Sa lahat ng tao sa paligid, nakatitig lang ang mga mata ko sa iisang babae.
Babaeng matagal ko nang gusto, matagal ko nang gustong maabot kahit pa lagi ay nasa tabi ko lang siya.
Napahinga ako ng malalim. Sobra akong kinakabahan hawak ang isang bulaklak. Nakakailang kamot narin ako sa ulo ko, nagdadalawang isip kung dapat ko pa ba siyang lapitan.
Shit naman.
Pinagpapawisan ako ng sobra at halos nanginginig nang lumapit kay Grace. Ang girl bestfriend ko na matagal ko nang gustong maging girlfriend.
Noong makita ko palang siya noon ay alam ko na sa sarili kong gusto ko siya. At kahit pa matalik na magkaibigan na kami ngayon, mas gusto ko parin ng higit pa ro’n.
Dahil napaka imposible namang hindi ka mahulog sa isang babaeng sobrang bait, maganda, madaldal pero maalaga.
Lahat nang gusto ko sa isang babae ay nasa kaniya na. Swerte ako at naging kaibigan ko pa siya.
“G-Grace..”
Nakangiting lumingon sa’kin si Grace. Tinigilan sa pagkain ang binili ko para sa kaniya na ice cream. “Hmm?”
“A-Ahm.. may tanong ako.”
Ilang sandali niya akong tinitigan, saka nangunot ang noo niya.
“Bakit yata seryoso ka?” Saka siya natawa. Pinilit kong umayos sa harap niya dahil napapatitig na naman ako sa maganda niyang mukha na nakangiti.
“Ano bang gusto mo sa isang lalaki?” Deresto kong tanong. Napahinto naman siya.
“Hmm,” Umakto siyang nag-iisip. “Gusto ko syempre yung gwapo, maalaga rin tulad ko, sweet…”
Marami pa siyang sinabi. Halos ‘di ko na nasundan. Pakiramdam ko kasi talo na ako, unang gusto niya palang mukha kasing hindi na ako pasado.
Hayst.
“Ba’t mo natanong?”
Napakurap-kurap ako sa kaniya. Saka bumalik sa’kin ang tunay na dahilan kung ba’t ko nga ba siya tinanong no’n.
Dahil do’n ay bumalik na naman ang kaba sa puso ko. “A-Ah eh…”
“Ano?” Nakatitig parin siya sa’kin habang hinihintay ang sagot ko. Mas lalo akong kinabahan.
Huminga ako ng malalim, kumukuha ng lakas ng loob. Saka ko siya derestong tiningnan sa mata.
“Pwede bang maging tayo?”
Siya naman ang natigilan. Kaya sandali kaming nanahimik.
Nang bigla ay tumawa siya.
“Hahahaha!”
Nakagat ko ang sariling labi. Para akong naputulan ng dila dahil sa kahihiyan.
Sabi na eh. Hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa’kin.
Pero ayos lang sa’kin. Atleast, alam ko sa sarili kong sinubukan ko—
“Tandaan mo kung anong araw ngayon. Ganitong araw tayo mag-aanniversary.”
Natigilan na naman ako at halos paghinga ko ay huminto rin! Abot-abot ang kaba kong tanungin siya.”H-Huh? Tayo na?”
Humagikhik pa siya. “Oo na.”
“YES!” Saka ay mahigpit ko siyang niyakap. Nag-uumapaw ang saya sa puso ko, at hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ‘to.
___
Napapangiti pa ako sa t’wing naaalala ang araw na ‘yon. Araw kung saan tinapos na namin ang pagkakaibigan namin, at araw kung kelan nagsimula kaming magmahalan.
Dahil naisip ko siya ay sinubukan ko ulit siyang tawagan. Pero tulad kanina, hindi parin siya sumasagot.
“Bakit ba ayaw mo sumagot babe?”
Naiinis kong tinapon ang cellphone ko sa kama ko. Kahit naiinis, mas nangingibabaw parin ang kaba sa’kin. Nag-aalala kasi ako kung ano nang nangyari sa kaniya at hanggang ngayon, hindi pa rin...