MY BOSS IS SECRET 🎗️
+ Unique Writes
[Chapter 2]
Binuksan ko ang pinto ng room ni papa dito sa hospital. Dala ko ang plastik na naglalaman ng Tupperware ng ulam. Isinarado ko ng dahan dahan ang pinto. Nakita ko roon si mama na busy sa pagpupunas ng katawan ni papa.
Gusto ko maiyak sa kalagayan ngayon ni papa. Payat at mahina na ito. Pansin rin ang mga kamay nito na hindi na halos maigalaw. Stroke ang sakit na kalagayan na nilalaban ni papa. At kasama na rin ang diabetes.
Dahan dahan ako lumapit sa isang lamesa at dun ko inilapag ng maayos ang plastik. Lumapit ako kay mama at kinuha ko ang palad nito para magmano.
“Oh, nariyan ka na pala”.sabi nito. Inilapag nito ang panyo na pinangpunas sa katawan ni papa.
“Kamusta na po si papa, mama?”.tanong ko. Umupo ako sa iniupuan ni mama. Pikit na ang mata ni papa na hudyat na tulog na ito.
“Ayun, makulit pa rin. Ang gusto niya ay wag ko na daw siya subuan nung pinapakain ko iyan kanina. Ang kulit ng ama mo. Kung hindi lang ganyan ang kalagayan niyan ay baka nasapak ko na iyan”.natawa nalang ako. Kahit ganito ang kalagayan ni papa ay hindi ko akalain na matigas pa rin ang ulo.
Bilib rin ako kay mama at kahit hirap na siya sa pag-aalaga kay papa ay nagagawa niya pa itong tiyagaan.
“Oo nga, pala. Malaki na ang babayarin natin rito sa hospital. Dalawang linggo narin kasi tayong stay-in rito. Sinubukan ko narin lumapit sa philheath para matulungan tayo”.sabi nito.
Bumuntong hininga ako. Naalala ko na hindi pa alam ni mama na natanggal na pala ako sa trabaho. Sana pala hindi ko na inaway si madam Sermons. At basakaling magbago ang isip nyun na papasukin ako sa trabaho.
Tumayo ako at lumapit kay mama, na ngayon ay kumakain na ng hapunan. Kinuha ko muna ang pera at iniabot ko rito. Nakita ko pagtaka nito.
“Para saan toh?”.tanong nito. Umupo ako tabi ni mama.
“Pandagdag bayad po rito sa hospital,ma”.sagot ko. Kinuha nito ang pera.
“Salamat anak, ha. At saka hindi ka na dapat nag-aabala pa na magbigay ng pera. Halos na sayo na mga obligasyon na dapat kami ng papa mo ang gumagawa”.mahinang sabi nito. Hinawakan ko ang kamay ni mama.
“Sobra pa po ang mga ginawa ko para tumbasan ang pag-aalaga nyo saamin. Kaya hayaan nyo po akong,ako naman ang magbigay ng pera sa inyo at gawin ang obligasyon nyo”.sabi ko.
“Basta po alagaan nyo nalang si papa. ‘Wag nyo rin pabayaan ang sarili nyo”. dagdag ko pa. Tumango ito at ngumiti.
“Ang swerte namin dahil nangiyan ka”.naiiyak na sabi nito. Niyakap ko si mama para maibsan ang iyak nito.
“Kung hindi na-ad*k ang papa mo sa mga sugalan na yan. Sana ngayon ay may maayos kayong buhay”.at humagulgol ito. Napaiyak ako. Minsan ko rin naiisip ang ganyan.
Kung sana nga hindi na-ad*k si papa sa sugal na yan. Siguro ngayon ay maganda ang buhay namin. At nakakaraos kami sa araw-araw.
“Nangyari na po ang lahat, ma. ‘Wag na po natin balikan iyun. Ang mahalaga po ay masigurado natin ang kalagayan ni papa”.sabi ko. Tumango ito.
“Tama ka, anak”.sagot nito.
_______
Tanghali na at heto ako ngayon, patuloy parin sa pag-apply ng trabaho...
ang ganda next