“Wala akong matinong tulog magdamag kaiisip kong anong problema ni Nico”!
Pagmulat ko ng aking mata mukha ni Ally agad ang aking nakita babe!?
Buti naman gising ka na lasing na lasing ka kagabi may problema ka ba? babe!
hindi ako makatingin ng deretso kay Ally nagiguilty ako wala nakita ko yong old friend ko kahapon nag-aya uminom sorry honey!!
Ok lang sa susunod tumawag ka ha! babae ba yong kaibigan mo?
Hindi babe lalaki..
lalaki? pero amoy pabango ng babae ang damit ni Nico amoy cherry sa bandang kuwelyo.. ok tumayo ka na ng makakain kagabi pa ako gutom hindi na ako nakakain kahihintay sayo!
Sa susunod babe wag mo na akong hintayin mauna ka ng kumain nilapitan ko si Ally at niyakap..tara sa kusina ako maghahanda ng breakfast natin..
Maupo ka lang babe at panuorin mo akong magluto! Ininit ko ang niluto ni Ally kagabi sinangag ko ang kanin nagprito ako ng itlog at tapa..pinaghain ako si Ally nagprepared ako ng paborito niyang green tea..kain na tayo babe!
Pinagmamasdan ko si Nico habang nakangiti parang may bago hindi ko makita yong kislap ng kanyang mata na nakikita ko dati tuwing titingnan niya ako..nakangiti ang labi niya pero—
Aaahhh open your mouth babe! ganito na ba ako kagwapo? nakatulala ka na sa akin??
Tipid akong ngumiti..gwapo ka naman talaga! papasok...