WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO Chapter 23


David’s POV:
MAHIGPIT kong niyakap at pinupog ng halik si Kate nang bumalik kami sa mancion.
Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isipan ko ang katagang sinabi niya dahilan para mahalin ko siya lalo.
Buong akala ko kasi, iiwan niya ako at pipiliing sumama sa ex-boyfriend niya na ama ni Michael, but I was wrong.
Sa halip, pinagtanggol niya rin ako at pinamukha sa lalaki na ako ang karapat-dapat para sa kanila.
I know, marami pang darating na problema sa amin, pero handa akong harapin ‘to na kasama si Kate ang anak namin na si Michael.
“Papa, andito pa ako sa gitna niyo. Mahiya naman po kayo sa akin.”, bigkas ng bata kaya napahiwalay ako sa mukha ng babae.
Narinig ko naman ang tawa ni Kate at piningot ang anak niya.
“Ikaw talaga, minsan hadlang ka sa kaligayahan ng mama mo.”, she said to her son.
“Hindi naman po mama, hindi lang po ako makahinga. Tsaka medyo mahabo ka po. Remember, hindi tayo naligo at nagsipilyo nung umalis.”, pagsasabi nito.
“Kaya pala medyo mabaho ang hininga mo, honey.”, turan ko naman.
“Hoy hindi ahh! Hindi sa lahat ng oras, nagsasabi ng totoo ang mga bata.”, pagdedepensa ni Kate.
“Pero yun ang naamoy ko eh.”, pamimikon ko sa kanya.
“Gago! Hindi nga sabi! Kahit hindi ako maligo, mabango ako. At kahit hindi ako magsipilyo ng ilang araw, mabango pa rin ang bibig ko.”, inis n’yang tugon.
“Masyado ka namang pikunin, honey. Kahit isang taon ka pa, hindi magsipilyo, handa akong halikan ka. Like this.”, bigkas ko at madiin siyang hinalikan sa labi.
“Aray ko po! Naiipit niyo na naman po ako!”, impit na sigaw muli ni Michael.
Hays. Dalawang beses n’ya na kaming binitin.
“Sorry po papa, pero pwede po ba? Do’n po kayo sa kwarto mag-ganyan. Kasi ang sakit sa mata.”, wika nito at tumakbo na sa taas.
Pero bago ‘yon, may iniwan s’yang salita.
“Sana all, hinahalikan.”, pahabol na bigkas niya.
ABOT-tanaw na lang namin ang bata nang pumasok ito sa kwarto.
Halata kasi sa mata niya na medyo nabitin siya sa tulog. Dahil siguro, ginising ni Kate ang anak niya. Pati tuloy si Michael, naguluhan sa nangyari ngayon.
But one thing, I’m sure right now, malaki ang pag-asa ko sa kanilang dalawa.
Kaya kapag sinagot ako ng babae, aasikasuhin...


ko na agad ang pagiging ama. Yes, I want to adopt Michael, para maging legal na tatay na ako sa kanya.
“Thank you.”, mahinang bigkas ni Kate sa tabi ko.
Napalingon naman ako sa gawi nito, dahil dapat ako ang magpasalamat, pero siya itong nagsabi no’n.
“You complete us. Yung dapat na ginagawa ng isang ama, ikaw ang nagparanas kay Michael. And you know what, kahit ilang taon pa ang relasyon namin ni Derick, hindi ako manghihinayang na palitan siya.”, she said while smiling.
Hindi ko tuloy maiwasan na kiligin sa simpleng banat nito.
Natural na rin siguro sa lalaki ang maging masaya, dahil sa babaeng kasama niya.
At eto ang pakiramdam ko ngayon.
Kate complete me also.
Minahal ko siya, hindi dahil kamukha niya ang ex-girlfriend ko.
I just love her, because that was I feel.
Mabuting tao ang babae, at alam ko na hindi siya gagawa ng ikagagalit ko.
“Damn honey, you make me proud.”, malambing na sambit ko nang yakapin muli siya.
“Proud?”, she asked.
“Yeah. Yung ginawa mo kanina. Hindi ko inexpect na sasabihin mo ‘yon.”, turan ko kay Kate.
Until now, I feel the butterfly inside my stomach.
“Bakit naman?”, pagtatanong nito.
“Akala ko kasi, iiwan mo ako dahil bumalik na siya.”, saad ko para sabihin ang totoo.
“Well, hindi ako ganyan na tao, David. May isang salita ako. Sana gano’n ka na rin, kapag dumating na si Katrina.”, pahayag ni Kate na tila binalik sa akin ang salitang sinabi ko sa kanya.
“What do you mean?”, kunot-noo na bigkas ko.
Huminga siya ng malalim at tila hinimay-himay ang bawat detalyeng pumasok sa isip niya.
“Bumalik si Derick, para siraan tayo. Para guluhin tayo. At alam kong gano’n ang gagawin ng ex mo sa atin. So I’m expecting na ipagtanggol mo rin ako, kagaya ng ginawa ko.”, wika nito dahilan para makuha ko ang pinupunto niya.
“Ssshh. Kahit hindi mo ipa-alala, of course I will do it. You are now my life, honey. You’re also my source of happiness. Kaya, wala kang dapat na ipangamba. I’m here, always beside you.”, tugon ko na lamang kasabay ng paghalik ko sa noo ng babae.
Siguro nga, tama siya.
Maraming darating para guluhin kami.
Pero isa lang ang kinatatakutan ko na dumating. At ‘yon ay walang iba kundi si Mom.






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. next p Wala p b

  2. sana matanggap ng mama ni david c kate

Leave a Reply


top