ππππππππ 1
“A-yoko na…N-nandyan na naman s-siya. S-sasaktan na naman nya ko. Ayoko n-na. Ayoko na!”
Napabalikwas ako sa aking higaan dahil sa isa na namang masamang panaginip na kasa-kasama ko na ‘twing matutulog. Bumangon ako at pumuntang kusina para mahimasmasan man lang. Napatingin ako sa cellphone ko, ala sais na pala ng gabi. Bumalik ako sa kwarto, naligo at gumayak na para sa aking trabaho. Sa tapsilogan na lang ako muli kakain at nawalan na ko ng gana pang magluto. Ini-ready ko muna ang damit na susuotin para mamaya at ang aking puhunan. Make up at pabango. Mabilis ako lumabas at nilock na ang maliit na bahay na pamana pa sa akin ng magulang ko. Mabaho, magulo, mausok galing sa mga yosi ng tambay o kaya sa iba’t ibang ihawan, maingay na mga nagchichismisan, at sumisigaw na mga lasing o ‘di naman kaya sigawan ng mag-asawang nag-aaway. Iyan ang normal nang tanawin sa akin pagpasok at paguwi galing trabaho. Sanayan na lang, aba ewan ko na lang kung ‘di ka pa masanay kung simula pa lang nung inire ka ito na ang kinamulatan mo sa squatter. Nang mapadaan ako sa tumpukan ng nagiinuman, agad akong hinarang ni Bert. Isang lalaking moreno, payat, may kaliitin, walang pang-itaas, namumungay ang mata siguro sa kalasingan, at okay naman ang itsura. Naghiyawan pa nga ang mga kainuman nito. Inirapan ko na lang ang mga ito at tamad na tiningnan ang kaharap.
“Masarap. Bagong sweldo ako ngayon. Baka pwede naman..” namumungay na matang sabi nito sa akin.
“Pwede naman. Basta alam mo na ang kalakaran tamang bayad-tamang sarap, sobrang bayad-sobrang sarap at malaking bayad-ligaya. Kaya kung wala ka din namang datung aba’y stop na kung ayaw mong saktan ng puson.” paanas ko pang sabi. Na parang nagse-sales talk lang ng promo ng mumurahing pagupitan. Sasagot na sana sya ng biglang lumapit ang asawa nitong may bitbit na sanggol at may bata pang nakahawak sa duster nito.
“Layuan mo ang asawa ko! Pokpok na ito! Malandi!” nakasigaw nitong sabi at hinila ang asawa nya sa tabi nya. Inirapan ko ito at nakahalukipkip na hinarap ang babae.
“Pokpok man sayong paningin ngunit maganda at malinamnam pa rin, kaya’t asawa mo’y haling sa akin.” Makata ko pang pang-aasar at kinindatan pa siya. Nagsigawan muli ang mga lasenggo sa amin ng marinig ako. Isinisigaw pa nila ang pangalan ko kaya kinindatan ko din sila. Galit na galit na tumingin sa akin si Alma na asawa ni Bert. Nginisian ko ito bago tinalikuran, ngunit huminto din ako sabay sabing “Ang losyang mo na kasi girl. Kaya hindi ko masisisi asawa mo e kung naakit sa alindog ko. Paano kumbaga sa isda bilasa ka na. Friendly advice ha, ligo din pag may time. Medyo maasim na e. Bye..” maarte pa kong kumembot at kumaway kaway sa mga instant audience na pala namin na naghihiyawan muli. May naririnig pa kong ‘sa pula sa puti’. Sabik na naman sila na pagpustahan ako, sabong lang?
Umorder na ko ng tapsilog at RC na maiinom. Nanghingi na din ako ng sabaw na mahihigop ko. Suki na ko dito, parati akong dito kumakain kapag tinatamad akong magluto. Malinis at mura pa kasi sa halagang 35 lang, may kanin, tapa, itlog, sabaw at unlimited toyo, suka, ketchup at malamig na tubig pa. San ka pa? Okay nagse-sales talk na naman ako kung makakapag-aral lang ako bagay talaga sa akin ang kursong Marketing e. Haha. Naalala ko na naman ang eksena ko kanina. Oo, totoo iyong sinabi ni Alma pokpok ako. But not your typical pokpok, pokpok with brains ito noh. Madiskarte at praktikal kumbaga. Maaring iniisip nyo na nagpapagamit ako, madumi, whether you believe it or not. Hindi. Ginagamitan ko talaga ng utak. Kapag tine-table ako at ite-take out, sinisiguro ko na lasing na lasing na ang costumer ko, minsan ginagamitan ko ng sleeping pills o kahit isang masarap na massage lang ‘pag lasing na lasing tulog na agad sila. At pagkagising nila nagiging writer ako at gumagawa ng napakasarap na kwento. Haha. Easy money ika nga. Tinapos ko na ang pagkain at inabot ang bayad. Sumakay na ko sa jeep papunta sa trabaho ko. Malapit lang naman ito sa tinitirhan ko. Pagkababa ko agad kong nasilayan ang pangalan ng pinagtatrabahuhan ko, LASANG PANG-MASA iyan ang mababasa mo. Kalat na ang mga babaeng nakasuot ng maiikling kasuotan, may suot na nagkakapalang make up at nagbebenta ng laman. May iba ding bugaw na naroroon.
Kanya-kanyang alok..
Lahat desperadang kumita..
Lahat kumakapit sa patalim kapalit ng perang kikitain na panglamang tiyan para mabuhay..
Pagpasok ko wala pa masyadong tao, ngunit may nagsasayaw ng nakahubad sa stage. Binati ako halos lahat ng mga katrabaho ko. Hindi na kasi iba ang turingan namin dito, kahit ganitong uri ang hanapbuhay namin. Pamilya pa din ang tingin namin sa isa’t isa. Pumasok na ko sa may kalakihang silid na naglalaman ng malaking salamin at lamesa sa...
This blog site is pretty good. How can I make one like this !
continue po