UNWANTED LOVE CHAPTER EIGHT


DELLA SELLA: UNWANTED LOVE
(Series One)
AUTHOR REYN
CHAPTER EIGHT
Maging si Bryan ay masaya sa nabalitaan. Nakatulog pa siya ng biglang kumatok ng sunod-sunod si Brayll, binuksan niya agad baka may emergency. Pero pagkabukas niya yumakap agad sakanya si Brayll at tinatawag siyang daddy. Kinarga niya ang bata at saka sinarado ang pinto.
“Anong sabi ng mommy mo?”, ang tanong ni Bryan.
“Sabi po niya, ‘Oh anak tawagin mo ang ang Daddy Bryan mo kakain na tayo’ kaya ngayon may daddy na po ako”, ang masayang sagot ni Brayll.
Maging si Bryan ay natuwa, tumalon- talon siya karga si Brayll kaya napahagikgik ang bata sa tuwa. Nasa ganung sitwasyon sila ng biglang bumukas ang pinto.
“Kakain na po, kayong dalawa talaga ang gulo niyo”, ang sabi ni Trisha na napakamot nalang sa ulo dahil sa nakita.
Sumunod ang dalawa pero buhat parin ni Bryan si Brayll. Binaba lang niya ito nung nasa harap na sila ng mesa.
Madaling natapos si Brayll, ganun din si Manang Saleng, may pasok pa kasi ang bata kaya papaliguan siya ni Manang Saleng at bibihisan. Nasa kindergarten na si Brayll, sa edad na 4 ay tinaggap na siya ng principal dahil magaling ito. Alam na niyang magbasa, magsulat at magbilang, matalas din ang pag-iisip niya kaya mahuhuluan niya agad ang mga bagay-bagay.
Naiwan sina Trisha at Bryan, walang imikan at tila nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Tumikhim si Bryan dahilan upang mapalingon si Trisha.
“Pwede ko bang malaman kung anong nangyari sa ama ni Brayll?”, ang tanong ni Bryan.
Bumuntong hininga si Trisha, balak naman niyang sabihin sa binata ang tungkol doon hinihintay lang niyang magtanong ito. Mabuti nalang at patapos na siyang kumaen kaya nagsimula na siyang magkwento. Sinabi niya lahat ng walang halong pagsisinungaling at pagtatago sa bawat nangyari.
Napansin niyang nakakuyom ang mga kamao ni Bryan at nakatitig lang sa plato nito habang nakikinig. Natapos na din itong kumaen at hindi tuloy niya alam ang iisipin kung may kinalaman ito o wala dahil sa reaksiyon nito.
“Napakawalang hiya ni Leo at nung ama ni Brayll, ano ngayon ang balak mo?”, ang tanong ni Bryan sabay titig sa mga mata ni Trisha.
“Si Leo alam ko hindi na niya kami mahahanap dahil wala na sila dito sa Pilipinas. Yung ama ni Brayll siguro kapag nagkita kami bibigyan ko siya ng madaming sampal. Dahil sa pananamantala niya ng kalasingan ko, sa pagiwan sakin pagkatapos ng gabing iyon at sa hirap na dinanas ko dahil sa ginawa niya”, ang nang-gigitgit na wika ni Trisha.
“Hindi mo din naman siya masasampahan ng rape dahil hindi ka niya pwenersa”, ang sabi ni Trisha.
“Yeah, pero alam ko kapag nalaman niyang may anak kami gusto niyang makilala ang bata, pero hindi ko hahayaang mapalapit pa siya sa anak ko”, ang matapang na sabi ni Trisha.
“Agree ako jan”, ang sabi ni Bryan at ngumiti ng napakatamis kay Trisha.
Parang namagnet tuloy ang mata ni Trisha sa mukha ni Bryan. Napakagwapo pala nito kapag nakangiti. Bagay sakanya ang ahit ng kanyang begote at balbas, matangos ang ilong, makapal ang kilay at mapupungay ang mga mata nito na tila nangungusap. Ngayon lang niya mapansin ang maamong mukha ng binata.
Maging ang puso ni Trisha ay bumilis ang tibok nito. Hindi dahil sa kaba kundi dahil sa kilig. Sino ba naman ang hindi kikiligin kapag nginitian ng isang gwapong lalaki. Nagtataka din siya sa sarili niya kung bakit ganun ang nararamdaman niya. Hindi naman siya ganun dati nung nakakasama niya si Bryan.
Tumayo nalang si Trisha para makaiwas siya sa mga titig ni Bryan. Namumula na kasi ang pisngi niya dahil sa ginagawa ng binata. Kinuha niya ang mga plato at nagsimula ng magligpit. Sana ay hindi iyon mapansin ni Bryan.
“Your still beautiful”, ang seryusong sambit ni Bryan bagay na kinagulat ni Trisha at...


napatitig din sa binata.
-You too, your most handsome now than before- ang nasa isip ni Trisha.
“Mommy, daddy im ready”, ang sigaw ni Brayll habang papalapit sa kanila.
“Gusto mo ba ihatid kita?”, ang tanong ni Bryan.
“Opo daddy ipapakilala kita kay Jenna”, ang mabilis na sagot ni Brayll.
Mabilis na bumalik si Bryan sa kwarto niya at nagbihis. Sinamahan sila ni Manang Saleng para ituro ang direksyon ng paaralan ng bata.
Lumipas ang mga araw, naging gawain na ni Bryan ang ihatid at sunduin si Brayll nakilala din niya ang bestfriend ng bata na si Jenna. At sinabi din ni Brayll na crush niya si Jenna dahil maganda at mabait ito. Sinabi pang secret lang nila iyon at huwag sabihin sa mommy niya.
Nakasanayan na din ni Trisha ang ginagawa ni Bryan sa anak. Pero ang Hindi niya maiwasan ay ang paglalapit nila ng binata. Lalo na kapag kasama nila si Brayll ay napaka sweet ni Bryan sakanya, bagay na kinatutuwa ng bata.
Minsan sinabi ni Manang Saleng ang napapansin niya tungkol kay Bryan at Brayll na magkamukha sila at halos pareho ang ugali. Sinabi na din ni Trisha ang kutob niya tungkol kay Bryan at nangako si Manang Saleng na tutulong siya para malaman nila ang totoo.
Kinagabihan, ng umuwi siya galing sa pwesto niya ay wala siyang makitang tao sa bahay. Pumunta siya sa kusina at nadatnan si Manang Saleng na nagluluto, tinanong niya kung nasaan ang anak at si Bryan ay sinabing nasa kwarto ng binata ang dalawa.
Pumunta siya doon at nakitang nakabukas ng kunti ang pinto, sumilip siya at nakitang naguusap ang dalawa habang nakahiga sa kama. Nakatingin sila sa kesama kaya hindi nila napansin ang presensya niya. Nakinig nalang siya sa pinagusapan ng dalawa.
“Daddy, do you like mommy?”, ang tanong ni Brayll.
“What do you by like?”, ang tanong din ni Bryan.
“Like, gusto, ganun po kung may pagtingin ka kay mommy”, ang sagot ni Brayll.
“Pano mo naman nasabi anak?”, ang tanong ni Bryan.
“Kasi po daddy lagi kong napapansin na panay ang sulyap mo kay mommy, tapos nakita ko pa pinicturan mo siya habang tumatawa. Nakita ko pa ngang hinalikan mo yun sa phone mo eh. Tapos nung isang araw natutulog ka sinasabi mo yung name ni mommy. Diba halata po na like mo siya?”, ang tuloy tuloy na paliwanag ni Brayll.
Hindi naman nakaimik si Bryan dahil totoo ang sinasabi ng bata, namula siya ng tuluyan. Maging si Trisha ay kinakabahan sa mga naririnig, alam niyang matalino ang anak at mapapaamin nito ang binata.
“Sige na daddy tell the truth, promise hindi ko sasabihin kay mommy. Tulad ng secret natin na crush ko si Jenna, please”, ang tumatawang sabi ni Brayll. Napangiti naman si Trisha dahil sa nalaman na niya ang secret ng anak.
“Yes Brayll, i like your mom. Hindi lang gusto kundi love ko na siya matagal na, simula nung nakita ko siya ulit sa reunion namin”, ang seryusong sabi ni Bryan.
-Teka akala ko ba si Cindy ang gusto niya noon? Bakit sakin nabaling ang pagmamahal niya? Bakit hindi niya sinabi agad? Bakit hinayaan niya akong mapunta kay Leo?- ang sunod-sunod na tanong ni Trisha sa isip niya.
“Dont worry daddy, tutulungan kita na ligawan si mommy”, ang masayang sabi ni Brayll.
“Talaga? Pero huwag mo munang sabihin sakanya na love ko siya ha, ako nalang magsasabi in the right time”, ang sabi ni Bryan
“Yes daddy promise”, ang sabi ni Brayll sabay halik sa pisngi ni Bryan. Nagkilitian na ang dalawa at nagtawanan.
Agad namang umalis si Trisha at hindi na nagpahalata, pumunta siya sa kwarto niya at doon nagisip ng nagisip.
Mapagbibigyan niya kaya si Bryan na ligawan siya ngayong kakampi ng binata ang anak niya? Abangan sa susunod na kabanata.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top