Scary Neighbor


Scary Neighbor
GENRE: Action, Rom-Com
AUTHOR: acyuri
Sorry medyo cringe yung title HAHA. And sa chapter 1 pa po yung pov ng bidang babae.
PROLOGUE

So, yeah. I’m here in my house with my friends. Kakauwi ko lang galing America and this idiots were excited to see me, kung hindi ko lang alam na gusto lang nila makita ang pinaka gwapo nilang kaibigan. Tsk tsk tsk.
Okay, medyo mahangin. Btw, I’m Justine Charles Monterverde. 19 years old. Gwapo, mayaman, kinababaliwan ng lahat ng babae. Hindi sa nagyayabang pero baka isang araw bigla nalang may manghila dyan at reypin ako.
Baka nga bakla pa yon– eww! Bigla akong nandiri sa mga pumapasok sa kokote ko.
“Hoy! Anong pagmumukha ba yan mukhang natatae. Punyeta ka Justine kung natatae ka pumunta ka sa Cr wag mo pigilan– Aray!” Binatukan ko siya ng pagkalakas lakas. Gago talaga tong si Jake.
Eto nga pala si Jake. Ang pinaka makulet, maingay, at walang preno ang bunganga. Siya ang pinaka bata sa aming limang magkakaibigan.
“Ano ba kasing nasa utak mo at Ang panget ng itsura mo?” Seryosong tanong naman ni Sebastian.
Ang panganay sa amin. Tumatayong tatay, kuya, at kaibigan namin. Siya ang pinaka mature kase siya ang panganay. Tahimik, misteryoso, masungit, at mahilig magbasa ng mga libro.
Agad akong umangal sa sinabe niya. “Ako? Panget? Hahaha! Alam ko naman na naiinggit ka sa kagwapuhan ko kase mas gwapo ako sayo.” Puno ng yabang na saad ko.
Napailing nalang sila habang nakangisi. Wala pala sila e! Alam ko naman na sa pagwapuhan hindi nila ako matatalo.
“Oo na ikaw na ang pinaka gwapo sa ating lima. E bakit hanggang ngayon wala ka pang girlfriend? Nako, wag mo sabihing….” Naghihinala na tinitigan ako ni Josh. Sinamaan ko siya ng tingin.
This is Joshua Anderson. Ang playboy sa amin. Pinaka maloko. Hindi mabubuhay ng walang naikakamang babae. Hindi niya kasalanan, mga babae na ang pumupunta sa kaniya para makipagsex, pinagbibigyan niya lang.
“Asshole! I’m not a gay, idiot!” Inis kong sabi kaya nagsitawanan silang apat– tatlo? Wait.
“Wait. Where’s Jansel?” Tanong ko sakanila kaya agad silang napatigil sa pagtawa. Dahan dahan na nagkatinginan kaming lima.
“Patay!” Sabay sabay naming bulong sabay takbo sa labas. Wala siya don kaya hinanap namin siya hanggang sa kalsada. Puta! Panong mapupunta yon sa kalsada? Utak naman Justine. Tsk.
Napagpasyahan naming bumalik nalang sa...


bahay ko at duon hanapin si Jansen at–
“Found you! What the hell are you doing here you idiot! Fuck you! You’re just eating here at my kitchen while we were struggling to find you?!! I almost lost!!” Galit na sigaw ko sakaniya.
Lumapit ang tatlo sa kaniya at sinugod ng malalakas na batok. Pati ako nakibatok na rin. Serves you right, bro!
“Hey! Ano ba! Ang sakit tangina gago ba kayo? Putangina ano bang pinagsasabi mo dyan ha? Wag kang magenglish ulol wala ka sa Amerika nasa Pilipinas ka na!”
Kung ipagkukumpara si Joshua at Jansel ay si Jansel ang mas maloko. Si Joshua medyo matino pa ngunit si Jansel naman ay wala na sa katinuan. Kung magmura napakalutong. Sa aming lima ay siya naman ang pinaka matapang at palaban. Mahilig sa gulo. Kaya lumabas kami para hanapin siya ay akala namin nakikipag-away nanaman siya yun pala kumakain lang.
“Ang sabihin mo hindi mo lang naintindihan yung sinabi ko.” Saad ko atsaka umakyat na sa taas.
Kailangan ko pang ayusin ang mga gamit ko. Tomorrow is my another day. Tsk! Malamang, Justine. Sinabunutan ko ang sarili at nilinis na ang kwarto. Hindi namalayang nakatulog na pala ako.

Tik tok tik tok tik tok
Fck fck fck!
Ginalaw ko ang braso at inabot ang alarm clock ko. Hindi sinasadyang natamaan ko ‘yon kaya nahulog at tumigil na sa pagtunog. Istorbo!
Padabog akong bumangon nang sumilay ang araw sa gwapo kong mukha. Arghh! Paano nagkaron ng bintana dito?
Stupid self.
Bababa na sana ako nang makarinig ako ng busina ng kotse sa labas. Agad akong sumilip sa bintana. Wait. Anong ginagawa ng kotse ng pulis dito? Maybe we’re neighbors? Mas okay na yon para safe. Mukha kasing hindi mapagkakatiwalaan ang itsura ng lugar na toh. So creepy. Itsura palang ng mga tao.
May nakita pa akong babaeng lumabas duon sa sasakyan. Saktong paglabas niya ay agad siyang nag-angat ng tingin dahilan para manigas ako. (Wag kayong green)
Pero bakit nakatingin siya sa akin?? I mean, b-bakit ganyan ang t-tingin n-niya sakin? A-Ang s-sama a-at parang k-kakainin n-na ako ng b-buhay.
Nagsitayuan ang balahibo ko sa sunod niyang ginawa. S-she devilishly smirked while looking at me. S-she’s scary..

Hi! So this is the prologue po! Sana magustuhan niyo and paki-correct na din po yung mga wrong grammars hehe. Thanks for reading!
___acyuri___






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top