REMIND ME THE LOVE♠ Kabanata 1


REMIND ME THE LOVE♠
Kabanata 1
“JD,make up your mind!!” wika ni Calvin.
“Kung anuman ang nangyari sa iyo sa nakaraan mong misyon,bahagi lang iyon ng–”
“I know.Pero ang hirap kalimutan ng lahat lalo pa at may naiwang mapait na alaala sa akin ang mga naranasan kong pahirap sa mga kalaban.”
Napabuntong-hininga na lang mula sa kabilang linya ang lalaki.
“Okay-okay,wala na akong sinabi.So,anong plano mo?Ayaw mo pa ba talagang humawak ng kaso?”
“Just give me some more time,Kuya Calvin.”
“Okay,sinabi mo eh.Anyway,tumatawag din sa akin ang mama mo,itinatanong kung kailan ka raw ba uuwi sa San Joaquin?”
Bahagyang natigilan si John Daven.
Oo nga pala,may isang taon na rin siyang hindi nakakauwi sa ancestral home nila sa San Joaquin.. At ang huling pagkakataon na nakita niya ang Ina at ama noong nasa Ospital siya..six months ago..noong narescue siya ng mga kasamahan mula sa pagpapahirap ng mga kalaban sa isang warehouse.
“Ah,maybe next month..” sagot niya sa kuya Calvin niya
“JD–”
“Kuya Calvin please?I’m not yet ready to see her..now.Alam ko naman na kapag nagkita kami ay iiyakan na naman niya ako.And I don’t want to see her cry.Mas...


nahihirapan ang kalooban ko na makitang umiiyak si Mama..”
Muling napabuntong-hininga si Calvin.
“All right,I understand.Pero sana naman,next month ay makauwi ka na..”
“Okay.”
“Anyway,kumusta ka naman?Nasaan ka ba?”
“Well,nasa isang Island beach resort.”
“O,baka naman umiiral diyan ang pagiging hot-tempered mo ha?I know you,mula nang mangyari iyon,lagi ka nang napapa-trouble dahil sa napakabilis uminit ng ulo mo..”
“Don’t worry,I try to relax myself. Dito sa Island beach resort na kinaroroonan ko ay walang masyadong hassle kaya kahit na paano ay wala akong makakasalamuha na magpapainit ng ulo ko.Saka nagyoga-yoga ako kahit paano ay panatag ang isip ko.”
“That’s good.You’re only twenty-two,anuman ang nangyari,hindi mo dapat ilugso ang sarili mo sa depression.”
”I know that,huwag kang mag-alala,makababawi rin ako.”
“I hope so.Anyway,mag-iingat ka palagi JD.”
“I will Kuya Calvin.Huwag mo na lang akong intindihin..”
“Okay,sinabi mo eh.”
Doon natapos ang kanilang pag-uusap nilang magpinsan.
Pabuntong-hininga na nilapag ni John Daven sa side-table ang cellphone niya at nagtungo sa shower room.
May hang-over pa siya at lulunurin niya sa tubig ang sarili.Then,nagbreakfast siya sa restaurant na nasa ibaba ng hotel at mamaya maglakad-lakad siya sa beach para makapag-isip ng tama.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top