WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO CHAPTER 55


DAVID’s POV:
HINDI ako makatulog ngayon habang iniisip ang sinabi ni Sandra.
Ano ba ang dapat kong malaman sa kanya?
Matapos niyang bigkasin ang katagang ‘yon, hindi na mapakali ang utak ko.
“David.”, saad ni Katrina sa pangalan ko.
Pumasok siya sa guest room namin at dito muna ako natulog.
Ayokong makatabi ang babae dahil mainit ang dugo ko rito.
“Ano bang ginagawa mo? I told you to stay away from me. Kaya nga lumipat na ako ng kwarto diba? Because I don’t want to see your face!”, inis kong wika.
“Asawa mo ako, David. Kaya natural lang na tumabi tayo sa iisang kama. That’s why I’m here.”, aniya ni Katrina.
“Nagtitimpi lang ako sayo, Kat. Kaya habang maaga pa, umalis ka na at huwag na huwag mo akong kakausapin.”, pagalit na pahayag ko.
Hindi pa sana ito aalis, pero binigyan ko siya ng nakakatakot na tingin dahilan para lumabas ito ng kwarto.
TANGINA!
Kapag nakahiram ako ng pera kay Sandra, isasama ko sa pag-asikaso ang annulment. Gusto ko ng makalaya sa kamay niya. Dahil hindi ko masisikmura na makasama ang taong pumatay sa anak ko. Siya pala ang sumira ng pamilya namin.
At dapat kong alamin kung sino ang kasabwat niya.
Idinaan ko na lang sa pagpikit ng mata ang galit ko, kaya tuluyan na akong nakatulog.
I guess, 7 a.m in the morning nang magising ako. Tumawag kasi sa akin si Sandra at sinabi niya na magkikita kami sa isang beach na hindi naman kalayuan.
Hindi ko na tinanong kung bakit doon kami magkikita dahil nagmamadali siya.
Sa tingin ko, tatakas ‘yon sa boyfriend niya dahil baka hindi siya payagan.
Kung sabgay, kahit ako naman, hindi ko papayagan si Kate na umalis at makipagkita sa ibang lalaki.
Shit! I mentioned her name again!
Hindi ko talaga maalis sa isip ko ang asawa ko.
“Saan ka na naman pupunta? Nagluto ako ng almusal, David. Kaya pwede bang kumain ka muna? Don’t stress yourself. Nakuha na ni mommy ang kontrata mo kay Sandra na ‘yon.”, wika ni Katriana nang bumaba ako.
Nakabihis na ako sa mga oras na ‘to kaya nahalata niya na may pupuntahan ako.
“Wala akong gana.”, tanging tugon ko.
Sumakay na ako sa single na motor, at pinaharurot ito.
Sa bilis ng pagda-drive ko, nakarating agad ako sa beach.
Inilinga ko ang aking tingin sa bawat sulok dahil alam kong naghihintay sa akin si Sandra.
Pero laking gulat ko nang sundutin niya ako sa likod.
“Kahit saan ka lumilingon, nandito lang ako.”, sambit nito na medyo natatawa.
Damn! She’s like an angel. Ito rin ang unang beses na nakita ko siyang tumawa na sobrang totoo sa sarili.
“I’m sorry. Hindi ko kasi–“,
“Matangkad ka lang David. Kaya kung sasabihin mo na pandak ako, better shut your mouth.”, pagsusungit niya na tila nagbago ang...


mood.
Babae nga naman.
“Anyway, let’s go. Doon tayo mag-usap. Gusto ko sa pinakadulo. Tahimik do’n at walang tao.”, saad niya sabay hawak sa kamay ko.
To be honest, naninibago ako sa kilos ni Sandra.
Yung ugali ni Kate, nakikita ko sa kanya ngayon.
“Bakit pala gusto mo dito tayo mag-usap? Mahalaga ba ang sasabihin mo?”, I asked.
“Huwag ka munang madaldal, naglalakad pa tayo.”, turan nito habang patuloy kaming humahakbang sa buhangin.
Hindi nagtagal, natunton namin ang tinutukoy niya.
Bumitaw na siya sa palad ko at nagsimulang magkwento.
“Alam mo ba, may anak din ako.”, pag-aamin nito dahilan para mabigla ako.
Gulat na gulat ako dahil buong akala ko, dalaga pa si Sandra.
“What? May anak ka? At sino ang ama? Yung boyfriend mo ngayon?”, sunod-sunod na saad ko.
“Yeah. May anak kami ni Derick. Actually, ang kulit ng anak namin eh. Oras-oras, lagi akong inaaway. Lagi niyang sinasabi sa akin na ang panget ko tapos ang pogi ng papa niya.”, aniya ng babae.
Napapatawa ito habang dinedescribe ang bata.
Wala akong magawa kundi ang titigan siya. Blangko ang isipan ko. Dahil buong akala ko, kay Kate lang may anak si Derick. Hindi ko lubos maisip na pati pala kay Sandra, may anak siya.
Gago talaga ang lalaking ‘yon! Matagal niya na palang niloko si Kate.
“Pero yung papa na tinutukoy niyang pogi, hindi si Derick. Hindi niya pa kasi kilala ang totoong papa niya dahil nga nag-abroad si Derick habang nasa tiyan ko pa siya.”, she continue.
Teka nga, bakit parang pamilyar yata ang nangyari sa kanila ng asawa ko?
Ibig sabihin ba nito, pareho silang pinagsabay?
“Are you listening? Kasi kung hindi ka nakikinig, hindi ko na lang itutuloy ang kwento ko at umuwi na tayo.”, wika nito.
Nakatulala kasi ako sa kawalan dahil masyado akong nalilito.
“Pasensya na, naalala ko kasi ang asawa ko sa kwento mo. Katulad na katulad eh.”,
“Talaga ba? Paano mo nasabi?”, she asked.
“Ayokong saktan ang damdamin mo, Sandra ha? But you need to know this. Ex- boyfriend ng asawa ko si Kate. Nagkaanak din sila. At yun ay si Michael. Siya yung kinikwento ko sayo na tinuring ko na anak.”, mahinahon na litanya ko.
“Gano’n ba? Oo nga. Parehong-pareho. Nagkaiba lang dahil yung anak ko, namatay siya. Namatay siya dahil sa lason.”, bigkas ni Sandra.
“Lason? Nalason ang anak mo?”, pagtatanong ko ulit para makasiguro.
Tumango naman siya kaya hindi ko maiwasan na malungkot sa kanya.
“Kung mamarapatin mo sana, pwede ko bang malaman ang pangalan ng anak mo?”, usal ko sa babae.
“Of course.”, ngiting tugon niya.
“His name is….. Michael. Siya yung anak natin, David.”, sagot nito na halos ikalumpo ko.
Nanlambot kasi ang tuhod ko sa sinambit niya.
“David, ako si Kate. Ako ang asawa mo.”,
END OF CHAPTER 55
Β©Binibining_Timoji






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top