The Enemy Within (On-going)


Author: @missteryj
Genre: Romance
Description:
We all have enemy. Enemy that lives within us. It is the hardest enemy to defeat than the enemies disguised as human.
It keeps on hunting us, because it lives with us. How can we defeat it?
Loreine and Lark can’t trust anyone. They both came from their own nightmares. They both have the undefeated enemies from their past and it makes them similar to each other. But what will be their role to each other?
How come that they also met from past and became each other’s savior without them knowing.
Prologue
There was a moment in our life that we asked what have we already accomplished. What is our purpose? Because it will be meaningless if we live for nothing.
Saan ba patungo ang buhay ng isang tao kung hindi niya parin alam kung anong daan ang dapat niyang tahakin? Hindi ko masagot dahil maski ako ay mistulang naliligaw ng landas. Hindi ko makita ang future ko. Wala ding makakapagsabi sa akin ng dapat kong gawin o kung saan ako magaling.
Habang nakatulala sa cactus na nasa study table ko, bigla kong naisip ang isang pangyayari sa buhay ko na syang nagdala sa akin sa kung nasaan ako ngayon.
I was just 6 years old. So thin, and bruised. Without anything to eat and drink for past 2 days, I miraculously survived. I was locked up in a wooden box, not crying but so weak. I thought I only have hours before I leave this world because no one will come to rescue me. It seemed like I was forgotten and neglected, I really was.
At that time, I was ready to leave. But I heard footsteps. Someone was coming to where I was. I thought it was my wicked father so I was scared. He unlocked the wooden box and I closed my eyes, expecting to receive more beating. I shivered in fear. Alam ko na na kapag sinaktan niya ulit ako hindi ko na kakayanin pa at handa na ako para ron. Yun na nga ang hinihintay ko.
Pero bago pa mabuksan ang kahon ay may narinig akong boses sa ibaba ng bahay namin. Tinatawag ang kung sino man. Narinig ko nalang ang papalayong mga yapak. Nakahinga ako nang malalim nang malamang hindi iyon ang tatay ko. Para akong naliwanagan at itinulak ang takip ng kahon pataas kaya nakalabas ako. Kahit na hinang-hina, nagawa kong makalakad at makagapang. Ang una kong ginawa ay naghanap ng tubig at uminom na parang wala nang bukas.
I was saved. Hindi ko kilala ang sinumang pumasok sa bahay, kahit pa magnanakaw siya magpapasalamat parin ako. I was given a second chance to live.
Pero ang akala ko magiging madali ang lahat gayong wala na ang tatay kong palaging nananakit. Masyado pa akong bata para pagdaanan ang mga ‘yon. I am scarred. I was traumatized. I developed claustrophobia because I was always locked up in that box. Pero hindi lang trauma ang nilalabanan ko, kundi pati narin ang pagkaligaw. Yes, I am free but I’m still lost. Para bang isang ibon na nasugatan sa pakpak at hindi makalipad.
Madami akong pinagdaan pagkatapos kong makaligtas ng araw na ‘yon. Kinupkop ako ni lola at doon niya palang nalaman ang karahasan ni tatay at aniya wala na siyang balita dito dahil patay na ang nanay ko kaya naman hindi nagpaparamdam sa kanila ang lalaki. Pinuntahan niya ako nang mabalitaan ang nangyaring pag-abandona sa akin ni tatay. Doon nagkaroon ako ng normal na pamumuhay kasama si lola. Pero hindi parin pala madali.
Mag-isa parin ako palagi, lalo na noong nag-aaral ako. I can’t befriend any of my classmates because I can read through their eyes how they pity me. I don’t want that. Tahimik ako palagi sa labas ng bahay, pero madaldal kapag kami lang ni lola. Lagi ko syang kinukwentuhan ng mga nangyayari sa school, I told her I have many friends and that I’m doing good at school. Ayoko syang malungkot para sa akin, dahil ayokong kinakaawaan ako.
“Loreine! “ someone from my classmate called me. Tapos na ang klase at lagi akong nauuna sa paglabas sa eskwelahan.
I can’t remember his name but I know he’s one of my classmates. We were already in 9th grade.
Lumingon ako at hinintay siyang magsalita. Kasama niya ang dalawa niyang kabarkada.
“Sama ka sa’min. Pasyal tayo” ngumisi siya pero nanatili lang akong nakatingin sa kanya.
“Magsalita ka naman. Hindi ba napapanis ang laway mo?” tanong niya.
“Anong kailangan mo? “ seryoso kong tanong. I looked weak but I’m not innocent. I know he’s planning something.
“Mamamasyal tayo! Ikaw nalang ang hindi ko pa nakakasama sa gala sa atin. Wala karing kaibigan kaya ako na ang lumalapit sayo”
“Ayoko” tinalikuran ko na sila at naglakad papalayo.
Narinig ko namang tinukso siya ng dalawa niyang kasama. Pero inexpect ko na ang susunod na mangyayari.
“Tara na kasi! “ bago pa niya ako sapilitang hilahin ay inikot...


ko na ang braso niya. Tinuruan ako ni Tito ng kaunting martial arts kapag nabisita siya sa amin ni lola. Isa siyang coach sa isang University sa Manila at aniya, sa payat ko daw, dapat marunong akong lumaban. Kaya tinuruan niya ako.
“Jay!” sigaw ng mga kasama niya.
“A-aray! Teka teka teka! Bitawan mo ‘ko! “ sinubukan niyang magpumiglas pero mas lalo ko lang hinigpitan ang kapit sa braso niya.
Aamba pang susugod ang dalawa niyang kasama pero nang makitang hindi lang ‘yon ang kaya kong gawin, hindi na sila sumubok.
“Ano ba! T-tulungan nyo ko…. “ Impit ang boses niya dahil sa sakit.
“ Kapag sinabi ng isang tao na ayaw niya, ayaw niya” sabi ko nang hindi parin siya binibitawan.
“O-o-oo na! Oo na! Hindi na! B-bitawan mo lang ako… “
Binitawan ko siya dahil alam kong mababalian na siya kapag hindi ko pa siya binitawan. They looked harmless kaya naman ‘yon lang ang ginawa ko. Napaupo siya sa daan at iniinda ang sakit sa braso.
“Huwag niyo na akong kakausapin ulit” sabi ko at naglakad na papalayo.
Dahil gusto kong pawiin ang lakas at inis dahil sa nangyari, nagtungko ako sa isang convenience store at bumili ng pagkain at maiinom.
“75 pesos po, Ma’am”
Kinuha ko ang wallet at kumuha ng pera. Pero kulang ang barya ko kaya iniisip ko kung iiwan ko ba ang isa sa binili ko. Pero bago ko pa gawin ‘yon ay may sumingit sa counter para magbayad ng binili, natatagalan siguro ako kaya nauna na siya. Isang lalaki na sa tingin ko ay kaedad ko lang ang nakasuot ng gray na hoodie jacket. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot sya ng cap. Nang makapagbayad ay naglapag sya ng sampung pisong barya at umalis.
“Teka lang…. “ tawag ko sa kanya pero wala na ata syang balak kausapin ako dahil daretso lang sya sa paglabas. Kahit nagtataka ay hindi na ako nagabalang habulin siya. At least mabibili ko na ang parehas na binili.
Tinapos ko muna ang pagkain bago ako naglakad ulit pauwi. Hindi naman ganon kalayo ang school namin sa bahay, pero mas gusto kong maglakad kesa magtricycle, bukod sa tipid hindi rin akp masisikipan. Napadaan ako sa isang bakanteng lote kung saan maraming halaman at puno. May pababa din don papunta sa ilog. Pero napatingala ako sa langit nang mapansin ang isang saranggola na pinapalipad sa hangin. Pinagmasdan ko lang ‘yon at inisip na sana ay ganon nalang kadali ang buhay. Ayos lang na magpadala sa direksyon ng hangin. Hindi ka maliligaw, hindi ka masusugatan.
That life was simple. If I could just turn back time.
Nabalik ako sa ulirat nang may kumatok sa pinto ng aking dorm.
“Rein! Nandiyan ka ba sa loob? “ narinig ko si Ate Gigi, ang Landlady ng tinitirahan kong dorm.
“Opo! “ Tamayo ako at pinagbuksan siya ng pinto.
“Akala ko ay umalis ka dahil hindi ka naman sumasagot.” Inabot niya ang isang paper bag. “May nag-iwan nanaman. Nakapangalan sa’yo” dagdag niya.
“Wala parin po bang pangalan?” tanong ko dahil napagtanto ko na pang-apat na ‘to ngayong taon.
“Wala e. Ang akala ko naman ay may manliligaw ka, wala ka parin bang ideya kung sino ang nagpapadala sa iyo ng regalo?”
Umiling lang ako bilang tugon.
“O sige. Aalis na ako at may ginagawa ako sa baba, maiwan na kita” aniya bago ako talikuran. Nagpasalamat ako bago sinara ulit ang pinto at nilapag sa mesa ang paperbag.
Kagaya ng mga nauna, tinitigan ko lang ito at inisip kung kanino ito galing. Wala naman kasi akong manliligaw, wala rin akong kapamilya na pwedeng magbigay sa akin ng ganyan.
Namatay si Lola last year dahil di na niya kinaya ang iniindang sakit sa puso. Bago iyon ay nakailang stroke siya. That was one of the darkest times of my life. The only person who love me and care for me just left. I have no one by my side to calm me and tell me that everything will be okay. I was once again, alone. Pero kahit sa huling hininga ni lola ay hindi niya ako pinabayaan dahil ang mga naipon niya sa mga nakalipas na taon ay binigay niya sa akin. Para daw sa pag-aaral ko at para daw hindi siya mag-alala sa pag-alis niya. Ayaw daw niya maulit ang nangyari noon. Malaki ang iniwan niya sa akin, It is more than enough to survive.
College na ako ngayon at Business Management ang kinuha ko. Bakit? Hindi ko din alam. Madalas napaguusapan namin noon ni lola kung paano siya nangarap na magkaroon ng negosyo. Pero sa tuwing tatanungin ko siya kung anong negosyo ang gusto niya, sabi niya lang ay hindi niya din alam. Kaya naman tatawa nalang kaming dalawa.
Lagi akong nalulungkot pero hindi dapat ako sumuko. I will still find out my purpose. I want to make my own dreams. But it still not clear what are those.
I want to know my purpose.
-Missteryj






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top