My_love_is_a_killer_and_rapist Chapter_12


Nasa tambayan sila mon,ken at ryan nang biglang dumating si romel,kasama ang kapatid niyang galing sa US.
Si Lesley at kasama din nila ang isa nilang pinsan na babae.
Si Romel at Lesley ay kababata ni mon,noong nasa manila pa sila nakatira,kaso lumipat sila nang bigla mawala sa katinuan ang mommy ni mon.
Mon… bungad agad na sigaw ni Lesley nang sa may pintuan pa ito,kasunod naman ng lakad ang kapatid nitong si Romel at ang pinsan.
Sabay lumingon ang tatlo kung sinong babae ang tumawag sa pangalan ni mon,na animo’y nang aakit na agad.
Pagkalapit pa lang ni Lesley ay agad humawak ito sa braso ni mon,at idinikit ang mala papayang dibdib..
Oh bakit kayo nandito,tanung ni mon at pilit kinukuha ang kamay ni Lesley na nka pulupot sa kanya.
Namimiss ka daw ni Lesley sabat agad ni Romel na nka ngiti.
Bakit mon,hindi mo ba ako namimiss,habang hinahawakan ang mukha ni mon.
Pilit naman niya itong iniiwas.
Bakit nandito lang kayo sa tambayan niyo,ayaw mo bang uminom kasama ako mon,sabi ni lesley habang ang daliri nito’y hinihipo sa dibdib ni mon.
Wala akong ganang gumala ngayon,sabat ni mon at tinalikuran si Lesley..
Edi paganahin natin gabi mo mon,at biglang yumakap kay mon.
Agad naman kinuha ni mon ang kamay nito sa pagkakayakap.
Sige na mon,tara lets drink treat ko yaya ni Romel.
Mabilis naman tumayo ang dalawa na si Ken At Ryan..
Libre pala ei,mabilis kami diyan,sabi ni ken habang tumatawa..
Oo tara na mon,sayang libre minsan lang to,sabat naman ni Ryan.
Wag mo munang isipin yun si Thaliyah,lets drink and enjoy tonight..
Who’s Thaliyah,agad nman na tanung ni Lesley nang marinig ang pangalan ni thaliyah.
Ang babaeng nagpatibok nang puso ni mon,at nagpalungkot sa kanya ngayon,sabi ni ken na tumatawa.
Bakit mas maganda ba sakin yun,agad naman na tanung ni Lesley.
Mas maganda ka kung treat mo ngayong gabi ang alak,..hahaha
Napapayag din nila si mon,paalis na sana sila nang tambayan nang biglang dumating ang daddy ni mon..
Nagulat si mon sa pagpasok bigla nang kanyang daddy dahil di naman nagpupunta sa tambayan nila.
Dad,bakit kayo nandito tanung agad ni mon.
Pagkakita niya sa Daddy niya.
Hindi pa nakapag salita Daddy nya nang magsalita na si Lesley..
Hi tito naa..
Hindi na natuloy ang sasabihin ni Lesley dahil itinulak agad ni mon si lesley palabas nang tambayan.
Tol..hintayin niyo na lang ako sa labas,utos ni mon sa mga kaibigan niya.
Bakit di kaba pwede dalawin,at kilalanin mga kaibigan mo sabi nang daddy ni mon.
Umuwi na kayo dad,may pupuntahan kami..
Paalis na sana si mon nang biglang magsalita pa ang daddy niya.
Nag painit nang ulo niya.
Kamuzta pala si thaliyah,ngiting tanung nang daddy niya.
Dad,wag na wag mong pakikialaman si thaliyah,kung ayaw mong..
Hindi natuloy ang sasabihin ni mon nag magsalita ulit ang daddy niya.
Di mo ba namimiss mommy,mo ayaw mo ba siyang makita ngiting tanung nito sa kanya.
Na nagpalungkot kay mon,ang totoo miss na miss na niya mommy niya at gustong gusto na niya makita,pero alam niyang lagi na lang siya pinapaasa nang daddy niya,dahil lagi itong may kapalit.
Pagod na kung maniwala sa mga sinasabi mo,sabi ni mon sa daddy niya at lumabas na sa tambayan at iniwan ang daddy niya.
Habang si Thaliyah,naman ay nagsimula na ang pagiging waitress niya,maraming nagyaya na itable siya,dahil nagandahan sa kanya pero mabilis naman tumatanggi si Aling Georgia.
Nang biglang may dumating na customer na kilalang kilala na ni Aling Georgia..
John,sigaw agad ni Aling Georgia nang makita itong pumasok kasama mga barkada nito.
At napansin agad ni John si thaliyah na bago lang ito..
Bago lang yan...


dito,tanung ni John habang itinuturo si Thaliyah.
Oo waitress lang yan siya dito agad namang sabat ni Aling Georgia.
Paupuin mo dito sa tabi ko.
Ganda pre,sabi nang isang kasama ni john.
Agad naman tinawag ni Aling Georgia si Thaliyah..
Thaliyah may gusto kang itable,wag kang mag alala kilala ko na yan,gusto lang niya yan may katabing babae na kausap.
Pero hindi yan bastos,malaki pa magbigay nang tip yan..
Kaya napapayag na lang si thaliyah.
Tama nga si Aling Georgia gusto lang nito may kakwentuhan..
Nang laking gulat ni thaliyah nang pumasok si mon,kasama mga kaibigan niya.
Nagulat din si mon nang makita si thaliyah,na nakaupo sa tabi nang lalaki..
Thaliyah,bakit ka nandito tanung agad ni mon.
Hindi pa nakasagot si thaliyah nang lumapit naman agad kay mon,si Lesley.
Mon,siya ba yung si thaliyah habang hinahawakan braso niya.
Di ko akalain mon,nagkakagusto ka din pala sa mga babaeng nagtratrabaho nang ganito,sabi ni lesley habang tumitingin pababa pataas kay thaliyah.
Nang bigla din magsalita si John.
Bakit mon,gusto mo lang ba na ikaw lang ka table niya.
Na ikinagulat ni Thaliyah.
Magkakilala pala si mon at John,hindi lang magkakilala kundi magka away pa nung nasa san beda pa nag aaral si mon,at kalaban niya lagi si John sa basketball.
Biglang inakbayan ni John si thaliyah.
Sorry ka mon,nauna na kong itable,siya habang tumatawa..
Nag biglang hinablot ni mon,kamay ko palabas nang Bar.
Ano ba mon,bitawan mo kamay ko.
Ayaw mo tanggapin tulong ko pero nagtratrabaho ka dito.
Anong masama kung nagtratrabaho ako dito,wala naman akong ginagawang masama.
Thaliyah naririnig mo ba sinasabi mo,pag nagtratrabaho ka dito kahit sinong lalaki pwede kang bastusin..
Wala lang ba ako sayo,kaya hindi mo kayang tanggapin ang tulong ko..
Mahal kita thaliyah kaya ginagawa ko to..
Hindi ko kayang tanggapin ang pera ni Agatha.
Anong sinasabi mo,anong pera ni Agatha pera ko lang to ang itutulong ko sayo..
Tingin mo ba pag gumaling si Emma at pag nalaman niyang nagtratrabaho ka dito dahil sa kanya sasaya siya..
Thaliyah mahal mo ba ako pakiusap umuwi na tayo..
Kaya kong umuwi mag isa,samahan mo na lang yung babaeng nasa loob, at mabilis na kong umalis iniwan si mon.
Thaliyahh..thaliyah rinig kong tawag ni mon,sakin pero di ko yun pinansin pinagpatuloy ko lang lakad pauwi dahil ayoko rin bumalik sa loob na andun lahat ng kilala ni mon.
Habang naglalakad si thaliyah nakita naman sya sa daan ni mang rick ang inutusan ni Agatha.
Yan ba yung babaeng yan ang tinuro ni maam,agatha bakit wala na siya doon sa loob ei papunta pa lang ako dun.
Kaya sinundan na lamang ni mang rick si thaliyah.
Nang mapansin kong may sumusunod sakin ay binilisan ko ang lakad ko,at napansin ko din na binilisan niya din lakad niya.
Kaya tumakbo na lamang ako,mabuti na lang ang suot ko nung papunta nang bar ay ganun parin ang suot ko habang nag wawaitress,nka pants lang ako at off shoulder na long sleeve na bulaklakin.
Kaya hindi ako nahirapan tumakbo.
Tumakbo din ang matanda,kaya inikot ikot ko siya sa isang gusali habang tumatakbo.
Napansin ko pag hihinto ako para tingnan siya at magpahinga muna,humihinto din ito sa di kalayuan at magpahinga din.
Hanggang sa may nakita akong maliit na iskinita naupo ako doon at nagtago kita ko ang matanda na huminto at palingon lingon,bago umalis.
Habang nakayuko ako ay napaiyak ako dahil sa kabang nadarama,sana nakinig na lang ako kay mon at sabay kami umuwi,.
Pero hindi ko pinagsisihan ang pagpasok ko dun,dahil kahit papano makadagdag ito sa nalikom kung pera.
Nang may naramdaman akong humawak sa ulo ko na nagpakaba ulit sa akin…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top