THE NERDY GIRL MEETS THE CAMPUS PRINCE CHAPTER 1


THE NERDY GIRL MEETS THE CAMPUS PRINCE❤️(Troy Baltazar and Kate Story)
❤️CHAPTER 1 ❤️
“Omyghod look what she’s wearing?So cheap!
“Estudyante ba talaga yan dito? Masyadong old fashion!”
“Wearing those thick glasses? As if naman matalino siya!”
“What a nerdy girl! Walang magkakagusto sa kanya dahil hindi naman siya maganda!”
Hindi na lang pinansin ni Kate ang kanyang mga naririnig at dire diretso lamang siya sa paglalakad.
Kung pagtutuunan niya ang mga ito ng pansin lalo lamang siyang aasarin. Kaya deadma na lang.
“Kate besh! Sabi ko na nga ba malelate ka na naman ng pasok! Bakit ba kasi nagwowork ka pa?”Nagulat na lamang siya ng sumabay na sa kanya sa paglalakad si Cindy.
Ito ang best friend niya sa Campus kahit medyo malayo ang antas nila sa buhay. Mabait ito di tulad ng iba.Hindi rin plastic.
” Huh? Maaga pa naman ah, at isa pa di ako katulad mo. Walang maghahatid sa akin na magarang kotse.”Natawa naman ito sa sagot niya.
“E bakit kasi nagtatrabaho ka pa dapat focus ka na lang sa studies mo! Ang talino mo kaya at sobrang talented pa. Sure ako na deans lister ka na naman this school year.”Napangiti na lamang siya sa sinabi nito.
“Eww Cindy bakit ba kay Kate ka pa nakikipagkaibigan? She’s not like us! You should be ashamed that your a friend of her.”
Hinarang sila ni Samantha ang wanna be queen bee ng University. Ang pasimuno ng mga pambubully sa mga estudyante.
“You know Sam kung wala ka ng ibang sasabihin. Padaanin mo na kami ni Kate.”Sabi ni Cindy dito. Lagi na lamang siya nitong pinagtatanggol.
” And your defending her?! Gosh di na ko magtataka baka maging nerd ka na rin katulad niya! Pareho kayong mga basura!”
Malakas ang loob nito na magbully ng mga estudyante dahil isa ang mga magulang nito sa malaki ang shares sa eskwelahan na pinapasukan nila.
” Cindy, umalis na lang tayo dito. Wag mo ng patulan si Sam. Wala tayong laban sa kanya.”pag-aaya ni Kate sa kaibigan. Sinusunod kasi ng mga kapwa nila estudyante si Samantha.
“You know Kate dapat minsan lumaban ka na rin sa kanila. And they must stop their wrong doing! Ang sama ng ugali lalo na si Sam!” Inis na sabi nito.
Agad din silang lumabas ng powder room. Pero hiyawan na agad ng mga estudyante ang narinig nila. Napailing na lang sila ni Cindy sa dahil doon.
” Troy! Ang gwapo!
” Akin ka na lang Troy!”
“Kahit pang one week girlfriend lang!”
“Pansinin mo lang ako ayos na!”
“Shocks ang gwapo talaga, we love you!”
” Ayan na naman sila.As if naman si Daniel Padilla ang pumasok dito sa University ehh si Troy Baltazar lang naman. The Campus prince /playboy.” kaya natawa na lamang siya sa sinabi nito.
“Hindi ka ba nagkacrush o magkakagusto sa kanya? Halos lahat ata ng babae dito patay na patay sa lalaking yon.”
“No way Kate! At isa pa playboy ang isang yon. He just hurt girls feelings and make them cry. Wait do you like him?” agad naman siyang umiling bilang sagot sa tanong nito.
“Glad to know that and please stay away from him or else susugudin ka ng mga girls sa Campus lalo na si Samantha I heard she’s into Troy kahit di naman siya gusto nito.”
“Pero Cindy kilala niya ko. Driver nila si Tatay. Di ko ba nakwento sayo? Umatend pa nga ako nung kasal ng Kuya niya.”
“Omyghod! Did they know it alam ba ng schoolmates natin ang tungkol diyan?So it’s means kilala ka rin ni Troy.” gulat na gulat nitong sabi.
“We have to get out of here bago ka pa niya makita. We’re dead if that happens. You know sabi ng iba bully din siya, what if ipahiya ka niya?” may halong pag-aalalang sabi sa kanya ni Cindy.
“Hindi niya naman gagawin yon ang bait kaya ng pamilya niya. Wag naman tayong manghusga agad ng tao.”
“If you said so but I’m just protecting yon. Kapag nalaman ni Sam na may koneksyon ka sa kanya lalo ka niyang bubullyhin.”
Agad na silang umalis doon at tumungo na sa kanilang room. Masaya sila ni Cindy na hindi terror ang prof kung hindi yari na naman.
“So class, sino ang nakadiscover na bilog ang mundo?” tanong ng professor nila.Tawanan naman ang ginawa ng mga kaklase nila kase matic na naman ang sagot.
Agad siyang nagtaas ng kamay kaya siya ang tinawag nito.
“Ferdinand Magellan sir.” confident niyang sagot. Pagkaupo niya ay pinalakpakan pa siya ni Cindy.
“Omygosh Kate kinakabahan ako baka may quiz si prof kaya siya nagtatanong.” sabi ni Cindy sa kanya. Lagi naman silang nagrereview kaya kung may quiz di sila babagsak.
“Sino ang pumatay kay Magellan?” muling tanong ng professor nila. Ngunit walang sumasagot kaya nagtawag ito.
“Mr. Navarro!who killed Ferdinand Magellan?” tanong nito sa kaklase nilang tutulog tulog.
“Aba sir wala akong alam diyan.Hindi rin ako sir! Wag niyo kong pagbintangan.”
Kaya tawanan ang namayani sa buong klase.
“Stop it! I’m just asking a simple question and you can’t answer it?Kung matutulog lang kayo sa klase ko the door is open I don’t need you here.” kaya natahimik silang lahat.
“Everybody knows na ang pumatay kay Magellan ay si Lapu Lapu pero may mga nagsasabi rin na ang tauhan lang daw ni Lapu Lapu pero dahil si Lapu Lapu ang pinuno nila sa kanya ang credit. Do you understand?! ”
“Yes sir!” sabay sabay nilang sagot dito. Parang na kasi itong dragon na bubuga ng apoy.
“Now class dismiss! Pang ilan taon niyo na eskwelahan na to magbagong buhay na kayo. Be a good college students lalo na sa mga professors niyo!”
Pagkatapos ay nagsilabasan na ang lahat. Papunta na ang mga ito sa cafeteria para kumain.
“Kate libre na kita. You know naman sila mom dami na naman ng binigay na allowance sakin and wala naman akong paggagamitan.”matamis na ngiti na lang ang isinukli niya...


dito.
” Just wait me here okay? Ako na bibili para sa atin.”iniwan siya nito sa bakanteng lamesa para bumili na ng kakainin nila. Medyo may pila rin kasi sa Cafeteria.
” Look who’s here the nerd. Where’s Cindy? Ang swerte mo at sinasamahan ka pa rin niya. Like eww.”sabi ni Samantha na at nasa likod nito ang mga alipores.
” You know naman Sam hindi siya bagay dito diba? She’s poor at di siya katulad natin.I bet ililibre lang siya ni Cindy.Kawawa naman.”dagdag pa ng isa sa mga kaibigan nito.
” Please lang Sam ayaw namin ng gulo. “kalmado niyang sabi dito.
” Ohh really ayaw mo? “may inabot dito ang katabi na isang baso ng tubig at ibinuhos yon sa kanya.
” Kate! How dare you Sam?! “sabi ni Cindy ng makita ang ginawa ni Samantha sa kanya.
” She deserves that! She does not belong here! She’s a trash. So stop defending her! Ohh baka gusto mong gawin ko rin sayo ang ginawa ko sa kanya? ”
Bubuhusan rin sana nito si Cindy pero agad niya itong itinulak kaya natumba ito sa sahig kaya tumawa ang ilang Estudyante.
” What the?! How dare you to do that. You nerd! “agad itong tumayo at sasampalin na sana siya ngunit isang boses ang nagpatigil dito.
” Hurt her then I will hurt you! Bakit si Kate na naman ang binubully mo huh? Di ka na ba nagsasawa? And its not her fault kung this time nilabanan ka na niya. “dumating si Troy at ipinagtanggol siya.
” Pero Troy-”
” Stop it! I don’t need to hear any of your excuses! Layuan mo siya at ang kaibigan niya or else ako ang makakalaban mo! “matiim nitong sabi.
Umalis na ito doon dala ng pagkapahiya.
” Bakit mo ko tinulungan?”walang emosyong niyang tanong kay Troy.
“Tinulungan na nga ikaw pa galit? Sabihin mo lang sakin kapag ginawa ulit sayo yun ni Sam”sabi nito sa kanya.
” Hindi na kailangan dahil simula ngayon hindi na ako magpapaapi sa kanya. At ikaw bakit mo ko kinakausap? “takang tanong niya dito.
” Kasi gusto ko, swerte mo nga eh kinausap kita. ”
” Thank you dun sa pagtulong mo. At please lang wag mo ng sabihin pa kay Tatay mayayari ako. “lingid sa kaalaman ng iba nakakausap niya si Troy at magkakilala sila.
” O sige basta sabi mo. Magpalit ka na, basang basa ka. Kung gusto may t-shirt ako sa locker.”
“Wag na meron naman si Cindy saka wag mo na lang din ako lalapitan kaya ko ang sarili ko.”tumango lang ito.
“Wait you two are close two each other? Kate your lying to me! And don’t talk to him. He’ll just play with you.” sabi ni Cindy sa kanya at inaaya na siya paalis doon.
“Ang taray naman ng kaibigan mo, Kate. Harmless naman ako ah. Diyan na nga kayo.”
Akmang aalis na ito pero agad ding napatigil dahil sa tanong ni Cindy.
“Wait, gusto mo ba si Kate? There are many girls out there wag siya ang paglaruan mo.”
“It’s for me to know and for you to find out. Basta wag mo siyang pababayaan.”
Pagkatapos ay umalis na ito ay iniwan na sila.Mahina ang usapan nila kaya hindi yun rinig ng ibang mga estudyante at takot rin ang mga ito kay Troy kaya wala ng pakialam ang mga ito.
Sinamahan siya ni Cindy na magbihis ito na ang nagbigay ng pamalit niya.
Ang mga sunod na klase nila ay naging maayos naman at lagi siyang nakakasagot sa professor nila.
Nagpapasalamat siya na hanggang uwian ay di na nagtagpo ang landas nila ni Samantha. Dahil sigurado siyang mauuwi yun sa away.Nagpaalam na siya kay Cindy dahil sinundo na rin ito.
Nagbiyahe na lamang siya papunta sa restaurant na pinagtatrabahuhan. Isa siyang waitress doon.
Kapag naandun siya ay inaalis niya ang makakapal niyang salamin yun rin kasi ang sabi ng boss Fatima nila. Ito ang asawa ng Kuya ni Troy.
4 hours lamang siya doon. Simula 5 pm hanggang 8 pm at pagkatapos ay uuwi na rin siya.
Kahit gabi ay madami ang customer kaya medyo nakakapagod rin. Pero kinakaya.
Pagkatapos magtrabaho ay agad na rin siyang umuwi ng bahay dahil sigurado siyang hinihintay siya ng kanyang ina at ama.
“Nay, nakauwi na ko!”
“Anak naandiyan ka na pala halika na rito kakain na tayo, kanina ka pa namin iniintay ng tatay mo.” masaya ani ng kanyang ina.
“Ang saya niyo ata, ano pong meron?” tanong niya sa mga ito
“May pinabibigay sayo si Sir. Troy.”iniabot nito sa kanya ang isang paper bag.
” Ano to Tay?Para Saan daw po? ”
” Ayy basta tignan mo na lang.”sabi nalang ng kanyang Tatay Kanor.
” Damit Tay? Alam niyo naman di ako nagsusuot nito balik niyo na lang po sa kanya. Tay, ayoko talaga. ”
” Ayy anak hindi pwede pinabili niya pa yan kay Madam Clara. Nakakahiya naman sa kanila.Bagay naman yan sayo. Isuot mo kapag papasok ka.” muling sabi ng kanyang tatay Kanor.
” Pero Tay-”
” Wala ng pero pero mag thank ka sa kanya bukas ha.Ang bait talaga ng batang yon at likas na yun sa kanilang pamilya. “sabi pa nito.
Pagkatapos kumain ay dumiretso na siya sa kanyang kwarto. Nagpunta muna siya sa C. R para mag-ayos ng sarili para presko siyang matutulog.
Pagkatapos ay sumalampak na siya sa kama.Isasauli niya bukas ang damit. Baka pinagtitripan lang siya ng Troy na yon.
Ihahanda niya na rin ang sarili dahil sigurado siyang may gagawin si Samanthang di maganda sa kanya. Di na siya magpapatalo sa bullyng yon. Lalaban na siya.
Dahil sa kakaisip sa kung ano ano ay dinalaw na siya ng antok pero ang hindi mawala sa isip niya ang pagtulong sa kanya ni Troy.
Ano yon siya ang prinsesa ng mga nerd at ito ang Prince Charming niya?
A/N:so eto na po yung story ni Troy hehe sana po magustuhan niyo😊
Ps:comment po kayo para malaman ko po yung mga opinion hehehe nagustugan niyo po ba? ☺️






Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. bakit wlang chapter 8

  2. Cris Zynah Salcedo

    Maganda po gusto ko pa pero meron po bang chapter 2???

  3. ang ganda po nang story sanall

Leave a Reply


top