WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO CHAPTER 63


SANDRA’s POV:
“SAAN natin dadalhin si Deo?”, tanong ni David habang nagmamaneho siya.
Nagawa na rin namin na igapos at lagyan ng tape ang bibig ng lalaki para hindi ito makawala at makasigaw.
This is my plan. Ang sulungin ang butas para makapasok sa katotohanan.
I know that there is a story behind this.
May dahilan din ang lahat kung bakit umaakto si Deo bilang David.
At ito ang gusto kong malaman.
“Ikaw ang bahala kung saan. Basta walang tao.”, aniya ko bilang sagot.
“Okay. May alam akong lugar.”, tugon niya at tinuon muli ang mata sa daan.
Hindi ko maiwasan na sulyapan ng tingin si David.
Simula nung umamin ako sa kanya na ako si Kate, bumalik ang sigla ng binata.
Pero hindi maalis sa mata ni David na medyo nasasaktan pa siya sa mga nangyayari.
“Buti na lang matalino ka. Kasi kung nagkataon na ikaw ang nakainom ng wine na hinain niya, baka kung napano ka na.”, wika ng lalaki bilang pagbubukas ng topic.
“Ilang beses ko ng sinabi sayo diba? I can handle myself. Kung pautakan ang pag-uusapan, magtraining muna sila. Minsan na akong nadapa kaya hindi ko na uulitin pa ‘yon.”, turan ko muli.
“I’m so proud of you. Kahit may nagbago man sa atin, nakakatuwang isipin na you can protect yourself now.”, pahayag niya sabay ngiti sa akin.
Hays. Lumalambot ang puso ko kapag ganito siya makatingin.
Kaya iniwas ko ang mata kay David at tumingin na lamang sa daan.
After an hour, we reached the place that he’s talking about.
Medyo liblib na nga ito at luma ang gusali.
“Be careful, yung hindi siya magising.”, saad ko rito habang binubuhat ang kambal niya.
Ang hirap ng sitwasyon ko.
Pero narealized ko na mas mahirap ang sitwasyon ni David.
Imagine, mismong kadugo niya ang kalaban niya.
Kung meron ako na ganitong kapatid at trinaydor ako, siguro mababaliw ako sa kakaisip.
So I’m very thankful dahil nag-iisa lang ako.
Nabuhay akong mag-isa at walang kapatid.
Kaya ayon, wala akong pinoproblema.
Pumasok ako kami sa ugali at muling ginapos ni David si Deo.
Nakaupo na ito at tulog na tulog pa rin.
Masyadong matapang ang gamot na nilagay nito sa alak dahil kahit anong alog ang gawin mo, hindi pa rin nagigising ang tao.
“What’s the next?”, tanong nito.
“Just wait, okay? Because I know, may tatawag din sa cellphone niya. In that case, matetrace natin kung sino pa ba ang nasa likod ng lahat.”, ngising turan ko.
“Grabe! Namamangha lagi ako sayo. It’s a good idea, Sandra.”, komplimento...


niya.
“Salamat.”, tanging sambit ko.
Kinuha ko ang cellphone ni Deo at kinalikot ito ng mabuti.
Finger lang naman ang kailangan para mabuksan ang phone niya kaya hindi ako nahirapan.
So I look at the gallery, pero wala itong laman na pictures.
I guess, para sa contact niya lang ito.
“Sa palagay mo, bukod kay Katrina, sino pa ang kasama nila?”, I asked David.
I feel something wrong. Iba kasi ang pintig ng puso ko ngayon.
Feeling ko, may dapat pa akong malaman.
“Hindi ko pa masagot ‘yan, Sandra. I don’t have any evidence. Wala pang sinasabi sa akin ang inutusan ko.”, pagwiwika niya.
“Bakit? May kutob ka pa ba kung sino?”, patuloy na tanong ng lalaki.
“I don’t know. It so weird. Pero bahala na. Basta ang mahalaga, malaman ko ang katotohanan ngayon.”, tanging turan ko.
Umupo muna ako saglit para ipahinga ang isipan ko.
Kaso ilang minuto ang lumipas, may biglang tumawag sa cellphone ni Deo.
Tinitigan ko ng mabuti ang unknown number dahil sobrang familiar ito sa mata at utak ko.
Ewan ko ba, lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib at nangangatog ako na sagutin ang tawag.
“Where the hell are you, Deo?! Kanina pa ako pabalik-balik sa restaurant na kinainan niyo ni Sandra, pero wala kayo dito. So nasa’n ka ha? Saan mo dinala ang babae? Diba sinabi ko sayo na wala kang gagawin na masama sa kanya? Ang utos ko, takutin mo lang at magpanggap ka bilang David.”, mahabang wika niya na tila umaapaw ang kainisan.
Si Derick?!
Si Derick ang nasa kabilang linya.
Kasabwat niya si Deo sa pagpapaikot sa akin?
The heck! Bakit niya nagawa ‘to sa akin?
I trusted him. At tinulungan niya rin ako para baguhin ang mukha ko.
Then now, malalaman ko na may kinalaman din siya?
“Tangina Deo! Sumagot ka! Saan mo dinala si Sandra?! Don’t you dare to–“,
I end the call.
Hindi ko na siya pinatapos pa.
Malinaw na sa akin ang lahat.
Yung boses niya at yung mga sinabi niya ang naging rason para kamuhian ko siya lalo.
“Sandra, are you okay? Sino ang tumawag? Si Katrina ba ‘yon?”, sunod-sunod na bigkas ni David.
“H-hindi. It’s Derick. Siya ang tumawag. Magkakilala na sila ni Deo. N-niloko niya ako.”, I said.
My tears fell down, because of the pain.
Masakit din pala na lokohin ka ng taong pinagkatiwalaan mo ng husto.
Akala ko pa naman, nagbago na siya.
Pero hindi eh.
Gumamit pa siya ng ibang tao para siraan lang si David.
Damn it!
END OF CHAPTER 63






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top