Unexpected love to Unexpected person
Sa simula ng aking kwento gusto kong magpakilala sa inyo itago niyo nalang ako sa pangalang ronan 24 years old. at dito ko na ikwekwento ang dahilan ng pagbabago ng aking buhay.
nung ako ay bata pa Wala na kaming permanenteng tinitirhan ang kasama ko lang sa buhay ay ang aking lola na siyang nagpalaki sakin simula ng ako ay ipanganak gaya ng aking sinabi wala kaming permanenteng bahay kaya kami ay nangungupahan noong ako ay 8 years old napadpad kami ng lola ko sa Caloocan at Doon nanirahan hanggang sa dito ko nakilala ang kapit-bahay naming si Clara. Si clara ay 14 years old noong aking unang masilayan matanda siya sakin ng anim na taon. Hindi kami nag-uusap o magkakilala dahil sa kadahilanan hindi sya nakakalabas ng kanilang bahay mahigpit ang magulang ni clara meron silang marangyang buhay kaya naman hindi na ako umasa na kami ay magiging magkaibigan.
isang araw ay natagpuan ko siyang nakaupo sa kanilang loob ng tarangkahan at sa hindi sinasadya ay napunta ang bolang nilalaro ko sa loob ng kanilang tarangkahan at Doon nagsimula ang aming pag-uusap.
nagpakilala siya sakin at ganon din ako pero sa hindi inaasahan ay tumibok ng bigla ang aking puso hindi ko maintidihan pero ako ay pinagpapawisan at nanginginig at Doon nagsimula ang aming ngitian.
Apat na bwan kami tumagal sa Caloocan ngunit sa hindi inaasahan ay nagkaroon kami ng problema sa aming probinsya sa Samar kaya minabuti naming lumuwas at sa huling pagkakataon ay nagpaalam ako sa kanya sa pamamagitan ng sulat kamay at Doon Ako nagpaalam at iniwan ko iyon sa bintana ng kanyang kwarto hindi ko alam kung nabasa ba niya o nakita ang aking paalam na sulat.
hanggang sa lumuwas na kami sa samar.
After 12 years ……..
Ako nalang mag-isa sa buhay sa murang edad natuto akong magtrabaho sapagkat iniwan na Ako ng aking lola. Sa probinsya ay maaga akong nagbalat ng buto upang makakain mag-isa at mamuhay ng simple hanggang sa maisipan kong lumuwas ng maynila at manirahan sa akin tita unang punta ko ng maynila ay sa Quezon city akong unang napadpad.
At nagkaroon ng konting ipon ay bumili Ako ng sariling motor upang may magamit sa trabaho sa ngayon ay isa akong grab driver.
at sa hindi inaasahang araw ay may nag book sa akin na isang customer sa Caloocan na nangangalang Clara biglang bumilis ang tibok ng aking puso kaya naman tinanggap ko agad ang book na ito at nagsimula na...
ilang minuto ay nagreplay sya ng Ronan? at Doon kami nag-uusap ng matagal nakilala nya Ako at natuwa siya sa aming hindi inaasahang pagkikita hanggang inabot kami ng madaling araw sa pagkakamustahan at nigaya ko siyang kumain sa labas sa susunod na linggo at pumayag sya.
at eto na Ang araw na pinaka aantay ko lumabas na kami at lalong mas naging magkakilala.
Hanggang sa naliligaw na Ako ngunit sa hindi magandang pangyayari hindi boto sa akin ang kanyang mga magulang sapagkat Ako ay walang sapat na pamumuhay para mabuhay ko ang kanilang anak tumagal ang relasyon namin ni carol ng tatlong taon ng patago sa kanyang magulang hanggang sa siya ay nabuntis ko.
Masayang Masaya kaming dalawa dahil magkakaron na kami ng anak. Ngunit ng nalaman ito ng magulang nya at hindi ito pumayag sa aming relasyon hanggang sa ilang bwan ay natanggap nadin kami ng kanyang magulang at ngayon ay inaantay nalang namin na lumabas ang aming munting anak at bumubuo na kami ng sariling pamilya 🙏♥️🥰
sa aking trabaho ay lalo Kong pinagsisikapan at pagbubutihan para sa aking Asawa at paparating na Anak.
At isa lang ang ipapangako ko sa aking mabubuong pamilya hindi hindi ko sila pababayaan hanggat Ako ay nabubuhay sisikapin Kong maibigay ang lahat ng kanilang pangangailangan ♥️♥️♥️
kaya sa mga nagbasa at magbabasa ng aking kwento ay isa lang ang maipapayo ko magaling natin ang binuo nating pamilya sapagkat sila ang makasama natin sa hirap at ginhawa 🥰🥰🥰
Multi maraming salamat sa nagbasa.
Sana ay mapili Ako para sa panganganak ng aking mahal na Asawa salamat po. ♥️♥️♥️
09519597098