The Lonely Throne Chapter 2


8:30 am

Nakaupo akong muli sa aking trono at pinagmamasdan ang bawat kilos ng mga tao sa busy na kalsada ng Tokyo, Japan, ang Shibuya Crossing. Isang diverse crosswalk dahil sa magkakaibang nationality ng mga dumadaan.
Iniikot ko pakanan ang index finger ko sa kaliwang kamay para baguhin ang pinapakita sa projection nang mapunta nanaman sa lalaking nag-aaral ng Biology 2e.

Pang-anim na beses na na lumalabas sa projection ang lalaking ito. Dahil sa paulit-ulit na pagpapakita sa kaniya ng mahiwagang salamin ay minabuti ko na lamang na obserbahan siyang muli. It looks like nasa kalagitnaan siya ng pagpapakilala. Although pinapakita nakikita at naoobserbahan ko ang mga tao gamit ang salamin ay hindi ko naririnig kung ano ang kanilang mga sinasabi.
_ _ _ _ _

>Kindly introduce yourself class. Name, age, and at least two hobbies.
Nagpapractice na ako sa aking isipan ng mga sasabihin sa pagpapakilala.

_ _ _ _ _

Siguro nagpapractice na ito ng sasabihin niya.
You know what? There’s something interesting sa kaniya.

>Ayiieee. Ikaw ha.
Napalingon ako sa aking kaliwa at nakita si Anna na tinitingnan din ang lalaking nasa projection ng salamin.

“Why aren’t you studying?”
>Wala po prof namin.
“Ah ganun ba?”
>By the way Miss Black. Sino yung nasa projection?
“Oh, no one. Just observing another mortal.”
>Hmmm? Okay, sabi mo eh.

“I’m telling you na random person lang ito.”
“You know what? Magbasa ka nalang ng module mo.”
>Module ulit? Ngi?
“Ah basta, kung gusto mo magshopping kayo ni Rhea.”
>Talaga po?!

Lumiwanag ang mukha niya ng marinig ang mga sinabi ko.
Teka. Did I just get annoyed?

>Wala ng bawian Miss Black ah. Di na kita iistorbohin kay crush mo.
Masaya siyang lumabas sa throne room at isinara ang pinto.
“Kids.”

Bumalik na ako sa pag-oobserba sa binata.
_ _ _ _ _

Isinara ni Anna ang pinto papasok sa palasyo at naglakad pababa sa living room kung nasaan si Rhea at nanonood ng paborito niyang KDrama.

>Ate, ate.
>Oh bakit parang nagmamadali ka yata?
Pagkababa ni Anna ay dumiretso siya sa tabi ni Rhea at nakangiti.

>Oh bakit ganyan ang itsura mo?
>Pumayag si Miss Black na magshopping tayo ngayon.
Tinitigan si Anna ng kaniyang kapatid at nagbigay ng ekspresyon na tila hindi naniniwala sa kaniya.

>Totoo nga. Tapos may isa pa akong nahalata sa kaniya kanina.
Biglang pinatay ni Rhea ang TV gamit ang remote at pagkatapos ay inilapag ito sa coffee table sa harapan niya at humarap kay Anna.

>Kasi kanina habang nasa throne room ako nakita ko siya na tinitingnan yung isang lalaki sa magic mirror.
>Ay akala ko naman may bagong nangyari. Ganun talaga yun pag nag-oobserba at pinag-aaralan ang mga kagaya natin na mortal.
Paliwanag niya sa nakababatang kapatid na may pagkadismaya sa kaniyang mukha.

>May kakaiba dito. Normally diba random ang pagpapakita ng projection sa salamin. It’s like finding the 0.00000001301% of 7.8 billion people here on Earth. [Formula: P% of X is Y] (1.301E-10 x 7,800,000,000 = 1.01478)
>Woah, woah chill. (Rhea)

David: Wow math! (I’m not very good in math, if there are miscalculations please let me know.)

>Alam kong matalino ka pero Anna naman. Wag mo naman pasakitin ulo ko.
>Ayaw mo kasing maniwala sa akin eh.
Nang mga sandaling iyon ay bumaba sa hagdan si Mang Ronald.

>Di ba tay?!
Biglang sigaw ni Anna sa bumababang matanda.

>Oh bakit nanaman?
>Yung magic mirror ni Miss Black is random projection yung normal.
>Bakit? May nangyari ba sa salamin?
>Lah, di mo pala nakita yun.
Ilang sandali lamang ay bumukas ang pinto at pumasok si Aiza.

>Grabe sobrang daming pasyente buong magdamag.
Tinanggal niya ang suot niya sapatos at tsaka umupo sa kanang tabi ni Rhea at pumikit.

>Wag kayo lalapit sa akin. May Covid ako.
Pabirong sabi niya habang nakapikit.

>Ate Aiza. Pumayag si Miss Black na magshopping tayo.
>Iidlip muna ako mga 20 minutes.
Tatanungin sana ni Anna si Aiza kung may nahalata siyang kakaiba sa mahiwagang salamin pero naalala niya na bihira kung pumasok si Aiza sa throne room.
_ _ _ _ _ _

Patuloy lang noon ang pagoobserba ko sa binata. Nalaman ko na ang pangalan niya ay Matthew Carter. Hindi siya gwapo pero hindi din naman siya panget. Masasabi nating average looking guy siya. There’s just something interesting about him and I don’t know what it is.

I watched him with great interest at hindi namalayan ang oras. Dalawang oras ako na nakatitig sa kaniya at kahit na hindi ko naririnig ang kaniyang mga sinasabi ay hindi ako nabobored na pagmasdan ang bawat galaw niya pero not to the extent na hanggang sa toilet ay sinusudan ko siya gamit ang mahiwagang salamin. Ang creepy ko na nga masyado na ini-stalk siya na hindi niya alam eh. Pero may mga sandali na tumitingin siya ng direkta sa akin na tila baa lam niya na may nagmamasid sa kaniya.

Makalipas ang higit 30 minutes at itiniklop niya na ang kaniyang laptop. Pinatay niya na din ang study lamp niya at tsaka nag-inat. Bago siya umalis palabas ng kwarto niya ay tumingin siyang muli direkta sa akin. Higit sa sampung segundo siyang nakatayo at nakatingin sa akin. Matapos nito ay naglakad siya palabas ng pinto.

Naisipan ko ng sandaling iyon...


na maglakad-lakad sa pasilyo ng palasyo. Umaalingawngaw ang mga yapak ng heels ko at naglakad papunta sa paliguan. Doon ay nagbabad ako sa bathtub habang lumulutang ang mga kulay pulang lotus flower.
Matapos maligo at magpalit ng kasuotan ay lumabas ako sa palasyo papunta sa bahay na tinutuluyan nina Mang Ronald.

“Wala pa din sila.”
Naglakad ako pababa sa hagdan at naupo sa malaking sofa.

Napakatahimik ng buong bahay kapag wala silang mag-aama. Habang nakaupo sa sofa ay nakita ko ang remote ng TV sa coffee table. Oo nga pala hindi ko pa alam kung paano binubuksan ang TV. Sa tuwing manonood kasi ako ay sina Rhea, Anna, Aiza at minsan naman ay si Mang Ronald ang nagbubukas nito para sa akin.

“Paano ba ito gamitin?” ang mahinang tanong ko sa aking sarili habang pinapaikot ikot ang remote sa aking palad.
“May pinipindot sila dito eh.”
_ _ _ _ _ _

Nasa loob noon ng SM ang magpapamilya at namimili ng mga magagandang damit.

Habang namimili ng magandang dress si Anna ay nadaanan ng kaniyng mga mata ang isang Black Elegant Formal Dress. Dali-dali niya itong kinuha at dinala kina Rhea at Aiza.

>Ate, ate.
Tawag niya sa dalawa na nakaupo noon malapit sa counter.

>Oh bakit madaling madali ka? (Aiza)
>May nakita kasi ako.
>Ano yun? (Rhea)

Ipinakita niya sa dalawa ang nakita niyang dress na balak niyang ibigay kay Miss Black.

>Charan! Tingin niyo magugustuhan ito ni Miss Black?
>If it’s a dress and its black.
>Then it’s definitely good for Miss Black
Nagtawanan ang magkakapatid dahil sa ginawang rhyming nina Aiza at Rhea.

>Oh siya sige babayaran ko na pala ito sa may counter. Brb. (Anna)
Pagtapos niyang sabihin ito ay naglahad na siya papunta sa may counter.

Nang matapos na mamili ang magkakapatid ay bumalik na sila sa puting Honda CR-V na minamaneho ng kanilang itay. Nang buksan nila ang pinto ng kotse ay nagulat si Mang Ronald.

>Grabe naman. Napakarami ng pinamili nyo.
>Syempre tay. Minsan lang kami payagan ni Miss Black na magshopping eh.
‘Para siyang strikto na Tita.’ Bulong ni Anna.
>Bakit ka bumubulong Anna? (Aiza)
>Di ba nakakapag teleport siya. Baka kasi biglang lumitaw sa likod nyo si Miss Black mahirap na.

>Oh siya pumasok na kayo sa kotse at ng makauwi na tayo. (Mang Ronald)
Nang makapasok na sila ay inilabas ni Anna ang kaniyang phone at tinext si Miss Black.

Left front seat: Mang Ronald
Right front seat: Rhea
Left back seat: Aiza
Right back seat: Anna

Napakalakas ng buhos ng ulan ng mga oras na iyon dahil sa namumuong sama ng panahon at madula ang daan kaya naman nagging madulas ang kalsada at halos mag zero visibility ang paligid.

Habang nasa byahe ay nakaidlip ang tatlo dahil sa pagod habang si Mang Ronald naman ay alalay lamang ang pagpapatakbo sa sasakyan para makaiwas sa disgrasya. Huminto siya pagdating sa isang intersection dahil sa kulay pula ang stop light. Tiningnan niya ang oras sa kaniyang relo na nasa kanang kamay at nakita na pasado alas tres(3) na ng hapon.
Mayroon pang tatlumpung segundo(30 seconds) bago bumaba sa green ang stop light at napaisip siya tungkol sa pagreretiro niya.

>Kailangan makahanap ako ng papalit sa akin na caretaker. Yung mapagkakatiwalaan.
Bumaba na sa green ang ilaw at dahan dahan niyang inabante ang kotse. Palagpas na sila noon sa intersection nang biglang mahagip ng napakabilis na pulang trailer truck ang sinasakyan ng mag-aama.
_ _ _ _ _ _
Hindi ko padin alam kung papaano buksan ang TV kaya naman inilapag ko nalang ulit ang remote sa coffee table at naglakad palapit sa bintana sa likuran ng sofa.

“Aantayin ko nalang sina Mang Ronald na makauwi.”

Napakalakas ng buhos ng ulan ngayong hapon. Ano naman kaya ang iluluto ni Rhea mamaya? Kahit ano pa yun siguradong masarap yun.
_ _ _ _ _

Maririnig ang ingay na ginagawa ng siren ng ambulansya at sasakyan ng mga pulis. Sinusubukan naman noong iangat ng mga rescuers ang pulang trailer truck at ialis sa lugar nito dahil sa pumailalim dito ang kalahati ng Honda CR-V. Naghalo na noon sa tubig baha ang gasolina ng sasakyan at ang dugo ng mga biktima.

Yakap yakap noon ng duguan at wala ng buhay na si Anna ang shopping bag na naglalaman ng damit na ibibigay sana niya kay Miss Black.

Anna Conception
Age: 21
Cause of Death: (Traumatic Brain Injuries) TBI
[Estimated Time of Death: 3:30 pm]

Aiza Conception
Age: 29
Cause of Death: TBI, Broken Ribs
[Estimated Time of Death: 3:30 pm]

Rhea Conception
Age: 23
Cause of Death: Crushed by the weight of the trailer truck
[Estimated Time of Death: 3:30 pm]

Ronald Dean Conception
Age: 50
Cause of Death: Crushed by the weight of the trailer truck
[Estimated Time of Death: 3:28 pm]
_ _ _ _ _ _

Nag-antay ako noon sa pag-uwi nilang apat at inisip na baka na traffic lamang sila. Tiningnan ko ang aking phone at nakita na may message na sinend si Anna.

[Miss B. May sorpresa kami para sayo. Baka masuot mo din ito kapag nahanap mo na yung one true love mo. See you later.]

They’ll be back.

⸀They never came back.⸥

To be continued…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top