Written by; Kahel Scriptera
[Grammatical Errors Ahead]
Work of Fiction
“Reyven, bakit gustong gusto mong tignan ang buwan.” napabaling ang tingin ko sa babaeng katabi ko, nakatingin siya sa akin habang puno ng kuryosidad ang itim na itim niyang mga mata na pag-nasisinagan ng buwan ay sadya namang kay gandang titigan.
Naisip ko naman ang tanong niya sakin, bakit nga ba gustong gusto ko ang buwan?Sa halip na sagutin ang tanong niya ay tinitigan ko ulit ang buwan na kitang kita mula dito sa kinaroroonan namin.
Bakit hindi ako nagsasawang pagmasdan ang buwan?Hmm.. let just say the moon is a loyal companion, moon is my favorite companion. It never leaves, the moon is always there, watching, knowing us in our dark and light moments. The moon reminds me, that it may sometimes look like I’m losing myself, but that’s just a phase. I am always whole. Everyday it’s different version of itself.
“Ihhhh reyven naman e, hindi mo naman sinasagot ang tanong ko. Bakit nga?” tanong nya ulit, napailing nalang ako sa kakulitan niya saka siya hinarap. Pinaupo ko muna siya sa picnic cloth na nilatag namin kanina,...