SANDRA’s POV:
NANLULUMO pa rin ako sa katotohanan.
Pero walang patutunguhan ito kung hindi ako gumagalaw at naghahanap ng ebidensiya.
I need to do something to know the whole story.
Litong-lito ako sa mga nangyayari.
Hindi ko na matanong pa si nanay dahil patay na ito.
Yung papa ko rin, matagal na akong tinalikuran. Hindi ko nga siya kilala dahil tinakbuhan daw nito ang responsibilidad bilang ama sa akin.
Kaya sa murang edad, nagtrabaho na ako.
At dahil do’n, nakilala si Derick na binigyan akong Michael sa buhay ko.
Kaso sa isang iglap, namatay ang anak ko.
Namatay siya sa mismong kamay ni Katrina.
All this time, kapatid ko pala ang may kagagawan.
“Shit! Bakit ba ang bagal mong mag-isip ngayon, Kate?!”, I said.
I’m facing the mirror while talking to myself.
I don’t know how to start my new plan.
Plano ko kasing kausapin si Katrina at magpapanggap ako bilang si Sandra. Total, Sandra ang mukha na ginagamit ko ngayon dahil sa surgery.
“Bahala na!”, sambit ko muli.
Kinuha ko na ang wallet sa kama matapos kong mag-ayos.
Umuwi kasi ako sa bahay para maligo at magpalit ng damit dahil nga nag-stay ako kagabi sa mismong clinic.
Busy ako sa araw na ‘to, so wala na akong oras para intindihin si David.
Hindi niya sinunod ang utos ko, kaya wala na akong pakialam sa kanya.
Magkanya-kanya na kaming kilos, total nagmamagaling masyado ang binata.
Tsk.
Sumakay ulit ako sa kotse ko at drinive ito sa bahay na tinutuluyan nila Katrina.
Medyo nahihilo na ako dahil wala pa akong pahinga simula pa kahapon.
Pero gano’n talaga, kailangan kong magtiyaga para makuha ang hustisya na inaasam-asam ko.
Ang bahay na hinintuan ko, ay yung bahay mismo kung saan, dito ako dinala ni David noon.
Ito yung bahay na inenjoy namin noon nung nabubuhay pa si Michael.
Ang saya sana namin, kaso ang saklap ng kapalit.
BUMABA na ako sa aking sasakyan at lumapit sa doorbell para pindutin ito.
Isang katulong ang bumukas ng gate kaya nakapasok na ako sa loob.
“Ma’am, sandali lang po. Sino po kayo?”, pagpipigil niya habang hinahabol ako.
Tuloy-tuloy naman ako sa paglalakad at nagbibingi-bingihan.
“Teka lang po Ma’am.”, she said again.
But she’s too late kasi tuluyan na akong nakatuntong sa mismong bahay.
Binago na ang design ng bawat sulok.
Kaya hindi ko maramdaman ang totoong saya dito.
Napadako naman ang tingin ko sa sala, dahilan para mabigla ako sa aking nasilayan.
Umiinom ng alak si Katrina na tila lasing na lasing na ito.
Tamang-tama pala ang dating ko.
Sabi kasi ng matatanda, nagsasabi raw ng totoo ang lasing.
Nalalabas nila ang saloobin na tinatago nila.
Kaya humakbang agad ako patungo sa tapat ng babae.
“Kumusta?”, tanong ko sa maayos na paraan.
Bahagya itong napatingin sa gawi ko, na medyo tiningala niya ang ulo para makita ako.
“I’m just here to visit you. And aside from that, we need a model in my company. So ikaw ang naisip ko, kasi marami ka ng experience about modeling.”, turan ko para lang makaisip ng sasabihin.
Yung pinaplano ko sa kanya noon na papahiyain, hindi na matutuloy dahil nga umalis na ako sa pagiging CEO.
Kaya nagsisinungaling ako kay Katrina, para hindi ito magduda.
“HAHAHAHAHAHAHAHA.”, malakas na tawa ang pinakawalan niya dahil sa sinabi ko.
Tipsy na ang galawan nito. And the way she laughed, halatang nilamon na ng kalasingan.
“Tangina HAHAHAHA. Si David ang inaasahan ko na pumunta, pero ikaw ang nagpakita? Isa pa nga, tangina mo, Sandra! HAHAHAHA!”, muli niyang saad na hindi mawala ang pagtawa.
“Excuse me?”, taas-kilay kong bigkas.
Ayoko pa naman sa lahat yung minumura ako.
“Oh bakit? Di ba tangina ka? May boyfriend ka na, tapos nilalandi mo pa rin ang asawa ko! Hindi ka man lang nahiya!”, usal na sigaw ni Katrina.
“Wala akong nilalandi.”, kalmadong wika ko.
“Talaga ba? Anong tawag mo sa...
omg
wla bang chapter 69 bitin eh