Munting Pangarap ni Esang ” Kabanata 33


Isang linggo na mula ng umalis si mama at bumalik sa Maynila .
Katulad ng dati ay Lasing na nman ngayon si tito. Galing sya sa kumpare nya at nagkipag inuman na nman ito.
Pag ganito si tito ay di ko maiwasang sisihin ang sarili ko.
Nagbukod na rin ito ng higaan. Gumawa sya ng maliit na payag (kubo na walang dingding) sa katabi naming bahay. Sapat lng para di nya kame makita o dinamin sya kita kung di namin sya sadyaing silipin..
Baka sinadya nya yun para iparamdam sa akin na galit nagalit sya. Alam ko naman sa sarili kong walang kapatawaran yung mga ginawa ko. Sinira ko ang tiwala nila at niloko sila. Alam kong di maiintidihan ng iba na di naman sapat na dahilan yung ginawa ko para magalit sila ng ganito sa akin pero ako alam na alam ko at naiintindihan ko sila.
Andun si tito sa payag nya. At lasing ito. Narinig kong kumakanta sya habang naggigitara.
Malalim na ang gabi kaya rinig na rinig mo ang pagkanta ni tito ..
🎢Di ka ba naawa, sayong mahal na ama’t ina 🎢
Habang kumakanta si tito ay ramdam ko ang sakit sa bawat lyrics ng kanta..Dalang dala sya ng kanta at ang emosyon nya ang tanging mararamdaman mo dito..
🎢Magbago ka..
🎢Magbago ka..
🎢Nang di ka magsisi sa huLi..
Pagtapos ni tito sa pagkanta ay akala ko ay matutulog na sya dahil biglang tumahimik ang gabi pero di pa pala sya tapos..
“Esang anak.. Bakit naman ganito ang ginawa mo sa akin.. Niloko mo ako.. Sinira mo ang tiwala ko. Di ba ako naging mabuting tatay para sayo.. Kaya siguro di ako binigyan ng anak dahiL wala akong kwenta.. Di ko deserve ang maging isang magulang. “, sa bawat pagbitaw nito ng salita ay ramdam ko ang matinding kalungkotan. At ang Puso ko.. Hiniling ko na tumigiL muna pansamantala at bukas nlang ulit tumibok na malabong mangyare.
“Bakit di mo pinahalagahan ang mga pangaral ko..bakit di mo isiniksik lahat yun sa utak mo.. Di nman yun para sa akin para naman yun sayo.. Ayaw ko lng kaseng danasin nyo ang buhay na...


dinanas ko. Khit gustong gusto ko mag aral dati ay di ko magawa dahiL walang may gustong magpaaral sa akin. Ang damot nga ng DIYOS eh dahil di nya ko binigyan ng tao na magpaaral sa akin at mapatunayang karapat dapat ako.. Ni hindi nga ko marunong magbasa e pero tinulungan kong turuan ang sarili ko para lang khit papano ay di ako maloko. Pero tanging pangalan lang ang kaya kong isulat ng mabilis at ang iba ay subrang bagal na dahiL iniisip ko pa kung tama o mali ang speeling ko. Tinanggap ko kayo ng ihabilin kayo ng mama nyo sa akin dahiL nakita ko ang sarili ko sa inyo. Di ko na inisip na subrang malaking responsibilidad ang kakaharapin ko pero buong puso ko itong tinanggap. “Kasabay ng paggaralgal ng boses nito ay alam kong umiiyak si tito. .
Habang ako patuloy na nakikinig sa mga sinasabi nya at walang tigil sa pagluha.
“Ginawa kong araw ang gabi.. Para lng mapag aral kayo.. Kahit may sakit ako pinipilit kong maghanap buhay para sa inyo.. Lahat ng pang iinsultong naririnig ko dahiL di ko naman kayo kadugo ay pinag aral ko pa kayo ,lahat ng yun hinahayaan ko dahiL para sa akin kayo ang mahalaga dahiL mahaL ko kayo. Mahal na mahal ko kayo. At sa subrang pagmamahal ko wala na kong tinira sa para sa sarili ko at kahit birthday ko’y kinalimutan ko na para sa inyo… Tapos ito lng ang isusukli mo Esang..SINAKTAN MO KO “.
halos malagutan ako ng hininga sa sinabi ni tito. Di ko na kaya subrang naaawa na ko kay tito. Lahat ng sinabi nya ay parang isa isang panang tumusok sa dibdib ko.
Pagkatapos nun ay wala na kong narinig pa mula kay tito.. Nakatulog na siguro ito..
Tama nga ang KASABIHANG..
MAS MASAKIT SUMUGAT ANG MGA SALITA KAYSA SA TABAK.
-itutuloy.
Salamat po sa inyong mga opinyon..
May naiinis sa tito at tita ni Esang pero meron ding naiintindihan sila kung bat sila naging ganun.
Sa nagdududa kung talagang ako ang author neto
OPO.! Wag na po kayong magduda kse di po ako magcocopy paste ng gawa ng iba..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top