“ANONG klaseng report yan?,”
Walang emosyong tanong ni Andrius sa mga empleyadong kasama niya sa loob ng room. Kalmado lamang ang pagkakasabi niya nun subalit mahihimigan sa kaniyang boses ang galit at pagkadisgusto sa napanood na presentation.
“P-po, s-sir?” Gulat at kabadong ani ng lalaking nagrereport sa unahan. May ibang nagsiyukuan at napahawak sa kanilang mga noo. Meron ding napalunok at napapikit nalang dahil sa kaba’t takot sa mga sandaling ito.
Dumaan ang ilang segundo ngunit hindi kumibo si Andrius dahilan para mas lalong kabahan ang lahat. Abala ang lalaki sa pagpapaikot ng ballpen sa kaniyang kamay. Saka lang nagsiayusan ng upo ang mga tao nang matunog niyang nilapag ang ballpen sa ibabaw ng mesa at walang emosyong tiningnan ang mga empleyado.
“Basura ba yan,” Andrius. Hindi iyon isang patanong kundi isang pahayag.
“S-sir~,” paiyak na sabi ng lalaking nasa unahan.
Halata sa mukha ng lalaki ang pagkadismaya. Buong linggo niya kasing pinaghandaan ang presentation tapos sa huli, basura lang ang tingin ni Andrius sa ginawa niya.
“Itapon niyo. Hindi ko nagustuhan,” malamig na dugtong nito saka tumayo at kinuha ang inuming nasa kabilang lamesa.
“P-pero sir—”
“Get out,” Andrius,
Magsasalita pa sana ang lalaki ngunit pinigilan niya na ang sarili. Wala na siyang ibang nagawa pa kundi lunukin ang sariling pride at sundin ang utos ni Andrius. Bagsak ang balikat siyang lumabas ng room at mahigpit na hinawakan ang hard copy ng kaniyang presentation.
Naiwan si Andrius sa loob habang umiinom ng alak. Masyado pang maaga pero wala siyang pakialam. Kailangan niyang kumalma dahil sa inis na naramdaman niya kanina. Wala man lang ni isa sa pitong presentation ang nakaagaw ng kaniyang interest at buong atensyon. Para sa kaniya, lahat ng iyon ay puro mga walang kwenta.
“Sir Andrius, Na-email ko na po si Miss Salvador about sa pagbabago ng schedule niya. And about po dun sa plano niyong sirain ang araw niya, nagawan ko na din po ng paraan. Meron na po akong nabayarang taxi para gawin iyon. Sa ngayon po, meron na lamang siyang labing-limang minuto para pumunta dito,”
Sumilay ang isang ngisi sa labi ni Andrius nang marinig ang balita mula sa kaniyang sekretaryang si Gio. Hawak ang basong may lamang alak, naglakad siya patungo sa salamin at tinanaw ang mga nagtatasang gusali sa labas ng kaniyang building. Alam niyang mahihirapan si Miss Salvador na makapunta dito dahil sinandya niya talagang ibahin ang oras ng kaniyang job interview.
Nagsisimula palang ang pagpapahirap niya sa dalaga. Masaya si Andrius dahil sa wakas, magkakaroon na ng buhay lahat ng mga plano niya. Matagal niya itong hinintay. Matagal niyang hinintay ang pagkakataong ito. Ipaparamdam niya sa babae ang sakit na naramdaman niya nung ipinahiya siya nito sa harap ng maraming tao, limang taon na ang nakakaraan.
Hindi na makapaghintay ang lalaki na makita si Micah.
Pero bakit siya kinakabahan?
Bakit ang lakas ng tibok ng puso niya?
Hanggang ngayon ba…
“Mahal pa rin kita?,” tanong ni Andrius sa sarili at sa kawalan.
—
“Sir, dumating na po yung ibang mga aplikante, pero po…si Miss Salvador wala pa,”
“Start the interview without me. Ikaw na bahala kung sino ang...