamol. Wala naman akong mpapala kung mag tatanong ako sa kagaya nya.
“Oh” Lumingon ako at agad sinalo yung binato nya sakin, napangisi lang ako.
“Salamat. pagaling ka” lumabas na ko ng infirmary at agad bumalik sa kwarto pero pag balik ko nakatulog na si Ayesha. Inayos ko nalang yung gamit ko at nag pahinga narin.
•••
“Rain, gising. Dinner time na, hanggang 9:00 lang bukas yung cafeteria” inalog alog ni Ayesha yung likod ko kaya mabilis akong nagising. Doon nya kasi ako hinawakan sa parte kung saan tumama yung likod ko kanina.
“Mag papalit lang ako ng damit” sabi ko at tumango lang sya. Nag suot lang ako ng oversized tshirt at shorts, itinali ko rin yung mahaba kong buhok.
“Salamat sa gamot ah? Teka, naligaw ka ba? Ang tagal mo kasi kanina eh” Sabi nya habang nag lalakad na kami palabas. Mukang okay na sya. Buti naman.
“Ah, may lalaki kasing sugatan sa infirmary kanina, eh wala yung nurse kaya ginamot ko na. Tingin ko nga insolent ‘yon eh. Ang sama kasi ng ugali” sabi ko at bigla nalang nyang niyakap yung braso ko.
“Wow! Talaga? Ginamot mo ang isang Insolent? Ang tapang mo. Alam mo bang walang nag tatangkang lumapit sa mga insolent? Para kasi silang may sumpa. Once na madikit ka sakanila, it’s either mamalasin ka o masasaktan ka” napangiwi lang ako.
Hindi ako matapang, ginawa ko lang yung tama at kung sakaling mauulit ‘yon, i will still do the same. Danger is real but fear is a choice..





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top