VANESSA CHAPTER 29


____________
VANESSA ‘ POV
Nagising ako dahil sa ingay ng mga lalakeng nag uusap . Nakikinig lamang ako habang naka pikit parin ang mga mata ko.
“Balita ko isang sikat na mayaman daw yang pina dukot ni Madam saatin ” ani ng lalakeng maliit ang boses.
” alam mobang magkano ang makukuha natin ?” Tanong ng iaa pang boses ng lalake
” 100k daw tayo isa isa . Yun lang ang sinabi basta bantayan daw ng maigi yang babae at wag pakainin . Yun lang sinabi ni madam kanina ” sabi naman ng isang lalake na may pagka bisaya ang boses .
” kung hindi kolang talaga kailangan ang pera para sa anak kong may sakit. Hindi ko talaga to papasukin na trabaho. Buong buhay ko ngayon lang ako napasok sa Masamang gawain. ” malungkot na ani ng matandang lalake.
” lahat nman tayo ginagawa natin ito para sa mga mahal natin ” sagot naman ng lalakeng pinaka bata ang boses sa kanila. .
Gumalaw ako at nag mulat
“Kakambal kaya yan ni Madam magka mukhang magka mukha sila ” sabi ng lalakeng pinaka bata sa kanila .
Kumunot naman ang nuo ko sa narinig.
Kakambal ? Kailan pa ?
” sino ang amo niyo ” seryoso kong tanong sa kanila .
” sabi ko sino ang amo niyo. Bakit niyo ako kinuha anong kailangan niyo saakin ” aniko ulit
” tumahimik ka nalang . Wala kaming kailangan sayo pero ang amo namin meron . ” seryosong tugon ng lalakeng matangkad.
“Sino ang Amo niyo. Magkano binayad niya sa inyo. Titriplihin kopa ! Pakawalan niyo lang ako ” ani ko.
Naramdaman kong sumasakit ang dalawa kong Dibdib at ramdam korin paninigas nito. Marahil puno nanaman ng Gatas. Bigla ko tuloy naalala ang anak kong si Rafaela. Siguro nagugutom nayun kaya sumasakit dibdib ko dahil nandito ang gatas niya saakin.
Hindi ko mapigilan pangingilid ng luha ko.
” Pano kami maniniwala sayo at baka ipakulong mopa kami pag nag pauto kami sa yo. Kaya wag kana mag pumilit dyan. ” ani ng Matangkad na lalake.. ..
” mayaman ako. Mas mayaman pa ako sa Amo niyo kung sino man siya. Hindi niyo ba ako kilala. ? Ako si Princess Vanessa Salvi . Siguro naman narinig niyo na ang pangalan nayan. May isang salita ako. Pag sinabi ko ,ginagawa ko ” aniko
sumasakit na talaga dibdib ko. Ramdam korin pamamasa ng Bra ko.
Nakita nila na napapaiyak ako nakita korin nanlambot ang mukha ng matanda.
” ginagawa lang namin Trabaho namin. Ayaw rin namin makulong kaya dinamin alam kung mag titiwala kami sayo ” ani ng pinaka bata.
” Bibigyan ko kayo tig iisang million. At Bibigyan ko kayo ng marangal na Trabaho. Pinapangako ko. Tutulungan ko kayo. Kapag tinulungan niyo rin ako . Kailangan ako ng mga anak ko ,kakapanganak kolang kaya please pakawalan niyo na ako ” ani ko
Hindi kona napigilan mapa iyak sa harapan nila. Dahil sobrang nag aalala na ako sa anak ko. Hindi panaman yun dumedede ng kahit na ano .
Mabilis naman nila ako kinalagan. Kaya naman tumayo ako sa Harapan nila.
Lumapit ang isang lalake hawak hawak ang bag ko.
“Ma’am ito na bag niyo hindi namin yan ginalaw ” sabi ng lalakeng mataba .
“salamat ” aniko . At kinuha ang Cheke at pinirmahan ko at binigyan ko sila ng tig iisang million. Binigyan korin sila isa isa ng calling Card ko.
” Yan ang Calling Card ko. Tawagan niyo ako kung gusto niyo ng trabaho. Bibigyan ko kayo ng Maayos at marangal na trabaho. ” ani ko. Na kinaliwanag ng mga mukha nila
” maraming salamat po Ma’am patawarin niyo po kami napag utusan lang po kami. Kailangan kasi namin ang pera kaya pinasok namin apat to. ” sabi naman ng isang lalakeng nalukuha na.
“Sino sa inyo ang may anak na may sakit narinig ko kayo kanina ” aniko.
” ako po ma’am may Dengue po kasi ang anak ko wala naman akong perang pampahospital sa kaniya 8 po ang anak ko tanging pag lalako lang ng Puto ang kinabubuhay namin. Kaya patawarin niyo po ako kung bakit namin nagawa ito sa inyo ” umiiyak na sabi ng Matanda.
” naiintindihan kopo kayo. Bukas na bukas dalhin mo ang anak mo sa Hospital na pag aari ko. Wala na kayong proproblemahin. Sagot kopo lahat. Basta wag naho kayu gumawa ng masama. ” aniko. Tumango naman silang apat
” matanong kulang. Sino ang nag utos sa inyong dukutin ako? ” seryosong tanong ko. Sa kanila
Kung sino man siya humanda talaga siya dahil gagantihan ko siya.
“Si Madam Rita po ma’am . Akala namin kapatid mo or kambal magka mukhang magka mukha kasi kayo” sabi ng lalakeng mataba.
Napakuyom ako ng kamao. Peste talaga ng babaeng yun!
——-
RITA POV
PUtangina ! Hindi pwede to. Hindi Pa ako pweding mabisto dahil nag uumpisa palang ako.
Shit! bakit diko kasi naisip na...


aralin ang mga galaw at style ni Vanessa maging ang mga gusto at ayaw nito.
“WIFE DUMATING NA SILA KAYA BUMABA KANA DYAN ” ani ni sebastian .
Ang sarap naman pakinggan ang Wife
Hindi ko papayagang may maka sira sa mga plano ko. Papatayin ko muna kung sino man ang hahadlang.
Nakarinig ako ng sasakyan sa baba.kaya Mabilis akong bumaba. Naka suot lang ako ng maikling short at naka sando kaya kitang kita ang malalake Kong dibdib .
Tignan kolang kulang kung dika mag laway sa katawan ko sebastian .
Pag baba ko sumalubong agad saakin ang Dalawang bata tumatakbo papalapit saakin.
“Mamaaaaa / momaaaaa” sabay nilang tawag saakin. Ito yung mga batang kinidnap namin tsk buhay papala ang mga ito.
“Momaa asan kiss baby pani ” ani ng batang babae
Baby pani sino yun?
Yumuko nalang ako at hinalikan silang dalawa sa pisngi kaya umalis na sila sa harapan ko at lumipat naman kay Sebastian .
Ahhh pani Ba pangalan nila tsk ang Chachaka
Nakita kong pumasok ang babaeng mukhang Tomboy naka sumbrero Pa tsk ang baduy. May bitbit na isang batang babae na mukhang kanina Pa umiiyak.
Meron rin syang katabing lalake. Kung hindi ako nag kakamali ito yung pinsan ni Sebastian. May buhat ring bata
Napansin ko sa likod nila ang isa pang babaeng mukhang mataray mukhang napaka professional ng suot ma buhat ring bata
Ang katabi niyang matanda ay kilala ko si manang Rosa ang nani ni Vanessa. May buhat ring bata.
Bat ang daming bata naman dito..
Bahay ampunan naba ito..
“Ate Vani kanina Pa umiiyak si Rafaela. Nagugutom na. Padedein muna ate . ” sabi nung babaeng tomboy.
What?? Ako mag papadede
Mga anak bayan ni Vanessa
Pano nayan …
Sino ba ang mga to. Yaya ba ng mga bata
“Ah-ahhhh e may trangkaso ako kaya hindi akk pweding mag Pa Dede baka mahawa si baby. Sige mag papahinga muna ako ” ani ko at mabilis na akong tumalikod
Huh! Muntikan na ako.
JESSA. POV
tumawag si Kuya Sebastian na umuwi nadaw kami dahil nandito naraw si Vanessa. Kaya umuwi na agad kami. Pag dating namin ng White house , papasok palang kami nakita na namin sila kuya ssb at nasa likod nito ang babae.
Napakunot nuo ako dahil bakit kamukha ni Ate vanessa. Tinignan ko mula ulo hanggang paa.
Si Vanessa ba ito ?
Ang bilis naman atang humaba ang buhok niya kaninang umaga hanggang Balikat lang. Ngayon nasa Baywang na at ang bilis naman niya atang pumayat. . Kaninang umaga may taba Pa siya galing sa panganganak.
Napapansin Kong ang lalim ata ng iniisip niya. Kaya nag salita ako
” ate vani kanina Pa umiiyak si Rafaela. Nagugutom na padedein muna ate ” aniko.
Nakita ko pagka gulat ng mukha niya.
Tsk mukhang may mali
Pagka rinig ko palang ng Boses niya. Alam Kong hindi siya si Vanessa. Mabilis syang nag paalam at umalis. Sa harapan namin
“Ang weird naman ni Beshi “. Sabi ni ate Jenny sa Likod ko.
“Kuya kami na mag patulog sa mga bata. ” ani ko na tumango naman ito.
Napa tulog na namin ang mga bata. Si Manang Rosa nasa Kusina para mag handa ng meryende.
Ai ate Jenny naman naka tulog na sa tabi ng mga bata.
Lumabas na ako papuntang kusina
Nasa tapat na ako ng Hagdan ng maka Salubong ko ang babaeng kamukha ni Vanessa.
Mabilis siyang tumalikod kaya nag salita ako. Na kina hinto niya.
“Sino ka ” seryosong tanong ko.
Mukhang hindi niya ako kilala. Dahil kung si Ate vanessa ito kanina Pa niya ako niyakap at nag kwento.
” what hindi mo ako kilala? Ako si Vanessa ang asawa ni Sebastian bakit hindi mo kilala ang amo niyo! ”
Ano daw amo. Nag papatawa ba siya.
“E ikaw kilala moba ako? ” balik tanong ko sa kaniya
” hindi kona kailangan kilalanin ang mga yaya ng mga anak ko. ! ” mataray niyang sagot.
” kailan kopa naging amo ang Best friend ko. Hindi ikaw si Vanessa. Sino ka? ” aniko
“B-bestfriend ” utal niyang sabi na nag pangisi saakin.
” kung sino kamang impakta ka ngayon palang umalis kana at ilabas mo ang ate Vanessa ko ” sabi ko
” Satingin mo may maniniwala sayo pag sinabi mo sa kanila na hindi ako si vanessa paano mo nasasabing hindi ako si Vanessa alam mobang kaya kitang ipakaladkad palabas ” aniya.
“Unang tingin ko palang sayo at unang rinig ko palang ng boses mo alam konang hindi ikaw si Vanessa. Satingin moba hindi nila mapapansin yun.
Hindi ako magiging isang Secret Agent kung hind ako marunong kumilatis. Mukha lang nakuha mo kay Vanessa hindi Ang pag uugali at Style niya. ” aniko na kina putla niya
“You which ” aniya sasampalin niya sana ako mabilis Kong nahuli ang kamay niya at pinilipit.
“You Don’t know me bitch” aniko at malakas siyang tinulak sa hagdan.
//upNext Chapter 30 ” Face to Face ang dalawang Vanessa”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top