PRINCESS KASUMI CHAPTER 1


PRINCESS KASUMI(The Warrior)
Author:Roselle Prias
Genre:Fantasy/Action/Comedy
CHAPTER 1
Si Princess Kasumi ay anak nina Queen Ayane at King Halseyo na nakatira sa mundo ng Asahi ang mundo kung saan naninirahan ang mga taong mandirigma o warriors likas sa mga kalalakihan ang pagiging matapang at paggamit ng kagamitang pandigma.Tanging mga kalalakihan lamang ang pinahihintulutang magsanay ng pagkikipagdigma sapagkat mas malakas sila kaysa sa mga babae.Si Princess Kasumi ay isa sa mga kababaihang naglakas loob na sumali sa pagsasanay bata palang sya ay likas na sa kanya ang paghawak ng mga sandata,ayaw sanang payagan ng ama si Kasumi ngunit mapilit ito walang magawa ang ama kundi sundin ang nais nito.Itinalaga rin si Princess Kasumi bilang pinuno ng mga manghihimagsik.Isa sa masidhing dahilan ng pagsasanay nya ay ang kanyang kapatid na pinangalanang nilang Princess Kashimi na tinangay ng kalaban nila mula sa kaharian ng Yamashi at dinala sa mundo ng mga tao.Ang mundo ng Asahi ay binubuo ng tatlong kaharian/kingdoms ito ay ang Yamashi na pinananahanan ng mga may itim na kapangyarihan,Yamoshi kaharian nila at ang Yameshi kaharian ng kapanalig nila,hindi magkasundo ang tatlong kaharian sapagkat tutol ang mga taga Yamoshi at Yameshi sa sa batas na pinapairal nila.Hanggang ngayon ay ito parin ang naging suliranin nila ang hindi pagkakasundo at ang pagkawala ng anak ng hari.
“Magpadala kayo ng mga mandirigma doon sa mundo ng mga tao at ipahanap ang anak kong nawawala!”sabi ni haring Halseyo na waring alalang alala.Matagal na taon na ang nakakalipas ng tangayin ang anak nito 10 taon palamang si Kasumi ng matangay ang kapatid at nayo’y 20 taon na ito samantalang ang kapatid nman nito ay 5 taon palamang nasisiguro ng hari na malakina ngayon si Kashimi siguro nasa 15 taong gulang na ngayon.Palaging nagpapadala ng mga mandirigma ang haring Halseyo at palagi naman itong nabibigo ang iba sa mga mandirigma ay hindi na nakabalik.
“Ama saan sila patutungo?!”takang tanong ni Princess Kasumi na kakalabas lamang mula sa kanyang silid.
“Ipapadala ko sila sa mundo ng mga tao upang hanapin ang nawawala mong kapatid”
“Ngunit ama ilang ulit nyo na itong ginagawa at ilang ulit narin kayong nabibigo”
“Hindi parin ako nawawalan ng pag asa umaasa parin akong matagagpuan natin ang iyong kapatid”
“Tama po kayo ama dapat hindi tayo mawawalan ng pag asa.Kong inyong mamarapatin ama nais ko pong ako mismo ang hahanap sa kapatid ko!”
“Anak hindi maari sapagkat gawain lamang iyon ng mga mandirigmang lalaki ang gawain ng isang Prinsesa ay mangalaga ng kaharian at hindi para maglakbay”
“Ama!mandirigma rin ako,ako ang pinuno nila kaya marapat lamang na ako ang magtutungo sa mundo ng mga tao upang hanapin ang aking kapatid”
“Ngunit mapapahamak kalang!hindi basta...


basta ang susuungin mong ito!Paano kong mapahamak ka?o hindi kana makabalik dito,hindi ko makakayanang mawalan uli ng anak!”payo ng hari dito.
“Tama ang iyong ama Kasumi,mapapahamak ka lamang kaya’t ipaubaya mo nalang ito sa mga mandirigma ng Yamoshi”payo naman ng ina nito ngunit sadyang matigas ang ulo ni Kasumi hindi nya ito pinakinggan.
“Ina,ama hindi ko maatim na manatili na lamang rito na walang ginagawa upang mahanap ang kapatid ko!kung naduduwag kayo pwes ako hindi!”akmang aalis na sana ang prinsesa ng pigilin itong ama.
“Kong hindi kana talaga magpapaawat,ipinapaubaya ko na ang paghahanap sa kapatid mo”sabi ng hari na ikinatuwa naman ng prinsesa.
“Maraming salamat ama!”sabay yakap.
“Ngunit ipapangako mong iingaan mo ang sarili mo,ayokong may mangyare sayong masama”giit nman ng inag reyna.
“Ipinapangako ko po iyon ina,ama at sa pagbabalik ko sisiguraduhin kong kasama ko na ang kapatid ko at ang mga maykasalanan sa pagtanagay ng kapatid ko nang mahatulan na ng kaparusahan!”
“Anak isasama ko sa yong paglalakbay si Hayate na syang magiging gabay mo”ani hari sabay turo kay Hayate na isang matapang at magiting na mandirigma at matalik na kaibigan ni Princess Kasumi.
“Ama hindi ko naman kinakailangan ng isang tulad nya sa paglalakbay ko!kaya ko sarili ko!”
“Sa inaakaala mo ba’y papayagan kitang umalis ng nag iisa?!”
“Tama ang iyong ama Kasumi mas mainam kong may makakasama ka sa iyong paglalakbay lalo na’t hindi mo pa kabisado ang mundong mga tao,maaring maligaw ka”payo naman ng ina na tila sunudsunuran lang sa kanyang ama.
“Ngunit ama sino ang mamumuno sa mga kalalakihang mandirigma kong sasama si Hayate sa akin,sya lamang ang pinagkakatiwalaan kong magiging halili sakin”
“Kong gayon sino ang isasama mo sa iyong paglalakbay?!”tanong ng ama.
“Si Ashiri sya ang nais kong isama ama!”
“Po?!your highness bakit po ako?hindi ko po kayang ipagtanggol kayo.Ni hindi ko nga po mapagtanggol ang sarili ko”
“Tama si Ashiri hindi ka nya kayang ipagtanggol sapagkat sya lamang ay isang ordinaryong babae”saad ng ama.
“Ama matalik kong kaibigan si Ashiri at pinagkakatiwalaan ko sya,naturuan ko rin nman po sya kong paano makipaglaban tiyak akong magagawa nyang iligtas ang sarili nya at magagawa nyang iligtas ako kong kinakailangan”
“Your highness dyos ko po!hindi ko po kayo kayang pangalagaan!”tangi nito.
“Kaya mo yan kong gugustuhin mo at kong mayhalaga pa ako sayo…diba sabi mo sakin matapang ka?!”
“Oo…pero your highness kinakabahan ako eh!hindi ko talag kaya!”
“Kong ayaw mo edi mag isa nalang akong maglalakbay”biro ng prinsesa dito.
“Oh sige nanga!Kong iyon ang gusto nyo”.
“Sabi ko na nga ba’t hindi mo ako matitiis eh”sabay ngiti.
“Syempre nman alangang hayaan ko lang ang mahal na prinsesa ko”
“Pano ama alis na kami”pagpapaalam nito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top