THE BROKEN PROMISES
“Ikaw lang ang mamahalin, pangako ko iyan.” ngiting sabi ng girlfriend ko.
“Ako din, hindi ko akalain na makilala kita ng lubusan. Sana sa pagtanda natin ako parin.”
Yumakap ito sa’kin ng mahigpit at bumulong.
“Promise ko iyan, magiging tayo sa huli.” huling sambit nito.
—
“Buntis ako lynard.” aniya na nagpagulat sa’kin.
“Ha? Magiging tatay na’ko? Yes who!” masigla kong sigaw.
Taranta niyang hinawakan ang kamay ko, at naluluha narin ng wala sa oras.
“Ano kasi, m-may ah” pagpuputol nito sa mga salita niyang binibitiwan.
“Ano?”
“Hindi ikaw ang ama kundi ang kapatid mo, I’m sorry lynard! Hindi ko sinasadyang mabuntis ako.” turan nito.
Nagulat ako sa sinabi niya, paanong nangyari iyon?
“Anong gagawin mo? Hiwalayan mo’ko dahil...