WALA TALAGANG SECOND CHANCES SA PAG-IBIG CHAPTER THREE


WALA TALAGANG SECOND CHANCES SA PAG-IBIG
(11)
CHAPTER THREE
________________________________________________
Katulad ng napag-usapan, maaga ngang nagising si Miyabelle kinabukasan. Excited nitong ginising si Andrei na halos ayaw namang humiwalay sa higaan. Pikit ang isang mata nitong tiningnan ang oras sa relo saka napakamot sa ulo nang makitang pasado alas-kuwatro palang ng umaga. Pabagsak na muling inihiga ang Andrei ang sarili sa kama tapos isinubsob ang mukha sa unan. Agad na humaba ang nguso ni Miyabelle dahil sa nakitang ginawa ng ama. Nilundagan nito ang likod ni Andrei sa inis. “Daddy! Wake up na! Wake up!” gising nito habang nakadagan at kinakabayo ang likod ni Andrei.
“Hmmm.. G-Give Daddy more minutes pa to sleep. It’s too early pa baby.” pakiusap ni Andrei pero hindi siya pinagbigyan nito. “No Daddy! Baka hindi nanaman kasi matuloy e. Gising na please..” giit parin ng bata.
Huminto lang si Miyabelle sa pangungulit matapos makarinig ng tatlong magkakasunod na katok mula sa pintuan. “Miya, Andrei? Gising na ba kayo?”
Nakilala agad ni Miyabelle ang boses ni Cecilia kaya dali-dali itong bumaba mula sa likod ng ama atsaka pinagbuksan ng pinto ang ginang. “Opo. Goodmorning po.” nakangiti pa nitong bungad.
“Ang tamis naman ng ngiting yan.” puri ni Cecilia. “Goodmorning din sayo Iha. Gising na ba ang papa mo?”
Bahagya pang nagulat ang ginang nang lumubo ang mga pisngi ni Miyabelle. “Hmp. Kanina ko pa nga po ginigising si Daddy pero tina-”
“Gising na ho ko Ma’am!” singit ni Andrei sa anak. Sa katunayan, bumangon na siya oras mismo pagkatapos marinig ang boses ng ginang. Mamaya kasi ano pang isipin ng mama ni Kristine kung hahayaan niya lang ang anak na makipag-usap dito. May pagkatabil na bata pa naman si Miyabelle at hindi marunong magsinungaling.
“Mabuti naman. May ipapakisuyo sana kasi ako kung hindi nakakahiya sayo Andrei.” usal ni Cecilia. Itinigil ni Andrei ang pagkukusot sa mga mata saka pumunta sa pinto para harapin ito. “Ano ho yun Ma’am?”
“Hmmm. Balak ko kasi kayong ipagluto ng kaunting handa para sa almusal at para narin sa tanghalian natin bago manlang kayo umuwi nitong ni Miya sa Manila.” pagkasabi’y marahan nitong pinisil ang dulo ng baba ni Miyabelle. “Hindi naman ako makakapamalengke gawa nang kailangan ko pang asikasuhin si Gerardo. Kaya ikaw sana ang hihingian ko ng pabor para mamalengke.” dagdag pa ni Cecilia.
“Wala hong kaso sakin yan Ma’am, ang problema lang po eh hindi ko po alam kung saan ang palengke at hindi rin po ako pamilyar sa pamimili.” nahihiyang amin ni Andrei.
“Naisip ko na yan Andrei kaya ginising ko na rin si Kristine para dalawa kayong mamalengke.”
Bigla siyang nagising at nabuhayan nang marinig ang pangalan ng dalaga. Hindi niya maitago ang ngiti sa mga labi matapos malamang makakasama niya si Kristine.
“Nag-aasikaso na siya sa silid niya kaya ikaw din mag-asikaso ka narin ng sarili mo.” pahabol na bilin ni Cecilia. Isinama nito si Miyabelle na umalis pagkatapos upang painumin ng gatas at pag-almusalin.
Kanina pa napapansin ni Kristine ang pangiti-ngiti ni Andrei at paminsan-minsang pagnanakaw nito ng tingin sakanya. Bakit kasi hindi nalang si Manang Selya na syang katiwala nila, ang inutusan ng mama niyang mamalengke tutal ito naman talaga ang namamalengke para sakanila. Wala siyang masamang tinapay kay Andrei, hindi rin siya galit o ano man. Basta magsimula kagabi, pakiramdam ni Kristine kailangan niya munang dumistansya sa lalaki. Nalilito kasi siya.
Pero salamat sakanyang ina dahil ginawa nitong imposible para sakanya ang iwasan ito. Obyus naman kasing sinasadya nitong paglapitin sila ni Andrei. “Iliko mo diyan sa kanto.” turo ni Kristine.
Mabako na ang daan sa parteng ito dahil hindi pa natatapos ang pagkokonkreto sa kalsada. Napapangiwi tuloy si Andrei sa tuwing madadaan sa malalim na lubak ang...


gulong ng kotse nito.
“Is this the place?” tanong ni Andrei. Tinutukoy nito ang lumang pamilihang bayan ng kanilang lugar. “Oo. Iparada mo nalang diyan sa gilid ang kotse.” aniya.
May bitbit na bayong si Kristine sa tig-isang kamay na agad namang inako ni Andrei ang pagdadala. Medyo may kadiliman pa sa paligid dahil pasilip palang ang araw sa kalangitan. Gayunpaman, marami na silang nakikitang mga tao na tapos nang mamalengke at mamimili palang din tulad nila.
Unang pinuntahan nila Kristine ang bentahan ng isda para bumili ng tig-isang kilo ng bangus at tilapya. Tinunton nila ang maliit na puwesto ni Aling Rosing na matagal na nilang suki na tindera ng isda. “Magandang umaga po. Isang kilong tilapya at bangus po.” bati dito ni Kristine.
Nginitian siya nito. “O ikaw pala yan iha. Magandang umaga din sayo. Bakit ikaw ata ang namalengke ngayon?” may pagtatakang tanong ng ale.
“Wala ho kasi si Manang Selya at abala din ho ang mama sa pag-aasikaso kay papa.” paliwanag naman ni Kristine.
“Ganun ba. Kailan ka pa pala naikasal iha?”
Awtomatikong dumulas sa kamay ni Kristine ang hawak na isda matapos marinig ang tinanong nito. “Ano ho, ako naikasal?” ulit niya. Wala siyang kaide-ideya noong una kung saan nito nakuha ang tanong hanggang sa muli itong magsalita. “Kako kailan ka nakasal, asawa mo yang nasa likod mo diba? Bagay na bagay kayong dalawa. Parehong guwapo at maganda.”
Umarko ang isang kilay ni Kristine sabay tingin kay Andrei. Nahuli niya itong ngiting-ngiti at nakathumbs up pa sa tindera. Pasimple niya itong siniko sa sikmura, “Nagkakamali ho kayo. Hindi ko siya asawa. Kaibigan lang ho.” paglilinaw naman ni Kristine.
“Ay! Ganun ba! Pasensya na akala ko kasi.. Mag-asawa kayong dalawa. Pero tunay naman ang sinasabi ko sayo iha, bagay kayo.”
Sumingit si Andrei sa usapan. “Wag po kayong mag-alala Manang. Kapag nagkatotoo hong kinasal kami, sa inyo ako bibili ng mga isda na ihahanda namin.” hirit nito na inirapan lang ni Kristine.
“Sana’y magdilang anghel pala ako noh.” biro naman ng ale bago iniabot ang dalawang supot ng isdang binili nila. Si Andrei ang nagprisintang magbabayad, wala ng nagawa si Kristine nang mabilis na nakadukot ang lalaki ng pera sa pitaka. Dalawang libung piso ang halagang ibinayad nito sa nagulat pang si Aling Rosing. “Keep the change na po.” anito na labis ikinatuwa ng tindera.
“Ang galante mo pala.” tukso ni Kristine. Ipinagkibit balikat lang naman ito ni Andrei atsaka matipid siyang nginitian.
Sa katunayan, sa buong pamamalengke ng dalawa ilang beses pa nilang narinig ang parehong reaksyon mula sa iba’t ibang tindera. At katulad ng ginawa ni Andrei kay Aling Rosing, nagbayad ito ng labis sa presyo ng kanilang ipinamili.
Si Kristine nalang ang hindi nakatiis sa pinag-gagagawa nito kaya pagkatapos na pagkatapos nilang mamili, hinila niya na agad si Andrei palabas ng palengke. “Si Kuya Wil ka ba?” sarkastiko niyang tanong.
“Of course not.” sagot ni Andrei. “Di hamak na mas pogi at mas matangkad ako dun.” Napatampal si Kristine sa noo dahil sa narinig saka umiiling na pumasok sa loob ng kotse. Sumunod naman si Andrei nang matapos nitong ilagay sa trunk ang lahat ng mga pinamili nila.
“I still can’t believe na ganun ka lang kadali magsayang ng pera.” naghihimutok paring reklamo ni Kristine sa lalaki. “Hindi ako nagsayang ng pera.” saad ni Andrei, tinaasan ulit ito ng kilay ng dalaga.
“That’s a tip for their hardworks. Kung tinapon ko sa basurahan o sinunog ko, yun nagsasayang ako ng pera.” paliwanag pa nito. Kristine rolled her eyes with dismay. Parang di niya naman kasi alam ang totoong dahilan nito. “Bahala ka. Pera mo naman yan kahit maubos.” sambit niya.
Tinawanan lang siya ni Andrei. “Marami akong pera.”






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top