Sky lovers Part one


Admin pa aprove
Nakatingin ako ngayon sa may bintana ng bahay namin dahil dumaan yung crush kong anak ni kapitana. Sya si Raymond Olvidar at oo anak sya ng barangay captain dito sa barangay namin.
Dati kaming mag bestfriend nung Elementary palang sya pero nung nag highschool na sya nawala na. Di kami nag uusap, walang pansinan, at walang pakelam sa isa’t isa.
Naalala ko pa dati tuwing uwian, sabay kaming nag lalakad at hindi sya aalis hangga’t di ako kasama. Mag kasabay rin kaming pumasok sa school dahil yung bahay namin ay nadadaanan lang niya.
Ang hirap din isipin na dati close kami tapos ngayon wala na, as in wala na talaga.
“Hooyy Donita matutunaw si Monmon nyan.” Sigaw ni Jelai na kakapasok lang sa kwarto ko.
“Bakit ice cream ba sya ha?” Pabalang kong tanong.
“Tsk. Malabong maging kayo. Di kayo bagay. Tsaka balita ko may bagong jowa yun.”
“Muka ba akong may pake?” Myghad it hurts me so much. Kahit alam kong normal lang talaga na magka jowa sya pero gusto ko ako lang. Kahit na medyo imposible.
“Oo muka kang affected.” pang aasar nya pa. Babatuhin ko sana sya ng unan pero bigla syang tumakbo palabas. Bahala sila sa buhay nila basta ako mag babasa ako ng Wattpad.
“Madaaamm.”Sigaw ni Dhanna sa labas. Kapatid ko si Dhanna bunso sya at hindi nya ako tinatawag ng ate dahil madam ang tawag nya sakin. Isa...


pa si Jelai panganay din ako sa kanya at dahil walang galang sya, Donita lang ang tawag nya saken.
“Ano ba? Sigaw ka ng sigaw dyan.”
“Tanga may bisita ka,” sigaw ni Jelai mula sa labas.
“Sino?”tanong ko.
” Si Ramond,” sabay na sigaw ni Dhanna at Jelai.
Bigla akong napatayo mula sa pag kakahiga at mabilis na nagets ng utak ko na hindi naman totoo yun dahil never yung mang yayari.
“Mamatay na sana mga sinungaling sa paligid,” pag paparinig ko sa kanilang dalawa habang papunta sa may sofa.
“Irish,” masayang bati ko kay Irish at kasama nya si Clare Ann.
“May invitation kami sayo,” masayang wika ni Irish.
“Para saan?”curious na tanong ko.
“Para sa kasal ni Monmon,” singit ni Jelai sa usapan at nag tawanan na silang lahat.
“Bawal epal sa mundo,” naiinis na binato ko ng unan ang pinaka maingay kong pinsan.
“Kasali ka daw sa debut ni Clare Ann, at ka partner mo daw si Ramond,” masayang wika ni Irish.
“Bakit si Ramond pa?” Naiinis na tanong ko kahit mejo kinikilig ako at nahihiya.
“Ikaw ba namili? Ang arte arte mo pa.” Singit na naman ni Jelai.
“Jelai ang ingay mo,”naiinis na sabi ko.
“Osige pupunta ako, salamat sa pag invite,” paalam ko bago sila umalis.
Mejo kinikilig ako na kinakabahan pero laban lang alaxan. Atleast kahit papaano maging partner kami, kahit hindi sa future.
To be continued
Admin pa aprove pls..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top