My husband cheater


Kabanata 53

——Walang alam si elane na namatay sa isang car aksidente si dexter nung araw na itakas nila si zara. Naabutan sila ng bagyo sa daan, at yun ang araw ng malagim na sinapit nila. Lalo na at hanggang ngayon sa kasalukuyan ay wala paring maalala si zara dahil sa aksidente na yaon. Si dexter ang sentro ng sanga ng punong kahoy na iyon kaya siya natuhog na parang barbique.

Papunta sana sila sa norte. Para dun sana siya dalhin, kung saan nandun nakatira si dexter at ang pinsan ni diego.

“Hindi ito maaari?” Sabi niya sa isip nito ng malamang nakabalik na si zara at hindi namatay. Maghalo ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Kinakabahan siya na baka makulong siya kapag malaman nilang siya ang nag utos para dukutin ang kaibigan.

Pero natutuwa naman siya nang malaman niyang may amnesia ang kaibigan.

“Sa ngayon, kailangan ko muna maka siguro kung natatandaan ba niya ako.?” Sa isip niya.

Maaga pa lang gising na ang mag asawang aling agnes at mang leandro.

At pagkaraan ng ilang sandali nagising naman ang dalawa na masaya ang kanilang gising, kahit simple lang ang bahay nila. Lalo na dun sila nasanay matulog sa matigas na kawayan..

“Mag almusal na kayo zara mateo.” Ngiting sabi ni aling agnes habang humihigop ng kapeng mainit at may mainit pang pandesal na kakabili lang ni mang leandro sa kanilang kapit bahay na may maliit na grocery. Habang si mang leandro ay nasa bukid at nagtatanim ng mga gulay. Dahil mula ng mawala ang anak, ay dina siya nakapag tanim pero mula ng malaman nilang buhay na buhay pa si zara. Bigla silang nabuhayan ng pag asa. At nagsimula muli sa bagong yugto ng kanilang buhay.

Dahil sanay naman na sila sa buhay na simple lang. Agad naman nagtimpla ng kape si mateo at siya gumawa ng kape para sa asawa.

“Maiba tayo mateo” ani aling agnes na seryosong nakipag usap sa lalaki na labis naman kinabahan ito.
“Ano po iyon inay.”
“Kamusta na pala si veronica. Kasi matagal din na hindi man lang kami nakapag usap nun.”

“Uh! Okey lang naman po! Sabi pa nga niya saakin. Ikumusta ko daw siya sayo!” Ngiting sabi naman niya.

“Natutuwa ako dahil hindi rin niya ako nakalimutan bilang kaibigan niya.”
Matalik na magkaibigan sina agnes at veronica since mga bata pa sila. At alam niyang sobrang bait at mapagmahal na ina at kaibigan si veronica.

“Aling veronica.” Sa isip naman ni zara. Hanggang sa may munting alalang unti unting lumilitaw sa isip nito.

“Zara, halika dito.” Masayang sabi ni aling veronica sa kanya. At nakita niyang may hawak itong singsing na silver.

“Inay, anu po iyon?”
“Akin na ang daliri mo. May ibibigay ako sayo. Ito oh! Simple lang ito. Pero puno ng memory ang singsing na ito. Alam mo bang ang singsing na ito ay bigay ng aking itay saaking inay. Ito iyong wedding ring nila.” Masayang sabi ng ginang habang isinusuot niya ang singsing na iyon sa daliri niya.

Bigla siyang napayakap sa kanya ng mahigpit, dahil batid nitong gusto siya ng ina ng kanyang minamahal na lalaki…

Bigla siyang parang napukaw sa kanyang pag iisip dahil hindi na niya maalala ang kasunod.

“Okey, kalang zara.” Ani mateo ng mapansing biglang natahimik si zara.

“Anak! May naalala kana ba.?” Biglang tanung ng ina.

“O-opo?” Aniya na parang hinahanap pa ng isip nito ang kasunod pero wala na talaga.

...


“Anu?” Sabay sabi ng dalawa, na nabigla din sa tinuran ng babae.
“Si-si aling veronica.” Aniya kahit kasal na sila aling veronica parin ang tawag niya dito. Kahit anung pilit ng ginang na tawagin siyang inay, pero aling veronica parin ang lumalabas sa kanyang bibig.

Kabanata 54

“Naalala ko na- na ma-may ibinigay siya sakin e’ isang singsing.” Bulol bulol niyang sabi.

“Oo” iyon iyong nakita sa bangkay na natagpuang bangkay?”

“Bakit? Sino ang may ari ng bangkay na iyon? At bakit nasa kanya ang singsing mo?” Takang sabi ni mateo.

Bigla naman natakot si aling agnes dahil posible na kakilala din nila ang gumawa sa biglang pagkawala ni zara noon.

“Pero sino?” Ani mateo
“Sa naging karelasyon ni dave noon baka nagalit at kay zara niya iginante?”

“Dave?” Sa isip niya at tuluyan ng parang flash back na biglang may maliwanag na lumitaw sa kanyang gunita. Ang mga araw na magkasama sila ng dating nubyo..

“I miss you so much babe!” Ani dave at tuluyan siyang nagpasakop sa mainit na halik ng binata. At siya naman nilang ikinagulat dahil sa biglang pagdating ni mateo.

“Zara!! Anu ulit ang naalala mo?” Hindi mapakaling tanung ng ina at asawa. Lalo na at biglang tumitig sa mukha ni mateo.

“Ma-mateo” at bigla siyang napatingin sa ina.. At biglang unti unting bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata.

“Oh!my god!!! Nakaka alala kana?” Biglang tanong niya at labis ang kasiyahan sa mukha nito ganun din si aling agnes.

“Anak, salamat sa diyos at ibinalik ka saamin.” Naiiyak na ring sabi ni aling agnes.

“So-sorry? For what happen in the past 5 years mateo.” Biglang nasabi nito sa asawa. Na bigla naman nakuha agad ni mateo ang ibig sabihin nito.

“Sshhh!!! Okey na iyon. Ang mahalaga ang ngayon. At saka di kita masisi din kung bakit mo nagawa iyon.” Aniya habang nakahawak siya sa magkabilang pisngi ng asawa. At hinalikan pa ang mga mapupulang labi nito para paga anin ang nararamdaman nito sa mga sandaling iyon.

“May asawa na iyon, at may anak na.” Ngiting sabi nito.
“Huh? May asawa na siya.
“Oo” mula ng inakala naming patay kana. Bumalik siya ng america at iniwan kay kuya ethan ang lahat ng kanyang mga responsibilidad.”

May kung anung kunting kirot sa puso nito ng malamang may asawa na at anak ang lalaking minahal siya ng labis. Pero mas matimbang parin sa puso nito ang asawang minsan na siyang niloko at sinaktan.

Pero dahil mayron pa siyang pagmamahal dito kaya unti unti siyang nagpatawad…binigyan ng second change..

At gaya ng sinabi ni mateo. Move forward na. Tapos na ang masamang kabanata na iyon. Ang kanilang haharapin sa ngayon ay ang kasalukuyan…

Umalis naman si aling agnes at dali dali niyang pinuntahan ang asawang nasa bukid upang sabihin dito na bumalik na ang dating alala ng anak.

Bigla naman siya napatingin kay mateo.
“Si elane. Nasaan siya?” Bigla niyang tanung. Na nag iba ang timpla nito.

“Sa-sa may-nila. Nauutal niyang sabi dahil nakadama siya ng pagkabigla sa tanung ng asawa. Lalo na at si elane ang sumira sa kanilang relasyon nun.

“Ididimanda ko siya?” Turan nito nabigla naman si mateo.

“Siya ang may gawa nito sakin, ipinadukot niya ako.?” Aniya na namumula na sa galit ang mukha.

Labis naman nabigla si mateo sa narinig mula sa asawa. Di siya makapaniwala na ganun na pala katindi si elane. Para gawin iyon kay zara…—-






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. more pa po ang ganda po ng kwento ☺

Leave a Reply


top