Isang malaking back pack ang ‘hinagis ni Hace sa harapan ko.
Nagtataka man ay pinulot ko iyon at dahan-dahang napatingin sa kan’ya.
Akmang magtatanung ako nang magsalita siya.
“We need to go somewhere.
Yung tayong dalawa lang.”
Ma awtoridad na sabi niya na mas lalong nagpalalim ng gitla sa noo ko.
“A-anung ibig mong sabihin H-hace?”
Kinakabahan ako sa nakikitang ngiti sa labi niya.
Ngiti na para bang may pinaplano siya.
“Hindi mo ba ako narinig? O nagbibingi-bingihan kalang?!
Sabi ko may pupuntahan tayo! Kaya iligpit mo ‘yung mga damit na dadalhin ko tanga!”
Napaurong ako.
Ayan na naman siya.
Lumalabas na naman ang mga sungay niya.
Pero hindi ka dapat matinag Yna.
Hayaan mong isipin niyang hindi ka takot masaktan ulit.
Kinakabahan man ay pinilit kong ngumiti.
“Saan tayo pupunta?”
Nakangiting tanong ko.
Halatang nagtaka siya sa ngiting nakikita sa mukha ko.
“Don’t bother to ask. Coz I wont tell you, idiot.”
Nakaawang ang labi na sinundan ko siya ng tingin habang papalabas ng kwarto niya.
‘Haysss, parang di kapa sanay sa mahal mo Yna. Hilig talaga ‘nun ang murahin ka.’
Ani ng isip ko pagkuwa’y sinimulan na ang pinapagawa ng mahal kong prinsipe.
‘San na naman kaya niya ako dadalhin?
‘Wag niyang sabihin na,
Na,
Is,
Is he going to,
To,
KILL ME?
Natutop ko ng kaliwang kamay ko ang bibig ko sa isiping ‘yun pagkuwa’y napalunok.
Nang napalunok,
At napalunok.
He has all the chance para gawin ‘yun.
Because he bought me.
My parents sold me to him.
My adopted parents.
Para lang sa kalayaan ni kuya Martyl.
I’m all his.
His slave, his toy.
Napahikbi ako sa isiping ‘yun.
Sunod-sunod na nangilid ang luha sa magkabilang pisngi ko.
Nang biglang bumukas ang pinto ng k’warto at pumasok si Hace.
Dali-dali kong isinara ang zipper ng backpack na ngayon ay puno na ng mga gamit niya at pagkuwa’y pasimpleng pinahid ang luha sa pisngi at nakangiting humarap sa kan’ya.
“Tapos na.”
Masiglang turan ko na malapad na nakangiti.
Isang matalim na sulyap lamang ang iginanti niya sa’kin na kung nakakasugat lang ay kanina pa nahati ang katawan ko.
How I wish na kaya ko siyang pangitiin.
Bahagya akong naupo sa dulo ng kama niya nang bigla niya akong hablutin ng napakalakas dahilan upang muntikan na akong mapasubsob.
“Sinu nagsabi sayo na p’wede kang umupo sa kama ko?!”
“Sorry na po.”
Tanging nasambit ko.
Pinakaayaw niya sa lahat ay mapadikit ako sa kahit na anung personal na gamit niya.
Gaya nalang ng minsang dali-dali akong pumasok sa sasakyan niya at naupo sa frontseat.
Hindi lang hablot ang inabot ko sa kan’ya ‘nun.
Kundi isang matinding sampal na halos umikot ang ulo ko pabalik.
“Wala kang karapatan para umupo diyan! Para lang ‘yan sa babaeng mahal ko!”
‘Yun ang eksaktong sinabi niya.
‘Wag kang matinag Yna.’
Sabi ng isang bahagi ng isip ko.
Hinawakan niya ako sa buhok, isang mahigpit na hawak .
Ramdam ko ‘yung sakit pero iinisin ko siya.
Idinikit niya ‘yung mukha niya sa mukha ko.
Tiim bagang habang ako ay nakatingin lang ng diretso sa mga mata niya.
“Ikaw, ang pinakawalang k’wentang babaeng nakilala ko.”
Halos pabulong na saad nito.
I just smiled at him and said.
“Ikaw, ang pinakamahalagang lalake sa buhay ko.”
‘Yun ang katagang lumabas sa bibig ko.
He just smirked and pushed me away.
‘Good Yna. ‘Yan pala ang dapat mong gawin para tumigil siya.’
Bahagyang nagdiwang ang diwa ko.
But it doesn’t changed the fact na nasasaktan ako.
But I have no choice but to love him, as long as I can, as long as my heart’s beating, as long as i’m alive.
“Akala ko ba tayo’ng dalawa lang? Bakit kasama natin sila Venice?”
Tanung ko habang nakasunod kay Hace.
Kakababa lang namin ng van.
Halos di ko mabuhat ‘yung dalawang malalaking backpacks na bit-bit ko.
“P’wede ba, wag kang tanong nang tanong!”.
Nasa isang resort kami ng mga oras na ‘yun. Mukhang magkakasiyahan yata sila ng tropa niya.
Saka si Venice.
Ang ka fling niya.
Hayss.
“Eh alam mo namang di ako marunong lumangoy dinala mo pa ako dito.”
Napahinto ako nang huminto siya at nilingon ako.
“Sinu nagsabing p’wede kang maligo dito? Hindi ka bagay dito. Isa ‘tong mamahaling resort. Ayu’kong madumihan ang tubig ng masangsang at napakabaho mong amoy.
Amoy kriminal.”
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.
Wala sa oras na napalunok ako.
“Oo nga no. Baka mamatay pa ‘yung mga isda.”
Sabay ngiti na pang iinis ko sa kan’ya.
Kunwari hindi ako nasaktan sa sinabi niya.
Mas lalong kumunot ang noo niya dahil sa ngiti ko pagkuwa’y tumalikod na at mabilis na naglakad papunta sa tutuluyan namin.
“Hace, hintayin mo naman ako oh.”
Pang iinis ko pa.
Alam kong parang sasabog na siya sa galit ng mga oras na ‘yun.
‘Maya lang ay narating ko din ang k’wartong para sa’min.
Hapong-hapo na inilapag ko sa kama ang dalawang bags na dala-dala ko.
Pagkuwa’y inilibot ang paningin sa loob ng k’warto.
“Hace ‘san ko ilalagay ‘yung mga gamit ko?”
Tanung ko.
Wala kasi akong nakitang p’wedeng paglagyan.
“Saka ‘san ako matutulog?”
Isang kama lang kasi ang nakita ko.
‘Wag niya sabihing sa sahig ako matutulog.
“Nakita mo ‘yung papag sa labas? ‘Dun ka matulog.”
Walang anu-anong sagot nito.
“Huh? Pe-pero–”
“Nagrereklamo ka?”
Putol niya sa anumang sasabihin ko.
“A-ah hindi. Sabi ko nga, ‘dun ako, masarap ‘dun kasi malamig.”
Masiglang sabi ko sabay ngiti.
“Tsk.”
‘Yun lang ang narinig ko at lumabas na siya.
Inilapag ko nalang ang bag ko sa tabi ng kama niya at lumabas nadin.
‘Dito niya ako patutulugin? Pa’nu ‘pag umulan? Wala pa namang bubong to.’
Napabuntong hininga na lamang ako habang tinitignan siya sa malayo.
‘Prinsipe ko talaga oh’ ‘di na naawa sa prinsesa niya.’
Naninikip na naman ang dib-dib ko.
Pero wala eh. Ayus lang.
Basta masaya siya.
TUMAKBO ako papunta sa kinaruruonan ni Hace.
Mukhang naglalambingan sila ni Venice.
Pero wala akong ‘paki.
Lalapit at lalapit parin ako.
“Let’s swim?”
Na e-excite na aya ni Venice kay Hace.
“Sure.”
Matamis ang ngiting sagot ni Hace dito pagkuwa’y tumakbo na sila sa dalampasigan at naghabulan.
Nagsasabuyan ng tubig.
Nakakainggit,
Nakakaselos,
Kahit alam kong panakip butas lang niya si Venice.
Kasi hanggang ngayon ay si Solenn ang laman ng puso niya.
Bahagya pa akong napasinghap ng halikan siya ni Venice sa labi.
Na ginantihan naman niya. tila napaku ang paningin ko sa kanila.
Pagkuwa’y natuon ang mga mata ni Hace sa kinaruruonan ko.
Nasasaktan man ay kailangan kong ngumiti.
Pilit akong ngumiti.
Kahit nag-iinit na ang magkabilang gilid ng mga mata ko.
“Hace, Venice! Halina kayo at kakain na!”
Rinig kong tawag ng isang tropa ni Hace na si Alehra.
Nandito ako sa nag-iisang puno kung saan abot ang paghampas ng mga alon. Tahimik na nakatanaw kay Hace at Venice na ngayon ay hawak kamay na naglalakad papuntang cottage kung saan nag set ng makakainan.
Tumayo ako at sumunod sa kanila.
Nagtatawanan silang kumakain habang ako ay naghanap ng p’wedeng maupuan.
Nakaramdam nadin kasi ako ng gutom.
Nahihiya man ay kumuha ako ng makakain.
Akmang kukuha ako ng shrimps nang hawakan ni Hace ang kamay ko at sinabing,
“Mamaya kana...