UNWANTED LOVE CHAPTER EIGHTEEN


DELLA SELLA: UNWANTED LOVE
(Series One)
AUTHOR REYN
CHAPTER EIGHTEEN
Pagdating ni Bryan ay deretso siya sa kusina, tinignan ang laman ng refrigerator at ilinabas ang pwede niyang iluto at inumpisahan na iyon. Habang nagluluto ay panay ang tingin niya sa cellphone niya at umaasang tataway si Trisha. Panay din ang lingon niya sa pintuan ng kusina nagbabakasakaling nandoon na ang hinihintay.
-Hindi pa kaya niya nababasa? Ano kayang reaksiyon niya ngayon?- tanong ni Bryan sa isip niya.
Pagkatapos niyang nagluto ay naligo na din siya, binilisan na niya ang pagligo at saka inayos ang pagkain sa baonan upang dalhin na sa ospital. Habang ilinalagay niya ang mga ito sa lunch bag ay narinig niyang bumukas ang pinto, at isinara iyon ng pabalibag.
Napahinto siya at linukob ng kaba ang puso niya, alam niyang si Trisha na iyon. Halatang galit dahil sa mabibigat na yabag na naririnig niyang palapit sa kinaroroonan niya. Pinakalma niya ang kanyang sarili at pinipilit na ngumiti.
“Sweetheart andi. . .”, hindi na naituloy ni Bryan ang sinabi dahil pakaharap niya kay Trisha ay isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya. Tumingin siya ulit kay Trisha pero malakas na sampal na naman ang natamo niya.
“Hindi ka nasasaktan? Ang kapal talaga ng mukha mo!”, singhal ni Trisha na noon ay masakit na ang tingin kay Bryan.
Hindi nagsalita si Bryan, nakayuko lamang ito at pinapakinggan si Trisha. Hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata ng kaharap dahil sa guilt na nararamdaman.
“Bakit mo nagawa sakin yun Bryan bakit? Sumagot ka!”, umiiyak ng tanong ni Trisha.
“Dahil mahal kita Trisha”
“Mahal? Hindi pagmamahal yun Bryan, kung mahal mo ako sana hindi mo sinamantala ang kalasingan ko!”
“Sinubukan kong pigilan ang sarili ko, but my heart always said that I love you. At nasaktan ako noong nalaman kong kayo na ni Leo. Nagawa ko yun dahil gusto ko mapasakin na kita”
“That’s not a valid reason, sinungaling! Hindi ka ba sinisingil ng konsensya mo hah! May lakas ng loob ka pang pumasok sa pamamahay ko at kunin ang loob namin ng anak ko!”
“Would you please believe me Trisha, humahanap lang ako ng good timing noon pero nakalimutan ko na iyon dahil nakatotok ang atensyon ko sa inyo ni Brayll. Trisha maniwala ka malinis ang intensyon ko, makinig ka naman sakin oh”
“Wala na akong dapat pakinggan pa Bryan. Kinamumuhian kita, pinagsisisihan ko na nakilala pa kita! Pinagsisisihan ko nagkita ulit tayo, pinagsisisihan ko na pinapasok kita sa buhay at sa puso ko, umalis kana!”
Sa mga huling narinig ni Bryan ay natigilan siya, ngayon nangyari na nga ang kinatatakutan niya. Pinapaalis na siya ng babaeng mahal niya, sa ikatlong pagkakataon ay mawawala na naman sa kanya ang babaeng mahal niya. Pati na rin ang anak niya, ito na ba ang kabayaran sa nagawa niya?
“Pakiusap naman Trisha, mahal ko kayo ng anak natin”, pagsusumamo ni Bryan at unti-unti ng umaagos ang luha sa mga mata niya.
“I Unwanted this kind of love Bryan. Kahit kailan hindi mo na kami malalapitan, umalis kana! umalis kana!”, sigaw ni Trisha habang umiiyak.
Pero hindi umalis si Bryan kung kaya si Trisha na ang tumalikod upang umalis. Pero mabilis na yinakap ni Bryan si Trisha habang nakatalikod ito. Nagpupumiglas si Trisha pero mas malakas ang mga bisig ni Bryan na nakapulupot sa baywang nito.
“Can you please let me hug you for the last time. Pangako hindi na ako...


magpapakita sa inyo hayaan mo lang akonv yakapin ka. Dahil ito na ang huling yakap na mararanasan ko mula sayo. Pipiliin kong lumayo kung iyon ang gusto mo, I just want to say sorry Trisha, but my I wanted this love, our love. Goodbye”, umiiyak na sabi ni Bryan at unti-unti ng lumuluwang ang pagkakayakap niya kay Trisha at saka na siya pumunta sa kwarto niya.
Napaupo si Trisha sa silyang nasa kusina, humahagulgol dahil sa sakit na nararamdaman niya sa puso niya. He trusted Bryan but this trust ruin everything. Her love, her trust, her life all of this are now broken.
Narinig ni Trisha na umandar ang kotse ni Bryan at umalis na, lalong nagpahirap sakanya na ngayon ay wala na ang lalaki. Bakit ba siya nasasaktan sa pag-alis ni Bryan samantalang kagustuhan niya ito. Dahil ba mahal na mahal niya ito? Pero hindi na niya ito dapat maramdaman sa taong hindi mapagkakatiwalaan. Nakaidlip si Trisha sa mesa, hindi na niya namalayan iyon dahil sa pagod at pag-iyak.
Pumunta si Bryan sa ospital upang sa huling sandali ay makita pa niya ito. Hinayaan naman siya ni Manang Saleng at malaya siyang nakalapit sa anak.
“This is the last time my son. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa inyo ng mommy mo, pero mahal na mahal ko kayo. Ipangako mong magpagaling ka ha at alagaa mo ang mommy mo, I love you”, sabi ni Bryan sabay halik sa noo ni Brayll. Tumulo ang luha niya sa noo ng anak at dahan-dahang pinunas niya iyon saka na nagpaalam kay Manang Saleng.
Nagising si Trisha dahil sa masamang panaginip, nadisgrasya daw si Bryan at namatay. Tumulo ulit ang luha niya ng maalala ang nangyari, inisip nalang niya na isang panaginip iyon at pinilit na kinakalimutan. Tumayo na siya para bumalik sa ospital ng mapansin ang pagkaing inihanda ni Bryan, kinuha niya iyon at saka umalis.
Pagdating niya sa ospital ay gising na si Brayll, at kausap si Manang Saleng. Sa sobrang tuwa ay yinakap niya ang anak, ngumiti naman si Brayll sa kanyang ina. Kumaen na sila at masayang nagkwekwentuhan. Pumunta ang doktor sa kanila at sinuri ulit si Brayll, maayos na ang bata at pwede na itong idischarge.
Makalipas ang isang araw ay nakauwi na sila, linibot ni Brayll ang paningin sa loob ng bahay na tila may hinahanap. Hindi ito nakatiis at pumasok sa kwartong tinutuluyan ni Bryan, sinundan naman siya ni Manang Saleng.
Pumasok si Trisha sa kwarto nila at inayos ang mga gamit, natatapos na siya ng biglang bumukas ang pinto at umiiyak si Brayll.
“Mommy is this true?”, umiiyak na tanong ni Brayll at ipinakita ang hawak na envelope. Kinuha ni Trisha at nakitang yung DNA test result ang nandoon.
“Mommy please sabihin mo po yung totoo”, ang tanong ulit ni Brayll.
Alam niyang matalino ang anak, alam niyang nabasa at naintindihan na nito ang nasa DNA test result. Kailangan lang nito ay ang totoo mula sa kanya. Nasasaktan siya na nakikita ang anak na umiiyak dahil sa kagustuhang malaman ang totoo tungkol sa kanyang ama.
“Y-yes baby, si daddy Bryan ang tunay mong ama”, umiiyak na ding sagot ni Trisha at saka yinakap ang anak.
“I want to see daddy, I want to see daddy”, paulit-ulit na sinasambit ni Brayll. Bagay na nagpapadurog sa puso ni Trisha.
Ano kayang gagawin ni Trisha ngayong ang anak na niya abg humihiling sa kanya na makita ang ama nito. Abangan sa susunod na kabanata.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top